YOORI'S POV
Nandito kami ngayon sa café sa tapat ng school namin, may ipapakilala daw kasi si venice pero tignan mo naman ang tagal tagal nyang dumating
"Nasan na ba si venice? Kailangan ko pa mag beauty rest" sabi ni daewhi
"Wala ka naman beauty" sagot ni somi kaya natawa kaming tatlo
Maya maya nakita na namin si venice na pumasok sa café kasama yung boyfriend nya i guess?
"Hay salamat dumating narin ang loka---hyung?" Nagulat si daehwi ng nakita nya yung kasama ni venice
"Hi guys sorry late kami hehe kilala nyo naman siguro si jihoon diba hehehe sya pala yung boyfriend ko" masayang sabi ni venice
"Hyung di ka nagkwekwento ah" asar ni dae kay jihoon kaya natawa si jihoon sa sinabi nya
"Wait lang guys order lang ako" sabi ni venice saka pumunta na sa counter si jihoon naman umupo na sa harap ko
"Gano na kayo katagal ni venice, jihoon oppa?" Excited na tanong ni somi
"Actually last month nya lang ako sinagot" masayang sagot ni jihoon kaya napatili kaming tatlo nila daehwi
"Gano katagal mo sya nililigawan?" Tanong ko sakanya kaya kaya napatingin sya saakin, may mga ilang seconds siguro syang nakatitig saakin
"Hyung? Hyung!" Tawag ni daewhi kay jihoon, pumipitik pa nga si daehwi eh
"O-o? Ah, 3 months ko syang nililigawan" nauutal nyang sagot, kaya kaming tatlo tumili ulet yiee!
Dumating na si venice saka nilapag yung order nila tuloy tuloy na kaming nagkwekwentuhan
》》Time skip《《
"Saan ka galing?" Kapasok ko sa pinto biglang tanong ni kuya
"Ano kaso kuya hehehe pinakilala ni venice yung boyfriend nya saamin" ang serious naman ni kuya huhuang scary nya pamandin pag galit
Naalala ko tuloy nung nasira ko yung tv nya nagalit sya saakin non, sinisipia ko kasi yung soccer ball ko tapos sinipa ko ng malakas tumama sa tv nya ayun basag
Saka nung mabully ako nung grade 1, kulang nalang ipa kick out nya na yung ma batang yun eh
"Pinakilala lang pala eh bakit ang late mo umuwi? Yung uwian nyo 5:30 pero 8:41 na oh" kanina pa ba ako hinihintay nito?
"Syempre nag kwentuhan pa" sagot ko sakanya saka nagpout hihi
"Hindi mo ako madadaan sa pout mong yan kang yoori" seryosong sabi ni kuya, jusq nakakatakot yung aura nya huhu
"Nak wag mo naman takutin yang kapatid mo" saway ni mama kay kuya pero si kuya seryosong nakatingin parin saakin
"Ma kaya nasasanay tong si bunso kinukunsinte nyo lagi" sabi ni kuya kay mama kaya tinaasan sya ng kilay ni mama
"Sabi ko lang wag kong takutin di ko naman kinukunsinte, ikaw bata ka dapat hindi na to mauulit ah? Kababae mong tao umuuwi ka ng gabi pano pag napahamak ka?" Baka mabawasan nanaman allowance ko huhuhu
"Hinatid naman ako ni daehwi ma eh" pero hanggang sa kanto lang hihihihi
"Mabuti pero wag ka nang uuwi ng gabi sa susunod! At dapat magpapaalam ka" highblood na si mama
"Opo"
"Umakyat ka na sa kwarto mo at maligo o maghilamos, kakain na tayo nyan" sabi ni mama naglakad na papunta ng kusina pero nagrarant parin sya
Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo, si kuya hindi ako pinapansin huhu natapos na ako maligo kaya bumaba na ako. Hindi pa man ako nakakarating sa kusina amoy na amoy ko na yung masarap na luto ni mama
"Bango naman nyan ma ahihi" sana hindi na sila galit saakin huhu
"Syempre ako nagluto" sabi ni mama saka nilapag yung pagkain sa lamesa, si kuya umupo na kaya naupo narin ako
~~~~~~~
Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan, syempre mabait akong bata hehehehe
Pero si kuya talaga hindi ako pinapansin huhu kinakausap ko sya hindi man lang nya ako sasagutin ni hindi nya nga ako tinitignan eh
Natapos na ako maghugas kaya umakyat na ako, napadaan ako sa pinto ng kwarto ni kuya, napansin ko na medyo bukas kaya sumilip ako
Nakita ko sya naglalaro sa phone nya kaya pumasok ako mukang hindi nya naman napansin...o sadyang di nya pinansin?
"Kuya" tawag ko sakanya pero di nya ako pinansin huhu "kuya pansinin mo na ako please huhu di ko na uulitin magpapaalam na rin ako sa susunod, nakalimutan ko kasi magtext" di nya parin ako pinansin huhu
"Kuya naman eh" pagmamaktol ko "sorry na kasi kuya huhu" huhuhuhuhu
"Sige na nga, basta wag mo ng uulitin" papayag din pala ang pabebe pa eh HAHAHA
"Ahihi sige kuya goodnight!" Sabi ko saka tumakbo palabas
Pagkadating ko sa kwarto ko syempre selpon selpon muna tayo, bigla akong nanotif na may nag add saakin kaya inopen ko...
Park Jihoon sent you a friend request
Accept | DeleteYou are now friends with Park jihoon!
_________________
![](https://img.wattpad.com/cover/187766162-288-k611530.jpg)
YOU ARE READING
Betrayal? | P.JH
Romance"Pano kung ikaw yung gusto ko hindi yung bestfriend mo?" -Jihoon •In which Park Jihoon fell in love with his girlfriend's best friend Jihoon × Yoori (you)