her secret
chase kayden sawyer
nung nagyaya si sky na gumala kaming tatlo e pumayag kami. papunta kami dun sa city lights.ako ang nagdadrive ng kotse ni aid nasa katabi ko si aid nasa likod naman si sky
isang oras din bago kami nakarating sa city lights dahil medyo malayo ito sa bahay namin
"bili muna tayo food at drinks?" aya ko sakanila nung may nakita kaming convenience store.bumili kami ng mga chichirya at beer
"chase umiinom ka?" tanong sakin ni sky
"Oo naman ikaw ba?" balik na tanong ko sakanya
"oo nung nasa L.A ako napunta punta ako sa mga bar doon" napatango nalang ako at nagbayad.
nasa city lights na kami. at kitang kita ko kung gano kaganda yubg mga building sa baba para silang mga bituin na sa ibaba.
"ang ganda dito" wala sa sariling sabi ko habang nakatingin padin doon
"don't tell me di ka pa dinadala ni kuya dito?" natatawang sabi niya
"hindi pa. hoy aid bat di mo ko dinala dito?" Tanong ko kay aid
"bakit di mo naman sinabi na mga gantong lugar gusto mo akala ko mga eskinita paborito mong mga lugar" batid ko ang ibig sabihin niya. ang mga eskinita kung saan nangyayari yung mga bugbugan
"ikaw din naman di ko nga rin alam na may gantong lugar kang alam" sagot ko sakanya
"nakita namin to ni skylar nung 14 years old siya. birthday niya yon" nakangiti siya hanbang nag kukwento
"ilang taon ka na ba sky?" tanong ko kay sky
"22 nako hehe" natatawa sabi niya di ko alam ano nakakatawa nasisiraan na ng bait
"8 years ago?" Tanong ko.
"oo birthday ko yon." nakita ko yung lungkot sa mata niya
"u okay?" tanong ko sakanya at tumango naman siya
"may nangyari sa bahay non. kaya inilabas ko si sky at natagpuan namin to" hindi nako nagtanong kung anong nagyari dahil batid kong hindi nakakatuwa iyon dahil sa mga itsura ng mukha nila
"by the way sky tapos ka na ng pag aaral?" tanong ko sa kanya
"oo last year lang. Doctor ako" nagulat naman ako sa sinabi niya. dahil si aid ay nakapag tapos ng abogasya kaya akala ko ganon din siya
"seryoso?" tumango naman siya at ngumiti
"e ikaw tapos ka na din ba?" tanong niya din sakin
"oo tapos nako. business" ngumiti ako pagkatapos ko sumagot
"ah ikaw nga pala tagapagmana ng Kayden corp." nakangiti sabi niya
" actually ako na ang may hawak non" Nagulat naman siya sa sinabi ko
"what the hell? CEO ka na ng kayden corp?" gulat pang tanong niya
"yes haha mukha kang gulat na gulat" dahil ako lang naman ang anak nila mom wala akong kapatid
"pati yung mga hotel, resorts at mall ikaw na din humahawak?" tanong niya
"hmm oo ako na den."sagot ko
" bat parang di ka naman busy? "tanong niya sakin
" every Saturday and Sunday lang ang pasok ko kasi nandon pa naman si mom kaya minsan lang ako pumasok"totoo yon kahit ako na ang CEO si mom paden ang nag hahandle pirma ko lang ang kailangan nila
"ahh" natahimik kami saglit ng may naisip akong itanong.
"pede magtanong?" sabi ko sakanya
"haha nag tatanong ka na" natatawang sabi niya
"bakit nasa L.A ka nung 5 years?" alam ko na masyadong pribado ang tanong ko pero gusto ko talaga malaman. nakita ko na tumingin muna siya kay aid saka tumango
"Half sister lang ako ni kuya" nagulat ako sa sinabi niya
"a-ano?" gulat padin na tanong ko
"nirape si mommy.mga sindikato ang gumahasa sakanya at maswerte siya na nakatakas siya" paliwanag niya
"pero isang taon lang ang agwat niyo ni aidrian" sabi ko sa kawalan
"isang taon palang si kuya nung ginahasa si mom" nagtutubig na ang mata niya
"sorry hindi ko na dapat tinanong" pero di niya ko pinakinggan at nagtuloy sa pagkukwento
"nalaman ng sindikatong gumahasa kay mommy na mayaman si mommy. kaya hinabol niya ito. hindi naman mahirap ang tatay ko pero hayok siya sa pera at kayamanan. nagbunga yung kasalanan na yon. ako" tumulo na ang luha niya. niyakap ko siya
"hindi ka kasalanan okay?" pagpapagaan ko ng loob niya
"tinaggap ako ni daddy Aeron (daddy ni aid) tinuring niya akong tunay na anak. nung una hindi ko alam na hindi niya pala ako anak. nung birthday ko nung nag 14 ako saka ko lang nalaman. dahil meron mga lalaking mga nakaitim na dumating sa bahay at kinukuha ako. hindi ako sumama pero sinaktan nila ko at pinagbantaan na papatayin kung hindi ibibigay ni mom ang mana ko sakanya."sunod sunod na pumatak ang luha niya habang nagkukwento
" anong klaseng ama siya? "tanong ko
" ama na kahit sino hindi hihilingin na maging tatay siya" nakita ko ang galit sakanya
"hindi talaga ako nilabas lang ni kuya nung gabing yon. itinakas niya ko. may bumaril saken sa binti lang naman ako natamaan. simula ng gabing yon hindi na natigil may mga pagkakataon pa na muntik nakong magahasa kaya inilayo ako nila mommy dinala ako sa L.A pero pagkaalis ko isang linggo palang ako don namatay si daddy. pinatay siya ng sindikatong iyon" nagulat ako don dahil ang sabi sakin ni aid namatay si tito dahil sa sakit
"alam mo ba? kung bat ako bumalik dito?" dagdag niya pa
"bakit nga ba hindi ka safe dito" nag aalalang sabi ko
"nahanap na nila ako. nagulat nalang ako na pag uwi ko galing duty sa ospital na pinagtatrabahuhan ko sa L.A e may sumunod saken. alam ko na tatay ko yon. dahil nung nandito pa ako minsan nako napunta sa pangangalaga niya.nakilala ko angmga tauhan niya. sinasaktan niya ko kaya naisipan ko tumakas luckily hindi nila ako nahuli at nakauwi ako kanila kuya" umiiyak siya. kaya hindi ko alam ang gagawin ko. tumingin ako kay aid. nakatingin lang siya kay sky may tumulong luha sa mata niya. hindi rin naman nagtagal nakatulog si sky kakaiyak kaya umuwi na kami
nasa daan kami pauwi ng magsalita si aid
"nasasaktan ako para sa kapatid ko dahil alam ko na wala akong magawa para sakanya" batid ko na umiiyak siya
"may magagawa ka para sakanya" sabi ko
"Sayo inihabilin ni mom si Skylar dahil alam niya na padalos dalos ako,masaktan lang ang kapatid ko halos magwala na ako at ayaw ni mommy non.promise me Chase na hindi mo pababayaan si Skylar" napangiti ako
"Promise,hindi ko hahayaan na mahirapan ang taong gusto ko" paangako ko sakanya
YOU ARE READING
The Badboy's First Love
Não Ficção"baby always remember you are my favorite hello and my hardest goodbye"-skylar caroline paynton "stay with me baby"-chase kayden sawyer "i'm still inlove to the same girl i met in 2018"-chase kayden sawyer