CHAPTER 6 KILIG MUCH

44 0 0
                                    

Araw ng Lunes..

Nasa higaan plang ako ramdam ko na ang pagkatamad sa pagpasok. Ewan ko ba, inde ako palagay na makikita ko si Bryan sa school. Naiisip ko pa din yung ginawa niyang blind date para sa akin. Ano ba dapat kong ipakita sa kanya..? Dpat ba sabihin ko na Masaya ako na nkadate ko pinsan niya? Dapat ba magalit ako sa kanya? Hay.. NAMAN OH… Hindi talaga ako mapakali, parang gusto ko nalang magpalate para naman sa room nalang kami magkita at diretso klase na para wala ng usap-usap o kwentuhan na mangayayari.. “tama yun nalang gagawin ko, magpapalate ako” sabi ko sa sarili ko. Nagtalukbong na ulit ako ng kumot at pumikit.. 1, 2, 3, 4, 5,…. “WAAAH, inde ako makatulog..” napasigaw talaga ako sa pagkaines,. Nagising ko ata ang mama at papa ko sa kabilang kwarto.

            “teka, anong oras na ba?” nagtatakang tanong ko sa sarili ko. Laking gulat ko nlang na 5:30 am palang. Maaga pa nga at dapat matulog pa ako para ma-late ako.  Pero inde na ako makatulog. ANTOK DALAWIN MO PA AKO!!

            Tok…tok… Anak bangon na.. Alam kong gising ka na..  Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko. Sabi ko na nga ba eh, nagising ko ang mama ko. NO CHOICE.. Kelangan ko na nga talaga bumangon dahil hindi titigil ang mama ko sa panggigising.

            Naglalakad papuntang school. Malayo palang ay natanaw ko na siya sa isang bench sa my hallway, mukang my inaantay siya. Hay, sa lahat naman ng pwede kong makita siya pa. Hindi ko man lang alam ang gagawin ko, papansinin ko ba siya O iisnabin, malamang naman siguro nagkwentuhan sila ng pinsan niyang si Nate tungkol sa date namin. Hay, wala naman akong pakialam kung ano man yon. Ang gusto ko lng ngayon ay iwasan na muna siya. Because He give me this feeling na inde ko maintindihan. I feel so shy towards him, I feel shy to myself as well, Bakit kelangan kong malungkot over him not seeing me on that coffee shop. Bakit nag-expect ako ng mga bagay na inde naman niya gagawin para sakin.?  Anu ba meron ako ngayun para sa kanya? Hay.. wala lang to… “WALA LANG TO” sabi ko sarili ko habang tinatakip ang pisngi ko. Maglalakad ako sa harap niya ng parang walang nang parang walang nangyari. Hindi ko siya papansinin. Pahakbang palang ako ng naisip ko na pwede naman pala akong sa ibang hallway nalang maglakad, kaya naman tumalikod na ako ng tahimik and I headed towards the other side.

            “Gesha..!” sigaw ni Bryan. Hay kung mamalasin ka nga naman oh.. at nakita pa ko ng TUKMOL na to. Hay… NO CHOICE na naman. Hindi ko na magawang humakbang pa pero inde ko din magawang humarap sa kanya. Ngayun pa, naririnig ko ang mga paa niyang tumtakbo palapit sakin. Hay, nakakapanghina naman teh.. O_O  mangugulo na naman sa sitema ko tong mokong na to eh..

            “Gesha, goodmorning.. uy.. ok ka lang? bakit di ka man lang humarap sakin?” pangungulit ni Bryan.

            “Anu ba kasi an aga-aga…” sabi ko habang paharap ako sa kanya sa di sinsadyang nabitwan ko pa ang mga dala kong libro.

            “Ayan kasi naman eh” sabi ko habang paupo na at inaabot ang mga libro ko.

Wiiiih parang eksena lang sa pinapanood ko.. sabay kaming napaupo habang kinukuha ang libro ko, nagkauntugan pa nga kami eh. Kilig lang teh.. hehe  at nung inabot na niya sakin ang libro ko… parang my iba talaga sa mukha niya nun.. para bang ngayun ko lang siya nakita..

Parang ibang tao ang kaharap ko.. Kahit bumubuka yung bibig niya, para wala naman akong nadidinig. Parang ang tahimik lang ng paligid. Nanlalambot tlga ako. Anu kaya ang susunod na mangyayari? Kukunin ko ba ang libro na hawak niya? Iba eh.. Iba ang tingin ko sa libro na yun, para bang kapag inabot ko yun mas lalo lang akong mahuhulog sa kanya. My kamandag na niya ang libro na yon. At lalo lang akong malalason kapag inabot ko yun. Alam ko na ako ang msasaktan kapag kinuha ko yun, kung kukunin ko man yon. Hindi ko matiyak sa sarili ko kung ano ang dapat kong gawin sa moment na yun. Simpleng pangyayari lang pero binibigyan ko ng malalalim na importansya. Nababaliw na ba ako? Hay, naman eh… BRYAN… I’m so sensitive; a girl like me is not that easy but your smile, your hair, your lips it capturesevery inch of me.. aaaaaaaah  I see it so perfect..

Krrrrrinnnnnnnng…….Krrrrrinnnnnnnng……Krrrrrinnnnnnnng……. Krrrrrinnnnnnnng……. At nagbell na nga… medyo natauhan lang ako sa ingay na yun.

“Gesha, kanina pa nagbebell. Anu ba nangyayari sayo, bakit ayaw mong kunin ang libro mo.”  Sabi ni Bryan.

“hah… ayoko my lason yan” sabi ko ng wala pa din sa sarili.

“Lason? Ok ka lang ba? Kung my lason to, Hindi ko hahayaang hawakan mo to, kaso wala eh, libro lang to.” Sabi ni Bryan with matching smile pa and mukang seryoso talaga siya.

Hay, totoo ba yun, inde niya ko hahayaang hawakan ang bagay na may lason, does it mean na ayaw niya kong msaktan or does it mean na ok lang akong mahulog sa kanya? Kagulo, baka naman ako lang nagbibigay ng figurative meaning sa mga sinasabi niya..

“oo-okay.” Nag aalinlangan kong sagot sa kanya. Ganunpaman, inde ko pa din magawang kunin sa kanya ang libro ko.

“hay, kung ayaw mo kunin ako nalang magdadala. Tara na magsisimula na ang klase natin.” Sabi ni Bryan. Mukang bumait siya sakin ah.. Dahil ba naka-date ko ang pinsan niya? Pero anong konek.. Mukang magiging abnormal ako ngayong araw kakaisip..

Naglakad na kami papunta sa room.  At pagdating sa room, syempore aral mode na naman.. nagcommit ako ngayun sa sarili ko na dapat iwasan ko na muna siya. Hindi magandang nababaliw ako ng ganito sa kanya. I have my own life at dapat hindi na muna ako mag-isip ng kung ano ano. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CERTIFIED KOREANOVELA FANATICTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon