2

4 0 0
                                    

"Bibitiw rin pala"


Pikit matang tatanggapin na ikay di na akin, hihinga ng malalim at ikay palalayain. 

Sa pag pikit ng mata, mga alaalay umusbong, na parang ilog na walang humpay ang agos. 

Nagdagsaang alaala na akala koy limot ko na. Mula sa ating pagkakakila na tumagal ng di ko namamalayan. 

Ngunit kung gaanong di ko namalayan ang ating pagsasama, unti unti na rin tayong bibitiw sa ating munting alaala. 

Akala koy okay pa, akala ko ay masaya pa, akala ko tayo ay iisa, ngunit mali ang akala ko sa ating dalawa, hindi ka na pala masaya, nabura na ang alaala nating dalawa, mula dyan sa puso at isip mo. 

Sapagkat bumuo ka ng bagong alaala ng di na ako ang kasama. 

Malayo tayo sa isat isa mahal, kaya't aking naintindihan, na ikay nakahanap na, ng bagong kaligayahan sa iba. 

Pinilit kung ikay pasiyahin pinilit kong isalba ang ating pagmamahal, ay mali, pinilit kung isalba ang pagmamahal mo para sa akin, ngunit akoy bigo, pagkat ang puso mo palay di na akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bituwi  ( poetry)Where stories live. Discover now