Superhero

12 5 4
                                    

Preschool...

"Hindi ka naman mahal ng parents mo! Kaya nga iniiwan ka lagi diba?" pang-aasar na naman nila.

Napaiyak ako.

"Hey! Stop that! Isusumbong ko kayo kay teacher." sigaw niya at nagtakbuhan naman sila.

"Tss, bullies." naiinis na sabi niya.

Grade 6...

"Clara, answer number three."

Hala. Hindi ko alam, bakit ba kasi hindi ako nakikinig? Shete naman oh.

Argh, i hate you math! Sagad.

"24." bulong ng katabi ko.

Napakunot ako ng noo pero sinagot ko pa din.

At tama! Oh, thanks seatmate!

Highschool...

"Bakit late ka ms. Herrera?"

Lecheng alarm clock kasi! Bulok na ata.

Nagulat ako ng hingal na hingal siyang tumabi sa'kin at nagsalita.

"Kasalanan ko po ma'am! Kinuha ko po kasi yung homework niya kaya nag-agawan pa kami. Sorry po." at yumuko siya.

Anong sinasabi ne'to?

My birthday...

"Bakit late na late ka daw umuwi nung Thursday? Explain."

Mga magulang ko talaga oh, birthday na birthday sermon. Tss.

"Ah pasensya na po, wala po kasi kaming masakyang jeep nun eh." sabi niya.

Invited pala 'to? Saka anong walang masakyan? 'Di ko naman siya kasama nun ah.

P.E class...

Hala! Parating na yung bola! Anong gagawin ko?!

Pumunta siya sa harap ko at hinampas ang bola.

"Panalo na kami ni Clara!" sigaw niya at nagtata-talon.

Superhero Where stories live. Discover now