Chapter 4
Dear Diary,
Alam mo ba ang pinakagustong pakiramdam ng isang babae? Isa na doon ay iyung nararamdaman niyang minamahal siya. Yung ipinapakita sa kanya na kahit marami pang mas maganda sa kanya, hindi-hindi siya ipagpapalit nito kahit kanino man.
Wala na sigurong mas sasaya pa sa isang babaeng tinititigan ngayon ng lalaking mahal niya at nagsasabi ng, “You’re the most beautiful girl I have ever seen.”
Oh di ba? Pakiramdam niya tuloy ngayon, ang haba ng hair niya? Ganoon lang naman kasimple ang mga babae. Hindi naman sila ganoon ka-komplikado tulad ng iniisip ng mga lalaki na parang silang puzzle na kailangang buuin.
Basta ipakita mo lamang sa kanya na mahal mo siya, OK na. At wag na wag mo siyang lolokohin at ipagpapalit sa iba.
Hindi man alam ng karamihan, ang pinapangarap talaga ng mga kababaihan ay makatagpo ng isang lalaki na mamahalin niya at mamahalin din siya ng totoo. Dahil alam niya sa sarili niya na kapag natagpuan na niya si Mr. Right, handang-handa siya ibigay ang buong puso niya ng walang anumang kondisyon.
Hanna
NASA gitna ng meeting sila Hanna nang hapong iyon. Kumpleto silang lahat na officer, at syempre nanduon si Martin. Magkatabi sila sa kinauupuan kaya mayamaya siya kung sumulyap dito. Alam niyang napapansin siya ni Martin pero hindi ito nagpapahalata.
Mayamaya, nagulat siya nang makita niyang may tumatawag sa kanya cellphone. Hindi niya muna ito sinagot at naisip na mamaya niya na lang ito tatawagan kung sino man ito dahil patapos naman na ang meeting nilang iyon.
Pinatay ni Hanna ang kanyang phone at muli pa siyang nagulat nang marinig ang pangalan niya mula kay Daryl, ang president nila. “Hanna, natapos mo na bang ayusin yung mga games at programs para sa party? Pwede na bang makita yung list mo at nang ma-discuss na natin?”
“Eto na po. Natapos ko na.” Nilabas niya ang listahan niya ng programs at ibinigay kay Daryl.
Binasa ni Daryl ang listahan at akmang magsisimula n asana itong magsalita nang may marinig silang kumakatok at tumatawagsa labas ng office nila. Pamilyar ang boses na iyon kay Hanna. Nakumpirma pa iyon nang biglang tumayo si Martin.
“That brat! Nandito na naman.” Papunta na sana si Martin sa pintuan nang biglang bumukas iyon at tumuloy si Sophie. Wala nang nagawa si Martin kundi magbalik sa upuan nito.
Si Hanna ay natatawa lang sa nangyayari. Ngunit bigla siyang nagtaka at naisip niyang itanong iyon kay Martin na katabi na niya ulit. “How is she doing that?”
Rumehistro din ang pagtataka sa gwapong mukha ng lalaki. “Doing what? Pissing other people?” Napangiti na din si Martin at nagwika ng, “Well I guess, natural na talaga sa kanya iyon.”
Wala na nga talagang mas gu-gwapo pa sa lalaki sa tuwing masaya ito. Kitang-kita ni Hanna ang pagkislap ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya at nakangiti. Pakiramdam niya napakaswerte ng taong tititigan nito.
Napangiti na din si Hanna, “No. I mean, paano siya nakakalabas-pasok sa school. Hindi naman siya student dito.”
“Oh! Her parents own half of the school,” walang anumang sabi ni Martin. “Balak din ata ni Sophie na dito na mag-aral next sem.”
BINABASA MO ANG
Diary of A Hopeless Romantic Weirdo
RomanceMahilig ka ba maniwala sa mga sign? Yung tipong umaasa ka na makikita mo ang iyong prince charming sa pinakamagandang pagkakataon? Umaasa ka na dadating din siya sa right time, yung everything is perfect. Pero tandaan din natin na sa pagmamahal, hin...