1

4 0 0
                                    

"Bituwin" 


 Idilat ang mga mata, ng makita ang ganda, ng mga bituwing nagkukubli, sa madilim na kalangitan. 

Iisipin ang bawat sandaling ikay aking kapiling, ngunit ngayoy palalayain, ang alala ng ating pagsasama na nauwi sa aking pag iisa, sapagkat ikay wala na sa aking piling, ngunit mananatiling dalawa sa aking alaala. 

Iisipin na lang na ikay masaya na sa iyong narating. Muling nakita ang liwanag, na tila ba'y kay tagal ng ipinagkait ng panahon, ng sakit ng kahapon, ngunit muling babangon. 

Pilit bumabangon sa pait ng kahapon, mahirap ngunit kakayanin sapagkat itoy para rin sa akin.Imulat ang mata, ng iyong makita ang kumikinang na liwanag sa madilim na gabi, na nagsisilbi mong pananggalang sa madilim na paglalakbay ng panibagong landas na iyong susubuking tahakin, sapagkat naiwang nag iisa. 

Sa lugar na kung saan dapat ay sabay niyong lalakarin ngunit mag isa mong tatahakin, na ang tanging gabay ay mga bituwing kumikinang patungo sa daang iyong tatahakin. 

Muling babangon sa pait ng kahapon at maglalakbay patungo sa bagong panahon, at bubuo ng panibagong alaala na pupuno sa aking isipan. 

Bibitawan ang sakit ng nakaraan at yayakapin ang bagong alaala na kung saan wala kana.Muling titingin sa mga nagkikinangang bituwin, hihinga ng malalim at sabay sasambiting 

"Ako'y malaya na, sa aking masakit na alaala.'' 

Bituwi  ( poetry)Where stories live. Discover now