Mr. Torpe

22 0 0
                                    

'Ang cute cute niya talaga at ang daldal pa. Hay para talaga siyang bata' ← nasabi ko na lang sa sarili ko

Nakita ko siya sa covered court. Tumatawa, ay hindi pala. Humahalakhak. Wala siyang pakialam sa kung anong itsura niya

Napaka simple niya.

Tuwing makikita ko siya hindi ako napapangiti pero natutulala ako sa kanya. Buti nga hindi niya nahahalata eh. Sarado kasi ang utak niya sa mga crush crush. Tapos ang mga crush niya pa magagandang babae hahaha. Napapailing na lang ako kapag dinedescribe ko siya.

Para sakin napaka unique niya.

Lumapit ako sa kung nasaan siya. Nandun sila ng mga kaibigan niya sa bleachers kaya pumunta din ako dun pero dun lang sa baba niya

Nagtatawanan na naman sila ni Catherine.

Ah! May naisip ako 😉

Sumandal ako sa kanya sa may paanan niya.

Maya maya tumigil siya sa pagtawa tas nararamdaman kong ginagalaw niya yung paa niya tapos sinipa na niya ako. Hindi naman malakas kumabaga parang inusog niya lang yung likod ko

Pero sumandal ulit ako

"Uy anu ba" sabi niya sabay sipa na naman sa likod ko mahina lang yung pagkasabi niya tapos nakangiti pa siya

"Bakit?" maang maangan ko sa kanya

"sumansandal ka sa paa ko eh" sabi niya atsaka ngumuso. Cute

"Ah sorry" sabi ko pero maya maya sumandal ulit ako

"Mabigat" sabi niya. Kaya napatawa ako

"Magaang ka lang kaya di mo ko kaya" sabi ko at mas sumandal pa

"anong di kaya? Ang lakas lakas ko kaya!!" sabi niya

"Eh bakit pala umaangal ka?" sagot ko

"Eh kasi... Eh kasi... Eh bakit ka ba kasi sumasandal sa paanan ko? Unan lang unan?" sagot naman niya

"Uy mamaya kayo magkatuluyan diyan ahh" sabi ng kasama niya kaya napatahimik ako yung babaeng gusto ko naman ang sabi "Tuluyan tuluyan ka diyan? Ayoko nga magboyfriend o asawa tapos magkakatuluyan" sabi niya pero inaasar pa rin siya ni Catherine at maya-maya'y umalis na.

hayyy... di ko alam kung totoo ba yun? feeling ko wala na akong pag-asa dahil yun yung lagi niyang sinasabi pero merong side ko na sinasabi sa'kin na hayaan mo siya, ikaw ang magpapalit ng isip niya

Aish!! Ano ba naman tong iniisip ko tsk!

==========

Pagpasok ko ng room nakita ko siya na nakapatong sa upuan tapos may hawak na walis at pinapagpag yung mga ceiling fan. Walang panyo o kahit ano.

"Huy!"

"Ay! Grabe ka naman! pag ako nahulog kita mo" sabi niya, ginalaw ko kasi yung upuan na tinuntungan niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon