Try Again
By: starapple07
*****
A/N: This short story is 20% true, 80% fiction.
Ang iba ay nangyari na sa nakaraan, nangyayari sa kasalukuyan at mangyayari pa lamang sa hinaharap.
To HandSam - One of my best friends in the entire galaxy. XD
*****
Roses are red, Violets are blue,
Relationships are overrated..
I'm better off without you.
BITTER lang ang peg?
At kailan pa naging violet ang blue?
-___-
2 words, 6 letters..
Easy to say, but hard to do.
MOVE ON.
Pero kahit anong gawin ko, ikaw pa rin eh.
Umalis ka na nga sa buhay ko, langya..
Tama ba namang pati puso ko..dalhin mo?
Isa ako sa joker ng barkada.
Malakas mantrip. Gusto ko lahat masaya, palaging tumatawa..
Pero minsan, nagtataka ako..,
kung paano ko nabibigyan ng kasiyahan ang iba..,
gayong sarili kong kaligayahan, hindi ko na makikita pa.
Leche. Emo-much?
*****
"HOY! GISING NA!!!"
Sigaw ng isang babae at narinig ko ang paghawi niya sa kurtina kaya naman
pumasok sa loob ng kwarto ko ang sinag ng araw.
Tsk. Inaantok pa ako eh. Xyra talaga oh. Parang siya yung may-ari ng condo eh. -_____-
"Kambal! Kambal! Uy..bumangon ka na dyan!!!"
Naramdaman ko namang may tumatalon-talon sa kama.
Mas lalo ko lang ibinaon ang mukha ko sa unan na yakap-yakap ko.
"Ako magluluto ng almusal!!! Yeah! Oh..bakit ganyan mga mukha niyo?"
"Ah..eh..Rona..mukhang hindi maganda ang ideya na yan. Hayaan mo na lang na si Carl ang magluto."
"Eeehhh..Shiela naman eh."
"Baka mapatay mo kaming lahat. Wahahahaha!!!"
"CAAAARRRLLL!!!!"
Kahit di ko sila nakikita, alam ko na nagtatalo na naman sina Rona at Carl kung sino ang magluluto ng almusal.
Syempre, todo suporta ang LAHAT.. sa panig ni Carl...ahm..wag niyo na itanong kung bakit.
-_____-
Parang may gumalaw-galaw naman sa may bandang paanan ko. For sure si Melanie to.
Isa rin tong tulog mantika eh.
"SAAAAMMM! Pag di ka pa bumangon dyan, pipicturan kita!"
