"Entablado"

18 1 0
                                    

"Pag nawalan ka ng oras sakin, hindi ko iisipin na iniwan mo ko"

Nakatalikod siya saakin kaya hindi ko makita ang reaksyon niya, pero ramdam ko ang sinseridad sa mga salitang binibitawan niya.

"Dahil naabot mo yung pangarap mo at mas magiging masaya pa nga ako para sayo dahil ako yung taong nag tulak sayo para maabot mo yung pangarap mo"

Huminto siya sa kanyang sinasabi at lumingon siya saakin, hinawakan niya ang mga kamay ko.

"At pag nangyari yun alam kong mag kikita parin tayo at sana kahit sikat kana ay hindi mo ko magawang kalimutan."

"Hihintayin kita kahit anong mangyari shaira"

~
Hindi ko maiwasan na mapangiti pag naaalala ko yung mga sinabi niya saakin noon, huminga ako ng malalim, ako na pala ang susunod kailangan kong galingan dahil nandito at manunuod siya. "Kaya ko to!" mahina kong bulong sa sarili ko.

"Let's all welcome, the one and only shaira from S.A Entertainment"

Nilibot ko ang aking paningin, at nang makita ko siya ay di ko na mapigilan ang sarili kong titigan siya dahil ngayon na lang ulit kami nag kita, ilang taon nadin pala ang lumipas, gusto kong ipaalala sa kanya lahat ng pinag daanan namin, na kahit anong mangyari hanggang sa huli, siya parin ang pipiliin ko, na babalik ako.

"Time stand still
Beauty and all she is
I will be brave
I will not let anything, take away
What's standing in front of me
Every breath, every hour has come to this"

Gaya ng sinabi niya na mag hihintay siya, hihintayin niya ako.

"One step closer
I have died everyday,
waiting for you
Darling dont be afraid
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more"

Apat na taon na din ang lumipas nung huli naming pag kikita, ang dami kong gustong sabihin sa kanya gusto ko iparamdam na eto na mahal nandito na ako, gusto ko siya yakapin at sa sobrang dami nang gusto kong sabihin hindi ko na alam ang uunahin ko, ngayong nakita ko na ulit siya gusto ko iparamdam sa kanya na nandito na ako at hinding hindi na ko aalis pa na bumalik ako para sa kanya gaya ng mga pangakong binitawan namin sa isat isa.

"And all along I believed, I would find you
Time has brought your heart to me, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more

One step closer
One step closer"

Ipinikit ko ang aking mata dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko, itong mikroponong hawak ko, entabladong kinatatayuan ko at mga taong patuloy na naniniwala sa kakayahan ko, hindi ko maaabot ang lahat ng ito mahal kundi dahil sayo.

"I have died everyday, waiting for you
Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more"

Akala ko noon pag natupad ko ang pangarap ko ay sasaya ako, tayo pero hindi pala nag kamali ako. Dahil ngayon iba na ang babaeng kaharap mo sa altar na parang kung dati lang ako pa ang pinapangarap mong makasama habang buhay.

"And all along I believed, I would find you
Time has brought your heart to me, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more"

Kahit masakit para sakin hinding hindi ko parin kakalimutan ang mga pangako natin sa isa't isa dahil itong pangarap at buhay na meron ako gusto kong ialay lahat sayo pero hindi ko akalain na sapagbalik ko iba na ang pinili mo.

~~~~~~~~~~~
https://www.facebook.com/Hloace_FindUs-1293518417448854/

©
A Thousand Years by Christina Perri

Makatotohanang Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon