21-Fun&Date (The Trip)

7.9K 216 10
                                    

Hello Guys! Sali kayo sa Fb-group, 12Boys-12Girls ONE HOUSE (Wattpad Story) May group chat din. Add me if you want to join. :) Facebook account Mhay WP.

And I need more operator sa others Fictional characters. Just pm if you interested.

Third Person POV

"WHAT THE FUCK!" Mura ni Kris pagka-baba niya ng hagdanan. Hindi siya makapaniwala sa itchura ng bahay nila.

"OH, HI THERE!" Napatingin siya kay Dex na nakangiting kumayaw sa kanya nang makita siya. Katabi nito ang ibang mga babae sa sofa na sinulyapan lang siya at saka binalik ng mga ito ang tingin sa kanya kanyang ginagawa nila.

"TANGINA MAY SUNOG BA?" Ani Luhan na kababa lang. Napatingin ito sa paligid "OH, ANO NANGYARE?"

"BAKIT GANITO ANG ITCHURA NG BAHAY?" Tanong ni Suho kaya napatingin sa kanya ang mga babae. Kasunod nito ang iba pang lalake na mukhang nagtataka sa gaguluhan.

Nagkalat ang mga plastic checherya sa sahig. May in-can na mga softdrinks sa center table ang iba nakahiga pa, halatang wala na mga laman. May mga papel na yukot yukot, ang iba nakakuyos at parang binato na lang kung saan.

"HUH?" Takang sambit ni Lerma. Tumingin siya sa paligid "MAY NAGBAGO BA?"Pa-inosente niyang tanong. Kunware ay hindi niya alam ang mga sinabi ng mga ito.

"BAKIT ANG KALAT?" Tanong ni Lay.

"KASI HINDI MALINIS, PRE." Sabi ni Chen kaya binatukan siya ng nga kaibigan.

"PARANG BINAGYO AH." Naiiling na sabi ni Tao.

"HEY, GUYS!"Sigaw na boses ni Airesh galing kusena. Napatingin sa kanya ang lahat. Nasa likod nito si Shaira at Cherine na naka-ngiti.

NAGLUTO KAMI. KAEN NA KAYO!" Sabi ni Cherine habang nakatingin sa mga lalake. Kumunot ang nuo ng iba sa kanila.

"WHAAA! DYO TIKMAN MO LUTO KO, DALI!" Tili ni Shaira saka mabilis lumapit kay Dyo para hilahin ito papuntang kusena.

"BAT KAYO NAG KALAT?" Tanong Chanyeol pagkaalis ni Shaira at Dyo.

"BAKIT BAWAL BA?" Taas kilay na tanong ni Jenn kay Chanyeol.

"AH? HINDI NAMAN, JENN. OKAY LANG. BIHIS KA NA AALIS TAYO, DIBA?" Ani Chanyeol kaya nag twingkle ang mga mata ni Jenn.

"OO NGA PALA! SIGE!" Ani Jenn na nagmamadali tumakbo sa hagdanan.

"HINDI NAMAN SIYA EXCITED." Ani Mariel.

"HINDI TALAGA.. "Sang ayon ni Ally.

"HINDI RIN UNDER ANG IBA DITO." Pagpaparinig ni Chen kay Chanyeol.

Sinamaan lang ni Chanyeol si Chen ng tingin.

"LINISIN NYO YAN" Sabi ni Kris sa mga babae na sumimangot. Tinuro niya ang mga kalat.

"BAKIT KAMI?" Tanong ni Mhay na naka taas kilay sa mga lalake. Lahat silang mga babae ay naka-siting pretty sa sofa.

"MALAMANG KALAT NIYO YAN BABE." Ani Kai na kinasama ng tingin ni Mhay sa kanya.

"HNDI KAMI ANG MAGLILINIS NIYAN!" Sabi naman ni Nicole. Tumango tango ang mga babae sa kanyang sinabi.

Kumunot nuo ang ibang lalake.

"ANO? SINO PAPALINISIN NIYO YAN? WALA TAYO KATULONG DITO!" Sagot ni Suho sa kanila.

Tama naman siya. Wala talaga silang katulong dahil hindi naman nila kailangan yon. Hndi naman sila makalat na mga lalake. Kung meron man ay kanya kanya silang ligpit. Meron lang sila taga linis kada isang linggo na pumupunta sa mansion. May taga luto sila na si Dyo. At mga mga madumi naman nila damit ay dinadala lang sa Laundry shop.

12Boys-12Girls ONE HOUSE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon