Last

17 1 0
                                    

Bago ko simulan ang aking tula

Inihahandog ko ito ng lubos sa kanya

Umaasang matanggal ang takot sa dibdib

Ang mga puso niyong, kidlat ang bilis

Bukal sa loob kong mahalin ang tao

Kapag ginagawa ito, mas lalong gumgaan ang aking dugo

Pero tingnan natin kung sino ang panalo

Ang tama ba o maling hindi sigurado

Lunos sa aking isipan nung liban ka

Nililo ng tadhana ang gantimpalang pag-asa

Pag-asang makilala ang isa’t isa ng husto

At ito na nga ang ugat ng pagkamahiyain sa’yo

Sana’y matarok mo ang aking ibig sabihin

Na kailangan natng makilala ang isa’t isa

Tara at sabay nating kainin

Ang katotohanan habang nakatulala sa baybayin

O, babae, sana’y tanggapin mo ako

Dahil ito lang ang kaya kong ibigay sa’yo

Ang mga mata mong kumikislap na bitwin

At ang kutis mong kasimputi ng buhangin

Ang pagkabigkas ng kanyang pangalan na kaysarap sabihin

Ang pagkatanda nito hanggang sa puso naitanim

Kapag nabigkas ng iba, kinikilig ng patago

At pagkalabas, ang iyong tawa ay ginawa ka ng g*g*

Ang pagkatorpe paminsan-minsan ay nakakasira

Kahit ang pagtingin sa’yo ‘di pa magawa

Bakit pa kasi naitanim ko sa puso ko ang hiya

Kung ang palaging resulta naman ay masama

At dahil maidadaan ko lamang ‘to sa papel at panulat,

Hanggang dito na lamang dadalhin ang aking mga binubuhat

Babae, hanggang dalawang saknong lamang ng pagpapaliwanag

Para mas lalong maintindihan ang gawa sa sariling sipag

Hanggang sa dulo ng mundo, MAHAL KITA!

At kasing-init ng araw, MAHAL KITA!

Hanggang maubos ang bato, MAHAL KITA!

Hanggang mapanis ang bahaw, MAHAL KITA!

Sana’y hindi pa magwakas ang istorya ng pag-ibig

Kasi hanggang ngayon ay hindi pa tapos mag-igib

Mag-igib ng katotohanan mula sa kanya

Kailan kaya ang panahong masabi mo sa akin na, “MAHAL KITA!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAHAL KITA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon