PROLOGUE

63 1 0
                                    

No new message.

Kainis naman everyday na lang wala akong new mail. Ganun ba talaga ako ka-unattractive para walang makapansin ng beauty ko? Lahat ata ng social media nakapag sign up na ako pero ni isa walang nagkakagusto sa akin. T_T

Buti pa yung kapitabahay naming si Inday ayon nakapag asawa na ng kano. Naku pang ka cute ng anak blue eyes. Ang kaso dito sa ati sa Pinas makakita ng Americano na mag kasamang Pinay iniisip agad pineperahan ng Pinay yung jowa nyang Kano. Mag bago bago din pag may time.

Lord, araw araw ko na po itong hinihiling. Sana naman tuparin nyo na ang wish ko. Magkajowa na sana ako. Amen.

Hay makatulog na nga. Sana pag gising ko meron na. Hehehehe.

Habang nag bebeauty rest ako ipapakilala ko muna ang beauty ko. Hi friends! My name is Maria Bernadette Flores, 18 years old from Quezon City!!! I believe in the saying that "What is beauty if you have maitim na kilikili" I thank you. Bow.

I have two siblings, si Pola at si Polo. Kambal sila. Effort na effort mag isip ng pangalang mga magulang ko noh. Actually mabaha yan kung sasabihin ko pa baka matapos ko tong story sa pangalan nila kaya wag na lang. Anyways, isa akong sophomore student sa Paranormal Academy. Astig noh. Maganda naman daw ako sabi ng nanay ko lalo na pag uutusan nya ako mamalengke, gustong gusto ko naman. May ari ng isang maliit na restawrant ang mga magulang ko na nasa tapat lang nag school namin. Matalino daw ako sabi ng seatmate kaso kasi lagi mataas grades nya sa quiz pag katabi nya ako eh. May dalawa akong matatalik na kaibigan, si Cielo at si Lhet.

Pangarap ko sa buhay ay ang makilala ko ang one true love ko. Pero di uso sa akin ang "true love waits" baka maligaw pa kaya sinusundo ko na sya kung nasaan man sya kaya ito ako addict sa kakasocial media. Add si ganyan add si ganito. Like ng like sa mga poging picture. Naniniwala kasi ako at malakas ang kutob ko na super gwapo ng one true love ko. Suportado naman ako ng mga friends ko. Sabi nga nila unlimitefld lang mangarap, siguradohin ko lang daw na di ako nagdadrugs.

Kaya baka may kakilala ka jan o kaya ikaw mismo pogi ka, add mo lang ako. ^_^

Ang Love Story ni BernaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon