Championship

498 14 0
                                    

Sa wakas. Nahawakan na rin ulit ng Ateneo ang championship. I couldn't be more proud of my former teammates, alam ko na sobra nilang deserve 'to.

Pero higit sa lahat, I couldn't be more proud of Bea.

Syempre. Siya ang half ko, rookie year pa lang. And to see her achieve so much during her last playing year, nakakataba ng puso. Bukod sa championship, finals MVP pa siya. Nung awarding nga, mahahalata mo na di niya talaga inexpect. Pasimple pa siyang nag tatali ng shoelace nung tinawag yung pangalan niya para sa MVP. Sabay ngiti nung bumaba siya sa platform at hinawakan yung trophy, habang katabi ang kanyang teammates. Binuhat siya ni Ponggay at sabay sabay lumapit lahat ng photographers, pinipikturan yung moment ni Bea.

Words can't describe how proud I am of Bea. Deserve niya lahat nang 'to.

Siguro may halo na rin na onting lungkot yung happiness ko. Bittersweet nga naman kung tawagin diba?

Masaya kasi nakikita ko si Bea na ganun kasaya. Masaya dahil nakuha niya yung gusto niya para sa team nila, maging champion. Masaya dahil alam ko na binigay ni Bea ang lahat nang makakaya niya para angkinin yung championship.

Pero malungkot rin dahil hindi namin napanalunan nang sabay. I decided not to play my last playing year. Naalala ko nga nung rookies pa lang kami ni Bei, champion rin yung kami nun. Sobrang gaan sa feeling kasi alam ko mag kasama kami. Nung pinagiisipan ko kung mag lalaro ba ako sa last year ko, si Bea yung unang nag sabi sakin na ituloy ko pa. Pero alam mo na rin ang ugali ni Bei, kung san ako masaya, dun niya ako susuportahan.

Kaya buong puso ko na masasabi na deserve rin ni Bea ang lahat ng magandang dumarating sa kanya ngayon. Biruin mo, last year mo nag champion kayo tas finals MVP ka pa? Deserve niya talaga.

Pagtapos nung awarding, lahat nag tipon tipon sa gitna, nag picture taking. Yung mga players naman nag-iikot ikot, hinahanap mga family at friends nila. Pumunta ako sa baba at nakisali na rin, tutal former teammates ko rin naman sila. Una kong nakita si Coach O. Hay, namiss ko na rin siya kahit papano. Kahit na nakakaasar boses niya minsan.

"Coach O, congratulations! Buti naman nawala na stress mo, makakahinga ka na ulit." Sabi ko sabay tawa naman.

"Baliw ka talaga Jho," tawa naman ni coach O. "Sayang pa rin, mas masaya pa naman kung kasama ka namin mapanalunan yung championship."

Natuwa ako sa sinabi ni coach, hinaluan na rin nang lungkot. Pero syempre, wala akong mababago sa lahat. Masayang masaya pa rin ako sa lahat nang nangyari, nandito man ako sa team, o wala. Yinakap ko si coach at iniwan ko na siya para makausap ang ibang mga parents na kausap niya kanina.

Ang dami talagang tao dito. Punong puno ang court ng mga photographers, players, mga kaibigan nila, former players rin, fans, at madami pa. Nakakalula nga naman. Nakakamiss pa rin naman ba talagang mag laro sa UAAP. Buong puso mong madarama yung suporta ng mga fans dito sa arena.

Habang naglalakad, may ilang fans rin na nag pa picture sakin. Natuwa ako bigla, akalain mo yun! May fans pa pala ako.

"Ate Jho! Picture po tayo!" Sabi nung isang fan, kasama kaibigan niya.

"Syempre naman, bakit hindi." Sagot ko. Inakabayan ko yung fan at ngumiti nang malaki, sabay bilang ng kaibigan niya na kinuha yung picture namin.

"Na miss ka naming makita mag laro sa UAAP, ate jho! Parang kulang yung seniors, ikaw sana nandun rin. Miss na namin mga harutan ng Jhobea." Sabay tawa nang dalawang magkakaibigan.

Grabe, nagulat ako dun. Di ko inexpect. Namiss ko nga rin yung pag ka close namin ni Bea. Syempre, best friend ko yun eh. Ang tagal na rin naming di nakalaro yung isa't isa. Siya laging partner ko ka pag training, pag laro. Kahit na rin sa labas ng court, siya tinuturi kong malalapitan sa lahat ng bagay. Kaya di na rin ako nagulat nung na realize ko sa sarili ko na gusto ko na pala siya.

"Hala, loko talaga kayo," Sabi ko sabay tawa.

"Oh siya na ate Jho, una na kami. Hahanapin pa naming si ate Ponggay, makikichika na rin. Thank you po ah!" Yinakap nila ako nang huling beses at umalis.

Nakasalubong ko na rin habang nag lalakad si Deanna.

Miss na miss ko na rin yun, bihira na lang nagpaparamdam. Ganun talaga pag may jowa. Swerteng Jema nga naman.

"Deans!! Congrats! Proud na proud ako sa'yo sobra." Sigaw ko sa kanya sabay yakap. Kita ko sa mga mata ni Deanna na tuwang tuwa talaga siya.

"Ate Jho!!! Na miss kita! Buti naman nanood ka ngayon. Miss ko na family natin, asan si daddy Bea! Charot!" Sabay tawa ni Deanna. Hinampas ko braso niya sabay kurot!

"Loko ka talaga kahit kailan!" Yinakap ko siya ulit at nag picture kami.

"Oh ano, nag kita na ba kayo ni MVP?" Taas kilay na sinabi ni Deanna. Sa pag ka sabay niyang sinabi, bigla kong nakita sa gilid ng aking mga mata ang hinahanap ko. Si Bea. Nanlaki ang mata ko at bigla akong kinabahan. Hala, ang tagal na naming di nag kita.

"Oh siya na, mukhang nakita mo na yata eh." Sabay galaw ng mga kilay ni Deanna. Tease talaga amputa.

Lumayo si Deanna at pumunta sa kay Jia.

Dahan dahan akong nag lakad papunta kay Bea at kinalabit siya. Kinabahan ako bigla. Miss na miss ko na talaga siya.

"Bei, congrats!" Sabay ngiti ko sa kanya sinabi. Nanlaki ang mga mata ni Bea at bigla akong yinakap. Miss na miss na miss ko na to, sobra. Sana walang nagbago samin noon. Sana.

"Jhowjhow! I've missed you so much." Sabi niya sa leeg ko. Yakap na yakap siya sa akin.

Ang bilis nang tibok ng puso ko, hindi ko maintindihan. Mahal ko pa rin si Bea. This feels so right. Parang nawala lahat ng tao sa mundo, parang kami lang nandito. Yinakap ko siya ng mas mahigpit, di ko mapigilan ang mga luha na lumabas sa aking mata.

"Bei, I'm so proud of you. Deserve na deserve mo to." I whispered in her ear.

For a short while, tinigilan niya hug niya at paulit ulit na winagayway yung kanyang champion shirt, malaking ngiti ay hindi nawala sa kanyang mukha at sa kanyang mga mata. She's at her happiest, and that makes me the happiest too. Nag hug kami ulit at sa sandaling yun, I dreamt of what we could've been. I still love Bea, always and forever. Sa ibang mundo, alam ko kami ang para sa isa't isa.

"This is for you, Jho! Satin to. Ikaw inisip ko habang nag lalaro. Inisip ko na nandun ka, sa tabi ko. This one's for you, Jho. I owe it all to you." Sabi ni Bea, habang naka ngiti. Yinakap ko siya ulit at sa sandaling yun, parang walang nag-iba.

I felt my happiest and safest in her embrace. I love Bea with all my heart, kahit ano pa mang mangyari. Kahit hindi na kami katulad ng dati. Kahit iba na ang laman ng mga puso namin.

In that short moment, I realized I still love her.

With everything I am.

And even if things weren't like they were, she's still my home as I am hers.

Bea de Leon, mahal kita. Mahal pa rin kita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Jhobea Oneshot (Championship) Where stories live. Discover now