Bakit bestfriend ko pa?

372 11 4
                                    

Love hurts </3

Pag nagmahal ka, mararanasan mo lahat ng sakit.

Masasabi mo din na, "Sana ako nalang"

Pero, bakit bestfriend ko pa?

Love can destroy friendship. <//3

Ang sakit tanggapin. <//3

---------------

Ako nga pala si Stella, 2nd year student. Simple lang akong estudyante. Hindi ako sikat pero hindi mo rin naman masasabe na loner ako. May bestfriend ako si Amethyst. Maganda siya, hindi ganun kaputi pero matalino at mabaet. Matagal na akong nagaaral dito sa school namen, since kinder. Loyal ko nuh?! Grade 5 palang ako nakita ko na ata prince charming ko. Si Kurt *.* Oo, hanggang ngayon crush ko parin si Kurt! Grabe nuh? Tagal ko na siyang gusto! He's so charming kase eh, he's not that famous too. Saktuhan lang. Kada makikita' ko siya nawawala na ako sa sarili. Ohmygawd :"> Ampogi nya. Di lang sya pogi matalino din siya, hindi katangkaran, pero may pagka-isnabero. </3 Madalas ko siyang sinusundan. Stalker ba?! Nahahalata na nga ata niya ako eh. (Wag naman sana) Crush ko pa ba sya oh, mahal ko na sya? :/ He's my ideal guy. :") Pero etong bestfriend ko parang may gusto din sakanya. </3 Kung tutuusin mas may pagasa skin si Amethyst. Magkaibigan kasi sila. Naging magkagrupo sila sa intrams namen at parehas sila ng laro, Table tennis. Masasabi ko rin na mejo close na sila dahil lagi silang nagkakasama noon. Inggit na inngit nga ako kay Amethyst eh :( Kasi magkaibigan na sila eh, ako? Nganga!! Nagseselos nga ako kay Amethyst minsan pag nakikita ko silang nagtatawanan eh. Hmp, kundi ko lang kaibigan to si Amethyst baka nagtayo na ako ng samahan na gigiyera sakanya. Haha >:D 

Isang araw habang naglalakad kami ni Amethyst nakasalubong namen si Kurt.

"Hi Amethyst! Miss nakita ;) Malapit na intrams sana magkateam ulit tayo." Sabe ni Kurt.

Bumulong ako. "Shit!" Napatingin saken si Amethyst, narinig ata niya.

"Hi Kurt! Oo nga sana magkateam ulit tayo." Tugon ni Amethyst.

Umalis na si Kurt, natutuwa ako ata nakita ko sya. :) Kahit hindi niya ako pinapansin. Pero may napansin ako, Si Amethyst ngiting ngiti. Dikaya may gusto sya kay Kurt? Wag naman sana <//3 Tapatin ko na kaya bestfriend ko, para malaman ko ang totoo. Kung may gusto nga ba talaga siya kay Kurt. <//3

"Amethyst, ma.. maay gu.. gusto karin ba kay Kurt?" Waaaaah -.- Natatakot ako sa isasagot ni Amethyst. :( 

"Im so.. sorry Stella pero gusto ko rin si Kurt, hindi ko nman sinasadya na magkagusto din ako sakanya. Hindi ko naman inaakala na magkakagustorin ako sakanya."

"Ste.. stella, nililigawan na ako ni Kurt, hindi ko alam kung sasagutin ko sya kasi parehas ko kayong mahal at ayokong masira pagkakaibigan natin. Pero gusto ko rin sya stella, hindi ko alam kung anong gagawinko. :'("

Naluluha na si Amethyst. Di ko na alam gagawin ko. Habang sinasabi nya yun nasasaktan ako. At ano daw?!! Nililigawan na sya ni Kurt?! Ang sakeeeeet <//3 Ayoko mang isipin na tinraydor niya ako pero parang ganun eh! Tumakbo nalang ako pagkatapos niya sabihin ang mga salita na makakasakit ng lubusan sa akin. 

Days passed by.. hindi na kami nag-uusap at nagkakasama ni Amethyst pagkatapos ng nangyare. Nasayang lang ang friendship namin ni Amethyst dahil sa bwiset na LOVE. :( Malungkot at sobrang Sakit. <//3

Naglalakad ako papuntang canteen upang bumili ng pagkain Lunch na kase namen eh.. Andito na ako sa canteen at nagulat ako sa aking nakita. Magkahawak ng kamay si Kurt at Amethyst. Ang saket. <//3 Tama nga ang sinasabi ng iba na sila na.

Pero kaylangan kong tanggapin.

Wala na akong magagawa eh. 

Tama talaga ang sinasabi nila na pag nagmahal ka mararanasan mo lahat ng sakit. <//3

Kaylangan ko ng tanggapin na hindi kami para sa isa't isa.

Pero, BAKIT BESTFRIEND KO PA? 

--------------------

Salamat sa pagbabasa. <3 Sana nagustuhan niyo. :)) 

/DaGirlsSix. #Girltwo<3

Bakit bestfriend ko pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon