Author's Note: So far, this is my latest story pero mas napagtutuonan ko ng pansin ang second to the latest story ko ang "The Nerdy Gangster"...still, I hope you'll like this one😊😊Have a good day😊
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Peter's POV
Naghahanda na ako sa aking pagpasok sa eskwela...
Oo, pumapasok ako...matapos kasi ng pagtugis ay kinupkop na ako ng mga Diwata ng Buwan...ibinigay nila ang aking mga pangangailangan, syempre pinag-aral nila ako...in short, sila ang naging mga magulang ko...
Actually, may in-assign ang Inang Diwata na magiging magulang ko...mag-asawa din sila ngunit walang anak...weird noh??
Sila ay sila Mama Diwatang Korei at Papa Diwatang Kenta...
Ok back to reality...lumabas na ako sa'king kwarto at bumaba na para sa agahan...
Kung tatanungin nyo kung ilang baitang na ako....nasa ika-apat na taon na ako ng sekondarya...lalim ba??😁😁
"Oh Pete, kumain ka na para maaga kang makapasok..." ani Papa Kenta
"Opo, papunta na po.." sagot ko
Simple at ordinadyong buhay lang naman ang meron kami, KAMI lang talaga yung hindi...
"Oh bat ganyan yang mukha mo?? akala ko ba ititigil mo na yan??" pambungad sakin ni Mama Korei
"Oo nga naman, ke-gwapong bata eh...alam mo nak, ang ganyang kagwapuhan ay hindi tinatago yan..." komento pa ni Papa..
"Alam nyo po, Ma, Pa...ok na ako sa ganito.." sabi ko na lang..
Nagtataka ba kayo kung anong pinag-uusapan namin??
Naka-NERDY LOOK lang naman po kasi ako...why??
Ayaw ko lang pong may masaktan pa ulit ako...kaya mabuti nang mapag-isa kesa magkaroon ng kaibigan...yun lang naman iniisip ko eh...
Kaya nga walang gustong kumausap or lumapit sakin sa school...mula pa nung tumuntong ako ng sekondarya, ganito na ako...
"Oh sya, kung ayan ang gusto mo...pero naku!! baka naman di ka magkaroon ng asawa nyan sa gawa mo ha..." sabi pa ni Mama..
"Hay naku Ma, hindi pa nga ako tapos mag-aral eh asawa agad nasa isip nyo.." natatawang sagot ko naman..
"Oo nga naman Hon, ikaw talaga...umupo ka na Peter at kumain na, baka mahuli ka pa.." sabi pa ni Papa..
" 'Hon'?? san mo nakuha yang salitang yan??" tanong ni Mama
"Sa labas lang...narinig kong tawagan yan ng mag-asawa.." sabi ni Papa atsaka sumubo ng pagkain..
"Aaah naiintindihan ko..." pagsang-ayon naman ni Mama at nagsimula nang kumain...
"Nga pala Peter, pupunta muna kami sa Kaharian ha...may pinaaasikaso lang ang Inang Diwata.." ani Papa
"Sige po.." sagot ko nalang..
Matapos ang ilang minuto ay tapos na akong kumain,..nagpaalam na ako na aalis na...
Nakarating ako sa Paaralan nang hindi late, dahil may 45 minutes pa bago ang klase....kaya pumunta muna ako sa isang hardin ng school na aking tambayan, wala kasing pumupunta dun dahil tago...
Nang makarating ako...nakita kong lanta na ang karamihan sa mga halaman at ang iba nama'y mga patay na...hindi na ako nagulat...dahil nga tago itong lugar ay hindi na ito nadidiligan nitong bakasyon...
Kaya ang ginawa ko....ano pa nga ba, edi binuhay ko ulit...at yan maganda na ulit...
Hindi naman na ako nagtagal dun dahil yun lang talaga ang sadya ko...pumunta ako sa classroom...
YOU ARE READING
Unfated Love
FantasyI'm a human but no ordinary one...I have the power to do what I want, in just a snap...I'm no bad person, I always do smiling..I'm just my normal self...but then I always makes sure that no one will come near me.... But all of that changed, when she...