Una: Pusong di makalimot

2 0 2
                                    


Pero bakit ganon? Kahit gaano na karami ang dumating sa buhay ko, ikaw pa rin ang gusto ko?


Ang iba ay hindi makarelate sa nasabing pangungusap maaring dahil hindi pa nila naranasang magmahal ng taong hindi kadugo o sadyang bitter lang talaga sila.... Ngunit kung babasahing mabuti masyado kang nagpapakatanga kung ipagpapatuloy mo pa rin ang ganyang sistema. Sa bilyon bilyong tao sa mundo, nagpapakatanga ka sa isa. Sinasayang mo lang ang ganda at kapogian mo.

Kung hindi nya maramdaman ang pagmamahal mo.... dahil yun sa hindi sya worth it nito at hindi sya ang itinadhana para sa iyo. Wag mong kakalimutan si kupido na naglaan ng karapat-dapat talaga sa iyo, yung taong kayang suklian ng sobra sobra ang pagmamahal mo. Huwag magtiis sa isa dahil may susunod pa namang iba.

Be patient because the best is serve at last.

Ang dessert ay madalas na isiniserve sa huli. Kung gusto mong matikman ang panghimagas na magpapasaya sayo matuto kang maghintay. Dahil ang matamis ay nakakapagpagaan ng kalooban at minsan hindi natin namamalayan na sumasaya at gumaan na pala ang ating kalagay habang kinakain ang panghimagas. Ibig sabihin malay natin na katabi at nakakasama na pala natin ang nakatadhana sa atin.

Riddle:

I am read as one letter written with three
I come in blue, black, brown or gray
Reverse me and I'm still read the same old way.
What am I?

__________________________________________________________________________________


Charannnnnn *insert confetti*
Answer will be posted on the next chapter in a code way. HAHAHAHA.
So kailangan nyo pa po syang idecode kung hindi nyo makuha ang sagot. Pero madali lang naman yan kaya alam kong kayang kaya nyo yan. Wahahaha. Nyeongan💜

~*pandaganda*~

Realization Quotes with RiddlesWhere stories live. Discover now