"farleeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeneeee"
"ay anak ng asong ligaw" nagulat ako ng may biglang tumawag sakin sa hallway si bianca pala. Siya si Bianca Reyes, siya yung pinaka close ko sa classroom Best friend ba tawag dun?. Mayaman ang pamilya nila at nag iisa lang syang anak ng mga magulang niya kaya kung anuman hingiin nito ibinibigay sa kanya parang *spoiled ba pero hindi ganun si bianca sa kung ano ang iniisip nyo. Mabait sya sobra. Hindi sya nakatingin sa stado ng pamumuhay pagdating sa pag pili ng kaibigan.
Ganun si Bianca kabait.. dba? mabait.
" sabay na tayo pumasok farlene" sabay hila ng braso ko pababa na parang batang nahingi ng lollipop.
"dali na farlene...dali na ...." antagal ko kasing sumagot dahil pagod pa ko sa pag lalakad, halos isang oras akong nag lakad wala nga kasi akong pamasahe.
"oo na sige na.. dyusko!"
Since nung pumasok na kame sa classroom ayun asuswal magulo.
Pero kahit ganto kame sa classroom matibay ang friendship super close. Marami mang naiinis sa kaguluhan namin wala kaming pakialam as long as wala kaming ginagawang mali sa part nila. :))
"GoodMorning Class!" ayun dumating na yung teacher namin sa math first subject kasi namin to tapos may quiz pa. hindi ko alam kung anu isasagot ko sa quiz , ang hirap kasi.
Pinost na ni ma'am yung chart na may questionares na iqu-quiz namen.
"ang hirap" sabi nung katabe ko.
"oo nga eh" pag agree ko sa kanya
Ayun nasagutan ko naman kahit papaano yung quiz kahit medyo hindi madali para saken.
.
.
Natapos din yung half time period namen at nag break time na, I prefer to stay sa class room kasi mag lalakad ulit papuntang canteen hindi padin naman ako nakaka recover sa pagod ko kaninang umaga haha antagal no?
Hay umiral nanaman ang kakulitan ng mga kaklase ko, ginulo lang naman nila ako sa pamamahinga ko sa isang tabi.
Pero kahit ganun kagulo ang mga kaklase ko kahit papaano sa mga simpleng biro nila napapasaya nila ko at nagkakaroon ng ginhawa sa pakiramdam ko.
.
.
.
Nung matapos ang break namen eto nanaman si Bianca na ngungulit. Sinasama nya kasi ako sa bahay nila para mag foodtrip at siguradong gabi nanaman ang uwi ko nito kaya ayokong sumama.
Marami pa kasi akong gagawin sa bahay at aasikasuhin ko pa ang paninda ko bukas.
.
.
"Hay buhay nga naman" napa buntong hininga nalang ako pagkatapos akong kulitin ni Bianca.
.
.
.
/UWIAN/
"farlene bat ayaw mo bang sumama sakin?
siguro may boyfriend ka na no.." pag hihinala nya.
"ano ka ba farlene wala akong boyfriend no, at wala akong oras para sa mga ganyang bagay" sagot ko naman. Wala akong balak pumasok sa isang relasyon dahil bukod sa hindi ko hilig ang mga ganun, ayokong magulo pa lalo ang buhay ko, highschool palang naman kame marami pang lalake jan.
"oh wala pala eh bat ayaw mung sumama sakin sa bahay? Hindi naman tayo mag tatagal ah." pag i-insist nito. Pero kahit sabihin nya na hindi kame mag tatagal, hay nakuh mag tatagal at mag tatagal na kame.
"Basta marami pa kong aasikasuhin" pag dahilan ko.
"Bahala ka nga jan" pag sabi nya ng may tampo
"Sya sige uuwi na ko umuwi ka na din tawagan mo na driver nyu" pinatawag ko na sa kanya yung driver nya para makauwi na din sya.
" OKAY" pag agree nito na parang may bigat sa dibdib nya.
Nang makasakay na si Bianca umuwi na din ako agad, hindi ko masisisi si Bianca kung bakit ganun sya makapag- insists sa akin na sumama sa kanya, nag iisang anak nga lang kasi sya. Laging pang may business trip mga magulang nya kaya naiiwan sya palagi kasama mga maids nila dun sa bahay nila.
Masaya kaya si Bianca sa pagiging masagana ng buhay nila?... Siguro, mas mahirap naman ang malugmok sa kahirapan eh.
YOU ARE READING
One Time Smile
Teen FictionON GOING Ito po ay storya ng isang highschool student na pilit nag-aaral sa kabila ng mga pag hihirap na nararanasan sa buhay. Hindi siya masyadong drama hindi din masyadong formal na kwento. Hindi porke't maraming hirap drama na agad ang storya hin...