Pag uwi ko ng bahay nag log in agad ako para makita ko ang whole profile nya. Ay! Ang gwapo naman talaga. Bagay sa kanya yung name nya: Juan Carlos. Pero teka. Parang nakita ko na sya somewhere. Pamilyar sa akin ang magaganda nyanv mata na para bang nang aakit, yung lips nyang mapula na kahit di ko pa nahahalikan eh alam kong malambot. Yung aura nyang mala badboy na hearttrob. Nakita ko na talaga sya eh.
Hmmmmmmmmmm... Ahhh! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga si Juan Carlos. Yung masungit! Anak naman ng tokwa! Eh pinagtitripan ata ako nito eh. Kanina halos patayin nya ako sa sama nya makatingin tapos mag memessage sya na beautiful ako?! Imposibleng di nya ako namukhaan.
You have one message from JuanCarlos...
Anu kayang sasabihin nito? Ah baka susungitan ako nito siguro nakilala na nya ako. Pinoint ko yung cursor ng mouse at iclick ko yung open.
JuanCarlos: Hi Berna, can we be friends? Do you mind if I'll ask for your number. You know, para lagi tayo makapag usap kahit hindi tayo online. Kung okay lang naman. If hindi naman I understand.
What?! Seryoso? Bakit paranang bait nya. Eiiihhh... Sige na nga sakyan ko trip nito.
Typing... Sure. Here is my number. **** ---- +++. I like to know you better. :-)
Send...
Wah! Kakasend ko lang may nagtext na agad sa akin. Hi Berna, its Juan Carlos. JC for short. Thank you nga pala binigay mo # mo ha. I wish we can be friends.
Naexcite na ako. Keber ko kung si Mr. Sungit sya sa school. Baka lang bad mood sya kanina. Rereplyan ko na sana sya kaso nung isesent ko na, pucha! Check Op!!!
Ang bilis kong tumayo at kinuha wallet ko. Maaga pa naman, bukas pa kila Aling Puring. Magpapaload ako. Jusko, baka boylet na maging bato pa diba?!
Ang dami namin napag usapan through text. Hindi ko nga alam na uso na ng textmate ngayon kasi diba may FB naman na. Kahit di pa kami nagkikita ang dami ko nang alam tungkol sa kanya at ganun din sya sa akin.
Red ang favorite color nya at ako naman pink. His mother is a Filipino and Australian naman ang dad nya, at yun ang dahilan kaya super gwapo nya. One month pa lang sila dito sa Pinas pero marunong sya magtagalog at nakakaintindi din sya. Meron syang pet na aso na ang pangalan ay Pebbles. Hilig nyang kumain ng skittles at magbasketball. Ang dami dami namin naging topic, huling check ko nga sa clock 1AM na. Di ko na din namalayan na nakatulog na ako na hawak ang cellphone ko.
"Alam mo miss kahit kailan di kita papatulan. Your not my type." sabay talikod sa akin ni JC. Ang gulo naman, ang sweet lang nya kanina eh.
Bigalang may tumawag ng pangalan ko sa likod ko. Nilingon ko kuns sino man yun at nagulat ako dahil si JC yun.
"Berna, your so beautiful." at hinawakan nya ang mga kamay ko. Naguluhan ako lalo. Nilingon ko kung nasaan kanina yung masungit na JC andon sya at masama ang tingin at yung kaninang nakahawak ng kamay ko eh nakatayo sa opposite side. Palipat lipat ako ng tingin. Nalilito na ako. Paano naging dalawa ang iisang tao. Iisa ngunit magkaibang magkaiba. Parang white and black. Palipat lipat pa din ako ng tingin sa kanilang dalawa nang biglang...
"Hoy Berna! Gumising ka na! Papasok ka ba o hindi. Naku bata ka malelate ka nanaman!" ang nanay ko. Hay ang weird ng panaginip ko...
![](https://img.wattpad.com/cover/24109805-288-k970582.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ni Berna
Teen FictionNauuso na ngayon ang tinatawag nila na "online" relationship. Yung tipong kayo na pero sa internet lang. Pwedeng dahil LDR o long distance relationship, o kaya naman talagang via internet lang kayo nagkakilala. Isa si Berna sa mga HR (hopelessly rom...