Her POV

11 2 0
                                    


"Flowers for you. Yeeeeee" bulong sabay kiliti sa akin ni Joy.

Kinuha ko ang tatlong rosas na nakapatong sa upuan ko. Napangiti ako. Mahigit isang buwan na din akong nakakatanggap ng rosas sa isang taong hindi ko kilala. Minsan nakapatong sa upuan o di kayay nasa lalagyan ng tubig sa bag at minsan sa locker ko.

Noong una okay lang sa akin kasi Valentines iyon at normal lang sa akin ang makatanggap ng mga bulaklak pero nagulat nalang ako na araw araw na iyon. Sabi ni Joy may secret admirer daw ako at nakakakilig daw iyon. Minsan inaagahan kong pumunta ng school para masaksihan kung sino ang naglalagay ng rosas sa upuan ko pero hindi ko matyempohan. Nasa locker na pala at minsan tuwing P.E namin nakalagay na ito sa lalagyan ng tubig ko.

Hay nako. Hindi ko alam pero habang tumatagal napapraning na ako. Gustong gusto ko na siyang makilala at tanungin ang rason sa ginagawa niya. Kasi nahihiya na ako sa tuwing inaasar ako ng mga kaklase ko atsaka kay papa. Isa pa tatlong rosas ang natatanggap ko. Nagtanong kasi ako sa mga nagtitinda ng mga rosas sa palengke kung magkano at sabi one fifty ang tatlong tangkay at ni-times ko sa twenty six days at mahigit apat na libo rin iyon. Grabe naman. Ang laki ng gastos niya.

"Nabalitaan mo na ba? Nanalo tayo sa math quiz bee? Grabe ang galing talaga ni Kiven" ani ni Joy.

Lunch time at papunta kami ni Joy sa cafeteria. Bibili kasi ako ng ulam kasi walang maluto sa bahay. Wala na kasing laman ang ref namin at sabi ni papa bibili nalang daw ako.

"Magaling naman talaga iyon. Saan siya ilalaban ba sa susunod?"

Binuksan ko isa isa ang mga nakahain na ulam. Wow! May tinolang manok!

"Mangkano po ito?"

"Twenty five lang"

"Isa po. Salamat"

Pagkatapos kong magbayad ay pinili naming umupo sa gilid ng punong talisay. Buti nalang walang nakaupo. Napakasarap kasi ng hangin dito.

"Sabi nila sa Penaplata. Pero hindi pa sure kasi dati sa Moncado ginanap iyon"

Bigla ko namang naalala si Markus. Bestfriend ko na nag-aaral sa Penaplata.

"Talaga? Sayang! Sana sumali ako baka sakaling makita ko doon si Markus! Miss ko pa naman iyon!" malungkot kong sabi.

"Oo nga yan din iyong naisip ko pagkabalita na sa Penaplata gaganapin"

Nagsimula na kaming kumain ni Joy nang may itinuro siya. Matapos kong higupin ang sabaw tinignan ko iyon.

"Kilala mo ba iyon?"

"Huh? Saan diyan?"

"Yong pinakagwapo! Ayon yong sumipa ng bola!"

Nanliit ang mga mata. Gwapo naman silang lahat ha.

"Hay nako! Si Santi! Grabe ang gwapo niya talaga! Alam mo bang siya na naman ang nagtop sa klase nila? Grabe!" Gwapo naman talaga lahat ng lalaki na nakikita mo Joy.

"Oo kilala ko yan. Sikat kaya yan sa school tsaka mabait pa" ngumiti ako sa sinabi. Tinignan ko ang grupo ng mga kalalakihan na naglalaro ng soccer. Mga senior. Isa na doon ang grupo ni Kiven. Maraming mga babae sa gilid ang nanonood at nagchi-cheer. Nakita ko din si Beverly na nagchi-cheer kay Roman. Grabeng impluwensya talaga ang naiibigay nila sa kababaihan.

Nagpatuloy ako sa pagkain at humigop ng sabaw. Nilantakan ko ng mabuti ang manok at walang kahirap hirap na naubos ito. Ang sarap talaga.

Tumayo ako at inipon ang mga buto nang manok na kinain ko. Lumapit ako sa basurahan para itapon. Bigla nalang may tumama sa paa ko. Bola?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flowers For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon