Kasama ko si glaiza, girlfriend ko halos 3years na din kami. Balak ko ng umuwi kase maggagabi na din baka hinahanap na siya tatayo na ko ng biglang nag salita si glaiza "Val pwede bang mag stay muna tayo dito kahit saglit lang?"tanong niya
tinitigan ko siya tas sumagot "Ha? Pwede naman" bigla siyang yumakap na ikinagulat ko pag katapos nun nagsalita siya "Val naalala mo ba nung una tayong nagkita?Dito din yun sa park na to diba?bumibili ako ng ice cream tas bigla akong natalisod tas natapon yung ice cream sa damit mo diba?HAAHHA"kwento niya natawa na din ako kase naalala ko puti yung polo ko nun tas chocolate yung ice cream niya tas natapon sakin galit na galit ako nun kase may pupuntahan ako "HAAHAHA oo naalala ko galit ako sayo nun e tas magkaklase pala tayo edi para tayong aso't pusa sa room" tumawa siya ang ganda niya talaga pag tumatawa "AHAHAHA oo nga tas gulat na gulat yung mga kaklase natin nung naging tayo kase lagi tayong nag aaway nung hindi pa tayo" sabi niya "Tas naala mo din nung nag away tayo kase nagselos ako dun sa childhood friend mo?muntik na tayong maghiwala nun buti na lang di ka napagod sakin" kwento niya naalala ko yun nagselos siya kay Jastine na childhood friend ko hindi ko siya tinigilan nun mahal ko e hindi ko hahayaang mawala siya sakin andami na din pala naming pinagdaanan pero hanggang ngayon matatag pa din kami, biglang naging malungkot yung tono ng boses niya "Val alam mo mahal na mahal kita hindi ko hahayaang mawala ka sakin" may naalala ko, sinagot ko naman siya "Mahal na mahal din kita glaiza" lalong humigpit yung yakap niya sakin tas nagsalita siya ulit "Ayaw kitang iwan pero hindi ko na kaya" naramdaman kong nabasa yung damit ko hinarap ko siya sakin umiiyak siya "Ano ba glaiza wag kang umiyak tahan na lalo kang pumapangit niyan e" tumawa siya tas pinalo ako sa dibdib yumakap siya ulit "Val inaantok ako" sabi niya "Ha?sige matulog ka na" hinaplos haplos ko yung buhok niya ilang oras din kaming ganun tas nung gigisingin ko na siya ayaw niya na gumising yung pinipigilan kong luha na kanina pa gusto bumagsak ngayon lumabas wala na siya wala na yung bituin ko.