Simula
"GO NUMBER 14!" sigaw ng bagong kaibigan ko. Tiningnan ko ang chineer niya mahitsura ito at magaling maglaro.
Summer ngayon kaya heto may paliga at this is my first time na pumunta dito. First time ko din manonood ng liga bago lang naman ako dito but look at me i have a new friends. Nakabili ang Daddy ko ng bahay dito sa subdivision. But im not planning to stay here na matagal. Hindi ako sanay at masyadong malayo sa school na pinapasukan ko.
"GO PHASE 1!" Nakisigaw na din ako. Laglagan na kaya kapansin-pansin na maraming tao ngayon sa court.
Nag timeout muna ang kabilang team kaya tumahimik muna kaming cheering squads. Liningon ko yung kabilang team todo turo ng strategies ang coach nila.
Pumasok na ang mga teams sa loob ng court at heto nanaman kami nagsitayuan para mas makita ang mga players.
Tambak na tambak ang Red team. Halatang hindi pa sila sanay. I think this is their first time to join in this liga. Magaling daw ang coach nila at anak niya ang isa sa mga players.
Pumito ang referee para sa violation. Foul ang number 8,Vales ang apelyido niya. 3 shots freetraw para kay Kuya JK.
"SHOOT!" Sigaw namin.
"WALA!" Sigaw ng kabila.
Nagsipalakpakan kami nang makakuha ng two points. Ang kabila naman ay panay ang sigaw ng chamba lang daw 'yon.
4th quarter na at malabo ng maabutan ng kalaban ang scores namin. 40-79 na ang scores. It's really impossible that they win against to our players.
Lumalaban pa rin sila. Hindi naman masamang lumaban kahit alam mong talo kana pero kahit papaano diba nagawa mong lumaban. Its just a game lang naman. Nothing serious.
Natuon ang pansin ko ron sa isang player ng Red team. Number 20 ang galing niya kahit na maliit siya at payat. Ang galing niya humawak ng bola. Naiwasan niya ang tatlong players na naka harang sakanya. Hindi ko makita ng maayos ang pangalan niya mabilis ang bawat galaw niya. Maliit pero may ibubuga.
Nang lumipat na sila sa kabilang court. J.Murillo ang nakalagay sa jersey niya. Tinandaan ko ang pangalan niya. I find him attractive even though he's not handsome. Pero sa galing niyang maglaro napopogian ako sa kanya. Ganun naman ata talaga kahit hindi pogi ang lalaki kung malakas pagdating sa basketball masasabi mong pogi siya.
Natapos ang laro na umuwing talo ang Red team. Sana makita ko ulit siya bago ako umalis dito.
"HOY,Tara punta tayo sa court." Anyaya ni Ecka na kararating lang sa tambayan. Sumang-ayon kami. Lima kaming magkakasama. At hilera kaming naglakad patungo sa court.
Pagdating namin sa court nag seset-up na sila pero wala pang mga players. Napag-alaman kong maglalaro ang Red Team ngayon. This is their last chance. Im so excited! I will see him again!
Hindi na kami nag-abala pang umupo sa bleachers. Tumayo na lang kami malapit sa score board.
"Nood tayo ha kahit hindi sila taga sa atin." sambit ko na ipinagtaka nila.
"Bakit naman?" Tanong ni Joy.
"May gusto akong makita." Sagot ko na ikinakunot nila.
"Ano naman yon?" Tanong ni Joy sinuklian ko siya ng Ngiti at linibot ang paningin ko.
"hmm... Sa tingin ko hindi ano kundi sino." Ngumisi si Kath. Siya ang pinakamatanda sa amin but i don't prefer to call her Ate.
"Ayan na ang mga players!" Sigaw ni Ecka. Agad-agad kong liningon 'yon at namataan ko si Murillo wearing his jersey short at naka black fitted na Sando. Nakasampay sa balikat niya ang jersey shirt niya. At may talbog talbog siyang bola. Kahit pagdidrible lang ang ginagawa niya na-aattrack ako.
Pinanonood ko lamang siya sa bawat galaw niya umupo siya pero nakatalikod sakin. Ang aga nila sobrang excited naman nila. Excited matalo? Joke! Hahaha. Sorry crush wag ka magalit ha.
Siguro kaya sila hindi sila nanalo dahil siya lang magaling. Siya lang nagdadala. Siya lang nagtatrabaho sa team nila. Hindi kasi mananalo ang isang team kung isa lang ang gumagalaw.
Tumikhim ang katabi ko. Si Cess.
"Kilala ko na!" Kumindat siya sakin.
"Ayon naman pala ang gusto mo makita." Tukso ni Joy. Ngumiti na lang ako kahit nahihiya.
Its doesn't matter to me kung malaman nila na may crush ako for sure sila din meron.
"That number 20 isn't?" Turo ni Kath na ikinalaki ng mata ko. Dali dali kong binaba ang kamay niya.
"Wag mong ituro baka mahalata tayo." Kinakabahang sambit ko. Ngumisi siya.
"Siya yung anak ng coach nila. Nag-iisang anak lang yan." Si Ecka. Liningon ko ang coach at si Number 20. At nagtatakang tiningnan ko si Ecka.
Kahit alam ko na ang pangalan niya este last name niya. Ano kaya yung J dun sa jersey niya? Justin? Jake? Malalaman ko rin yan. Pero mas gusto ko siyang tawaging number 20.
Ngumiti siya saka sinagot ang pagtataka ko. "Bakit hindi sila magkamukha? Bakit matangkad ang tatay niya samantalang ang anak hindi? Iisa lang ang sagot diyan his features and height nakuha niya sa mama niya. Pero kung sa basketball ang pag-uusapan anak talaga siya ni Senior Murillo." Naliwanagan ako dahil don.
"At heto pa kada may game nila laging may dala silang isang gallon ng mineral water na ang laman ay gatorade." Dagdag ni Kath.
"Syempre galing yon sa trabaho ng tatay niya." Singit ni Cess. Binaling kong muli ang pansin kay number 20 at sa tatay niya. Nag wawarp-up na sila.
"Sikat na sikat sila kapag may liga tuwing bakasyon. Si Little Murillo first time niya lang this year maglaro. Pero lagi siyang nanonood ng laro ng tatay niya dati." Kwento ni Ecka.
"Pero kapag pasukan na ni anino nila hindi mo makikita." Sambit ni Joy.
"Alam mo be, ikaw unang nakilala kong may crush kay Murillo." Tumawa si Cess.
Ngumiti ako. At least wala akong kaagaw.
Natigil ang pag-kekwento nila ng nagsimula ng magpuntahan ang mga players sa gitna ng court. Ni hindi ko napansin na dumating na ang kalaban nila. Dahil sa kwento ng mga kasama ko.
Tiningnan ko ng maigi ang kalaban nila na parang binabasa sila. Sa tingin ko they will defeat them. But hey tingnan natin kung talaga bang matatalo ang kalaban.
HALF quarter na lamang ang Red Team. Kung hindi magaling ang Red team mas lalo na ang kalaban nila. For sure panalo sila ngayon!
20-35 ang scores as of now masyadong mababa ang scores para sa 2nd quarter.
"Go number 20!" Umalingawngaw ang boses ko. First time kong ginawa yon.
"Omg! Coline! Seriously?" Di makapaniwalang si Kath. Dinedma ko siya.
"Shoot! Shoot!" Sigaw ko ulit dahil hawak niya ang bola para mag shoot. Napatili ako nang mashoot niya.
Naririnig niya kaya ako? I hope he will.
"Grabe ka coline hindi ko expected na may side kang ganito." Si Cess. Kahit ako rin ngayon ko lang nalaman.
"Wala yan,butas ang bola!" Gigil kong sigaw nang akmang ishoshoot na ng kalaban.
Hindi na shoot! Effective talaga! Nasa Red team na ulit and bola. Nagtakbuhan na sila sa kabilang side ng court. Ipinasa ni Number 16 kay Number 20 ang bola.
Pumalakpak ako at sumigaw. "GO Number 20! Shoot mo yan!" Sigaw ko lumingon siya sa akin. Na ikinalaki ng mata ko. Dali-dali akong nagtago sa likod ng mga kaibigan ko.
"OMG! He noticed you! Bakit nagtatago ka ngayon?" Asar ni Joy. Tumawa lang ang mga kasama namin.
"L-lagot ako! Patay! Patay! Nakakahiya!" Tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang kahihiyan.
"At least ngayon kilala na niya yung number 1 fan niya. Okay lang yan coline." Si Kath.
Ugh! Nakakasar!
"Ang gusto ko marinig niya ko, hindi tingnan ako."
A/N: May story nanaman ako😂 di ko pa tapos ang isa. Sana may magbasa na ng story ko. Wala akong mahugutan ng inspiration at motivation e. Authors note pa kong nalalaman wala naman nagbabasa😂
YOU ARE READING
Who's the last?
Teen FictionColinia Jaciaya. batang-bata pero gustong maranasan ang pakiramdam na nagmamahal. Ano nag-udyok sakanya? Movies about Love. Isa lang siyang bata. Normal lang ang magka-crush sa kapwa niya bata. Pero ang sabihin niyang Mahal niya ito? Nagkakamali si...