Hannah's POV
"Mom! What time are we going to eat?" nilingon ko ang anak ko at muli kong sinulyapan ang orasan. Past 8:00 pm na.
"Sige na. Mauna na kayong kumain. Sabay na lang kami ng daddy nyo" sagot ko at nilagyan ng pagkain ang pinggan nila.
"Mom are you ok?" tiningnan ko si Mae. Nagulat ako nang punasan nya ang pisngi ko. Hindi ko namalayan ang luhang pumatak sa mga mata ko.
Bigla na lang akong napaupo. Aaminin ko, nasasaktan na ako at hindi ko alam ang gagawin.
Ilang araw ng late umuwi si Shield at kapag kakausapin ko naman sya hindi nya ako sinasagot dahil na rin siguro sa sobrang pagod.
"Ok lang ako. Ubusin nyo yang mga pagkain nyo. May kukunin lang ako sa taas" sagot ko sa mga anak ko at mabilis na lumabas ng dining area.
Umakyat ako sa kwarto namin at kinuha ang cellphone ko. I dial his number pero katulad ng mga nakaraan busy na naman ang line nya. Tumawag ako sa company namin. Ang secretary nya ang sumagot. Nalaman ko na lumabas daw si Shield dahil may dinner meeting ito.
Bakit hindi man lang sya magtext o di kaya naman ay tumawag? Naninibago na ako sa inaasta ng asawa ko. Ayokong mag-isip ng masama pero bakit ganito? Pakiramdam ko may mali. At hindi ako mapakali.
Muli akong bumaba at nadatnan kong naglilinis ang mga anak ko. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang. 13 years old na si Sean at 10 years old naman si Mae. Nilapitan ko sila.
"Ako na ditto. Gumawa na kayo ng assignments nyo pagkatapos, maglinis ng katawan bago matulog ha"
"Patapos na din kami mommy. Kumain ka nap o. Mukhang gagabihin na naman ng uwi si daddy" nahimigan ko ang konting pagkainis sa boses ni Sean.
"Busy lang ang daddy nyo" paliwanag ko. Hindi naman na sila nagkomento pa at umakyat na din sa taas.
Wala akong ganang kumain kaya naman niligpit ko na lang ang mga pagkain. Pinatay ko na din ang lahat ng ilaw ditto sa baba, saka ako umakyat sa kwarto naming mag-asawa. Tumuloy ako sa banyo at itinapat ang sarili sa shower.
Sa tagal na ng pagsasama naming mag-asawa nitong mga nakaraang araw lang ako nakaramdam ng ganitong sakit at pangamba. Sakit na mabalewala at pangamba sa mga bagay na pumapasok na isip ko. Alam kong mali na pag-isipan ang asawa ko ng masama pero sa tuwing uuwi sya at di nya ako papansinin para akong pinapatay.
Hindi ko na alam kung gaano ba ako katagal na nakatayo sa ilalim ng shower, halos mangulubot na ang balat sa palad ko. Tinapos ko na ang pagligo. Lumabas ako ng banyo at muling sinulyapan ang wall clock pasado alas dose y medya na ng hating gabi at wala pa din si Shield.
Nagbihis ako at nagblower ng buhok saka lumabas ng kwarto. Una kong pinuntahan si Mae sa kwarto nya. Inayos ko ang kumot ng anak ko. Tulog na tulog na sya. I smiled. Ang laki na agad ng baby ko. Hinalikan ko sya sa pisngi saka ako lumabas ng kwarto nya.
Pumasok ako sa kwarto ni Sean.
"Bakit gising ka pa?" tanong ko nang mabungaran syang nagbabasa ng libro sa kama nya.
"'Coz I know you're still awake" sagot nya habang sa libro pa rin nakatuon ang mga mata.
Marahan kong kinuha sa kanya ang libro. Nginitian ko sya.
"Ok lang ako. Matulog ka na." sabi ko at hinalikan sya sa noo.
"Mom the only answer to your problem with dad is just a confrontation. Why don't you talk to him?" asar na sabi nya at nagtakip na ng kumot.
"Fine. I will talk to him, first thing in the morning" I said.
"Goodnight mom. I love you so much" he replied. I smiled. Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto nya saka tuluyang lumabas.