chapter 1 : life after death

33 1 1
                                    

*Saint Luke’s Medical Center*

<3rd person’s POV>

“magigising pa kaya siya?” tanong ng isang babae nasa late 30’s habang nakatingin sa isang dalagang nakahiga sa kanyang hospital bed na parang patay.

“may tiwala ako sa Diyos Liz, mabubuhay siya,” lumapit sa kanya ang isang lalaking nasa 40 pataas na ang edad at niyakap siya. Dinala siya nito sa sofa para makaupo ito.

Napaiyak ng husto ang babae at napayakap sa lalaki, “tama na Liz, mabubuhay ang pamangkin natin, tiwala lang tayo sa Diyos,” pagtatahan sa kanya ng lalaki.

Tumingala sa kanya ang babae, “Theng, paano kung hindi na mabubuhay si Mae? Anong sasabihin natin sa mga magulang niya?” natatakot na saad ng babae.

“Liz hindi pababayaan ng Panginoon si Mae, tiwal—“

“Dad?” paos na tinig ang pumutol sa pagsasalita ni Theng.

Nagulat sila at biglang napatakbo sa hospital bed kung saan nakahiga ang nanghihinang si Mae. Agad tinawag ni Then gang mga doctor at nurse na umaasikaso kay Mae.

Muling napaiyak ang tita ni Mae na si Liza habang hinahawakan nito ang kanyang kamay na nanlalamig na.

“Mae, anak okay ka na ba? Wala ka bang kakaibang nararamdaman?” sunod-sunod na tanong nito sa kanya.

Umiling lang si Mae at maya-maya pa,dala na ni Theng ang mga doctor ni Mae.

Nagpapasalamat sila sa Diyos at nabuhay uli si Mae.

*after  4 days*

<Mae’s POV>

“gab penge naman chicha oh,” pangungulit ko sa pinsan ko.

“insan hindi ka pa pwede nito, ayan nga oh at andaming prutas binili ni Mommy para sayo,”sabi ni Gab at inilayo sakin yung isang supot ng chicharon.

“oo nga ate di ka pa pwede sa mga dirty foods,” sabat naman ng pinsan kong maarte na si Dien.

“ewan ko sa inyong dalawa,” sabi ko sabay kuha sa isang tangkay ng grapes sa fruit basket.

5 days na simula ng magising ako.

Wala akong masyadong maalala sa mga nangyari sakin.

Yung huli ay nung inoperahan ako, at di ko na alam yung kasunod.

Ako nga pala si Mae Coleta, kakagraduate ko lang ng high school last march.

Dito ako sa manila nag-aral ng elementary pero sa probinsya na ako nagpatuloy ng high school hanggang sa magdalaga ako.

After ng graduation,  nalaman ko na may tumor ako sa breast at kinailangan akong operahan.

Lumuwas ako dito sa manila para magpagamot pero ito nga nangyari sakin.

I was in coma for 3 months, and today ang ikalimang araw simula ng magising ako.

“ATEEEE?”

Ay dagang cheese !! O.O

Kakagulat naman tong si Audrey, sinigawan ba naman ako sa tenga.

Sinong tao kaya hindi mabibingi nun.

“bakit baby?” baby kasi siya yung bunso nina Gab at Dien.

“edi ka okey, mukha ka patay, coyor white ka,edi ka ganda like me,” sabay pacute nito.

Natawa ako dun sa sinabi niya, pero natutuwa ako kasi kinausap na niya ako.

These past few days kasi hindi niya ako kinakausap kasi patay na daw ako at momo (ghost) nalang daw ako.

Nung minsan nga ganito yung nangyari,

*flashback*

“uuuwaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!!!!”sigaw na iyak ni Audrey at tumingin sakin.

Nakatayo lang siya sa pinto kasama si Dien.

Bigla naman nagtakip ng tenga si Dien dahil sa pagsigaw ni Audrey.

“baby tahan na, ako to, si Ate Mae mo,” pag-aalo ko sa kanya kahit malayo siya sakin.

“YOU NOT MY ATE MAE!! Uwaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!” sigaw nito na umiiyak pa din.

Hay, naku naman. -_-

Paano ko ba ieexplain sa kanya na gising na ako.

“you a ghost of ma Ate Mae, you not her, you a ghost,” sigaw niya sakin saka lumabas ng pinto, sa labas kasi hinihintay sila ni Daddy. Dumaan lang sila dito bago pumasok sa Ballet class nila.

Bigla na naman bumukas ang pinto at----------

“I hate you ghost ni Ate Mae!!” sigaw na naman niya sabay balibag ng pinto.

*end of flashback*

Oh diba, dang saya. -_-

a/n:

Story explaination.

Mommy po ang tawag ni Mae sa tita Liz niya at Daddy naman sa Tito Theng niya.

-xaireljex

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon