Nasa byahe kami ngayon ni Joseph. Napagdesisyunan kasi namin na magbakasyon dito sa Baguio sa kadahilanang summer naman. Sa totoo lang, 'di naman talaga ako pinapayagan na gumala nila mama dahil nga iniingatan nila ako't babae pa.
Minsan, gusto 'kong magreklamo kasi kaya 'ko naman 'yong sarili 'ko pero sinusunod 'ko na lamang sila dahil naiintindihan 'ko naman na nag-aalala lang sila sa kapakanan 'ko bilang mga magulang.
Pero ngayon, isang himala na hinayaan nila akong magbakasyon sa Baguio! Ang layo kaya nito, a! Panigurado na dahil sa kasama 'ko si Joseph kaya sila pumayag. 'Di 'ko talaga maintindihan kung bakit ang bilis nila pumayag pagdating sa kaniya samantalang ako 'yong anak nila. Hmp.
“Nagugutom ka na ba, Celestine?” Aniya ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako sa pinanggalingan no'n at nakita si Joseph na puno ng pag-aalala. Tumango na lang ako bilang sagot.
Kinuha niya ang isang supot ng tinapay at ang isang jar ng strawberry jam saka nagsimulang gumawa ng sandwich. Iniabot niya sa'kin iyon na agad 'ko namang kinuha at sinimulang lantakan.
“Salamat.” Bulong 'ko sa kaniya.
Binigyan niya lamang ako ng isang tipid na ngiti. Bumilis ang tibok ng puso 'ko sa 'di 'ko malaman na dahilan. Ipinagkibit balikat 'ko na lang iyon. Baka nakakaranas na naman ako ng motion sickness. Sumasama kasi ang pakiramdam 'ko sa tuwing nakasakay ako sa sasakyan nang matagal.
Nalagpasan na namin ang ilang likuan sa daanan, na mas lalo pang nagpasama ng nararamdaman ko. Ilang sandali pa at naaninag 'ko na ang isang tindahan na nagbebenta ng ilang gulay, strawberry jams at souvenirs.
Gusto 'ko sanang pahintuin muna ang sasakyan pero mas nanaig ang paglala ng sama ng pakiramdam ko. Inubos 'ko ang tinapay na ginawa para sa'kin ni Joseph saka humiga para sana maialis 'ko ang isip sa kagustuhan na sumuka.
Sinimulan 'ko nang ipikit ang mga mata 'ko nang maramdaman ko ang isang pares na mga kamay na humawak sa ulo 'ko. Unti unti 'kong idinalat ang mga mata 'ko at naaninigan ang mukha ng matalik 'kong kaibigan.
May pag-iingat niyang inilagay ang ulo 'ko sa kaniyang mga hita. Wala siyang imik nang hilutin niya ang sentido 'ko.
Sa pagkakataong iyon lang ako nakakuha ng tiyansa na pagmasdang mabuti ang itsura ni Joseph.
Mayroon siyang maikli ngunit nakaayos na mala-kapeng buhok, hazel na mga mata, mahahaba't makakapal na pilikmata na animo'y galing sa isang manika, hindi masyadong makapal na kilay, 'di pango ngunit 'di rin katangusang ilong, at mapupula't manipis na labi.
Kayumanggi ang kaniyang balat na talaga namang bumagay sa kaniyang facial features.
Hindi 'ko tuloy 'di maiwang isipin kung bakit wala pa siyang nililigawan na babae. Panigurado naman na sasagutin siya ng kung sinuman iyon dahil sa bukod na may itsura siya, marunong din siya sa gawaing bahay at may magandang asal.
Hindi man popular sa'ming eskwelahan, masasabi 'ko naman na kilala siya bilang isa sa matatalinong estudyante ng paaralan. Panlaban sa iba't-ibang contest lalo na sa math.
Halimaw siya kung tawagin ng mga kamag-aral namin dahil sa tuwing may exam ay paniguradong siya ang may pinakamataas na score. Almost perfect na nga ang mga exam niya.
Maging section 1 sa'min ay kinatatakutan na rin siya. Running for Valedictorian pa naman ito.
Nagulat ako nang biglang tumingin sa'kin si Joseph. Dala ng hiya dulot ng nahuli ako na nakatitig sa kaniya, namula ang mukha 'ko at iniwasan ang titig niya.
“Masama pa ba ang pakiramdam mo, Cece?” Pagtatanong niya sa'kin gamit ang palayaw na ibinigay niya sa'kin noon. “Medyo nawawala na 'yong hilo 'ko pero masama pa rin ang pakiramdam 'ko.”
Hinaplos niya ang buhok 'ko saka marahang ngumiti. “'Wag ka mag-alala, konting tiis na lang. Lilibre kita ng pagkain mamaya kahit saan mo gusto.”
Napangiti ako sa sinabi niya. “Sigurado ka? Ihanda mo na ang wallet mo dahil mamaya, ubos ang laman niyan.”
Tinawanan lang niya ako at kinantahan ako ng pampatulog. Aaminin 'ko na may kagandahan ang boses niya kaya naman mabilis akong dinalaw ng antok. Matutulog na lang muna ako. Mamaya, kakain nanaman ako ng maraming pagkain na gusto 'ko. Napangiti ako sa ideyang iyon at pumikit para magpahinga.
BINABASA MO ANG
Baguio
RomanceSummer nanaman. Panahon kung saan ang mga tao ay nagsasaya kasama ang kanilang mga pamilya. Maliban kay Celestine Porta. Imbes na pamilya niya ang kasa-kasama ay ang matalik nitong kaibigan ang kasama ngayong bakasyon! Masaya naman siguro, hindi ba...