ONESHOT

37 1 0
                                    

Ang munting manliligaw ng MVP😘

Leo's POV

"Tol, nandiyan na manliligaw mo." sabay turo ni Jason sa isang babaeng tila may hinahanap.

Agad ako nag-iwas ng tingin at pasimpleng nagtago sa likod ni Migz.

"Pre, Wag ka muna gumalaw..."

"ha? Bakit?" nagtatakang tanong nito.

"Dumating na kasi manliligaw niya hehe" si Jason ang sumagot.

Humarap sa akin si Migz at—"Ulol! Wag kang duwag!"

"Tsk! Tumahimik ka na lang!!"

Pero mga tarantado tong mga kasama ko at hinawakan ako sa magkabilang braso at—

"Cindy, nandito siya!!!" sabay na sabi ng dalawang boplaks at itinuro pa ako.

Agaran ko naman silang binatukan. "Mga ogag  talaga kayo kahit kailan!" mariing bulong ko.

Agad naman na napaharap siya sa direksiyon ng sumigaw at dun nga wala akong ligtas na nakita niya.

"LEO!!!!" malakas na sigaw nito sa buong court. Sa sobrang lakas—nag-echo pa.

Naglakad takbo siyang pumunta sa akin at malawak ang ngiti na humarap sa aming tatlo. Hawak ang isang bottled water sa isang kamay.

"Hi Cindy!" sabay na bati ng dalawa.

"Hi Migz at Jason." bati niya pabalik saka muling humarap sa akin. "Hi Leo..."

Katulad ng araw araw kong ginagawa, hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko na lang siya basta basta at kunwari ay abala akong nag-aayos ng bag ko.

"Jason oh, yung Biscuit mo at syempre kay Migz, oh yung energy drink mo."

"Ambait mo talaga Cindy hehe! Sa susunod babayaran ka na namin."

"The best ka talaga! Pati kami nililigawan mo hehe. Salamat."

Naramdaman ko naman ang pagtitig nito sa kin pero nagkunwari ako na wala lang yun.

"A-ahhh....Leo, tubig mo nga pala baka sakaling nauhaw ka sa practice niyo kanina." sabay abot niya sa akin ng tubig.

At katulad nga ng nakasanayan, hindi ko iyon kinuha.

Talagang walang sawa siyang dinadalhan ako ng tubig tuwing may practice kami. Na minsan ay nakakairita na. Tsk. Hindi ko lang talaga kayang sabihin dahil ayaw kong makasakit ng babae. Bwiset talaga.

"Mauuna na ako." paalam ko sa dalawang ugok! Sinamahan ko na rin iyon ng nakakamatay na tingin.

"H-ha?" nagtatakang tanong ni Cindy. "Hatid na kita!" nakangiting ani niya.

'nanaman?!' anang ng isip ko at nagsimula na kaming maglakad.

"Akin na yung bag mo." nagpaubaya na lang ako dahil alam ko naman na kung hindi ko ibigay ay gagawa't gagawa siya ng paraan upang madala bag ko.

"Sige master! Agahan mo na lang bukas sabi ni coach." mapang-asar na sabi ni Jason.

"MVP ka pa man din ng bayan!"-Migz

Habang naglalakad ay para namang may nakabuntot sa akin na akala mo ay aso. Mas binilisan ko naman ang paglalakad ko.

"U-uy! T-teka lang! Ang bilis mo naman maglakad."

deadma...

"Sabagay, Exercise na rin toh noh!" puno ng kompyansang ani niya.

Kinunutan ko naman siya ng noo kaya naman nagpeace sign siya. "Hehe, joke only."

Oneshot: CINDYrellaWhere stories live. Discover now