Bellona Aphrodite's P.O.V
Bwiset ngayon naman ay pro-problemahin ko naman ang aking uniform. Ay! naalala ko baka naman may nilagay akong extrang uniform sa locker ko.
Humarap ako sa kanila " May kukunin lang ako sa locker ko, diyan lang muna kayo " umoo na lamang sila sa akin at ako naman ay nagdiretso na sa aking locker.
Pagdating ko sa locker ko binuksan ko na ito at ipinagdadasal na 'sana meron akong nilagay na uniform dito'. Pero wala akong nakita haystt, hayai na yan liligo na lang muna ulet ako.
Habang naglalakad na ako pabalik sa pinanggalingan ko ay may biglang sumulpot na sobrang chubby at cute na isang batang lalaki, siguro mga grade 1 lang toh ang chaba eh ang cute pati pero laking taka ko may kapit kapit siyang uniform na pang highschool tapos lumapit na siya sa akin.
Umupo muna ako para pumantay sa kanya " Ang cuuttee mmoo " pinisil ko kasi pisngi niya ang chubby niya, ang cute " Ate ang shakeett " binitawan ko na nakakagigil " Ay sorry naman ang cute mo kase ".
Tumawa muna siya bago magsalita.
" Ate nga pala may nagpapaabot nito shayo " tapos binigay niya yung uniform sa akin, kanino naman kaya ito galing.Tinanong ko siya " Kanino galing to ?" nagpacute ako sa kanya para naman gumaan pa ang loob niya sa akin.
" Shikret daw po ate pero boy po siya hihihi " humahagikhik pa ito, napakacute na bata naman ito.
" Ah sige sabihin mo na lang sakanya kapag nakita mo siya ulet sabihin na thank you ha kung sino man siya " naka smile pa rin ako ang cute niya talaga.
" Hihihi shige po ate "
" Ano nga pala pangalan mo ? "
" Uhhmm Jeydon po "
" Ahh sige jeydon ha aalis na ako thank you na lang ulet, oh siya siya balik ka na sa classroom mo babye " tumayo na ako at kinawayan ko na siya at siya rin naman ay kumaway sa akin pabalik. Tumakbo na si jeydon na mataba, ang cute niyang pagmasadan ahihe.
Bumalik na ako sa pinanngalingan ko kanina habang dala dala ko ang aking bagong uniform.
" Oh buti na lang at meron kang spare na uniform sa locker mo ay siya'y hala ligo na doon o ito towel may nagpapabigay sayo sabi nung batang babae na maganda diba gurls " umoo silang lahat bilang pagsasang-ayon kay Frankie.
" Hindi, may nagpapabigay din 'daw' sa akin nito lalaki sabi nung batang cute at mataba na si jeydon " hayy napapangiti ako ah sa tuwing naaalala ko yung batang yun.
" Sus, kinikilig ka naman " sabat naman ni Brea sa akin.
" Tanga hindi, naaalala ko lang yung cute na bata na nag bigay sa akin nito " yan tuloy na pamura na naman ako.
" Talagang mahilig ka sa bata noh "
aba'y syempre!" Syempre naman kaya gusto kong maging isang pediatrician balang araw " sabay kindat kay Brea, kase matagal ko nang pangarap to at kailangan ko tong tuparin para na rin kay mama at kay dada.
" Liligo na ako ng mabilis at 11 minutes na lang at mag tatime na tayo "
Nag - diretso na lang ako sa C.R. kung saan may ligoan at mabilis na naligo.
Madali lang naman ito eh kahit buhok ko na lang at mukha hindi na naman naapektuhan ang iba pang bahagi ng aking katawan.
Pumasok na ako buti na lang at malinis dito, meron pati silang toiletries. Hinablot ko na ang shampoo at sinimulan ko nang maligo ng mabilis.
BINABASA MO ANG
Suddenly It Feels Like Magic ( On - Going / Editing )
Teen FictionHindi mo aakalain na mapapamahal ka sa taong hindi mo ineexpect na dumating siya sa buhay mo. It feels like magic na para bang, boom! anjan na agad siya out of no where. Mapapaiyak ka at maluluha sa tuwa when you read this story. Kasi kapag binasa m...