KAWALAN

14 0 0
                                    

Sometimes, you really have to be thankful sa mga malalapit sayo. Mga kaibigan, at mga kapamilya mo that has been supporting you in your life goals.

Kaya sobra ang pagpapasalamat ko sa mga kaibigan at kapamilya ko na nandyan lang para saakin tuwing stressed ako sa mga schoolworks.Architecture kasi ang course ko kaya sobrang stressful ng pag meet ng mga requirements. Thankfully, natapos ko na lahat kasama na ang mga clearance works at 'gradwaiting' na ako.

After next term pa kasi ang graduation, hinihintay pa yung mga ka batch ko na makatapos ng requirements until next term namin.

Wala naman akong issue dun dahil pagkatapos palang ng internship namin, kinuha na ako ng firm na pinasukan ko. Buti rin at mababait sila, binigyan nila ako ng week off to celebrate sa pagka pasa ng thesis naming magkakatropa. Kaya eto, sinimulan ko nang i-empake yung mga gamit ko. Ayoko kasing masabihan na kill joy, lalo na ni Jake.

"Hindi ka parin tapos dyan, Tsu?" Speaking of the devil.

"Hindi ba obvious?" Sabay irap ko sakanya. Pinapasok nanaman siguro ni mama 'to. Botong boto kasi sakanya si mama. Ni' di ko naman makita kung bakit. Like, hello, he' s the same gusgusing bata from primary school. Ew.

Jake has been my bestfriend since primary school, mag kapitbahay kami kaya rin alam namin ang kalokohan ng isa't isa. Gwapo naman siya, matalino rin at magalang sa matatanda.

Kaso simula pa nung bata kami, ako yung na bbully dahil lagi niya akong kasama. Kesyo bakit ko daw kasama si Jake, ang landi ko raw, sipsip daw ako sa crush nila.Ewan. Ayaw naman akong lubayan ni Jake kahit asar na asar na ko sakanya.

Heck, he had his own fansclub when he was in College.

"Ewan ko sayo Tsu, tagal tagal nang nakaplano ang hilig mo mag cram" Sabi ni Jake bago humiga sa kama ko't mag laro ng mobile games niya.

"I told you to stop calling me that!" Nakakairita talaga. Siya lang tumatawag nun saakin. Tunog ChuChu kaya kapag inuulit ulit niya.

Actually, now that I think about it, siya yung rason kung bakit ako laging nabubully dati. Hmpf. Civil Engineering din kinuha niyang course, saka he's a year older than me. Kahit courses namin, clash parin.

"Bakla ka siguro noh? Wala ka bang tropa na lalaki na makakasama? Lagi kang dito tumatambay eh. " Natatawa-tawang panunukso ko habang nag titiklop ng damit na dadalhin. Bigla niyang ihinarang yung muka niya sa tinitiklop kong damit na ikinagulat ko naman. Mumsh, muntikan ko nang masapak.

"Gusto mo, patunayan ko sayong hindi? Sakto wala si tita. May bibilhin raw." Nakangisi na sabi niya habang naka titig saakin. Sa lahat ng taon na magkasama kami at inaasar ko siyang bakla, ngayon lang siya nagbiro ng ganito. Ang intense ng titig niya na agad namang nagpainit sa muka ko.

"Jake, tawag ka ng mama mo!" Rinig ko ang boses ni mama, kaya naman agad akong nakahinga ng maluwag.

Agad namang humalakhak si Jake pagka kita sa reaksyon ko, sobrang nahiya ako. Pero, buwiset parin siya!!  Tahimik siyang lumabas ng kwarto ko after nun. Rinig ko rin na nagusap sila ni mama sa baba, pero hindi enough para marinig yung pinag usapan nila.

-

It's been two days since I've left the house, bale 3rd day na naming mag ttropa dito sa Baguio. Nung day ng alis namin imbis na kay Jake ako sumabay, I found Karyl's mini SUV in front of our house. Sabi niya tinawagan daw siya ni Jake na sunduin ako. I don't know kung bakit niya ako iniiwasan, dapat nga ako yung umiiwas eh. Pero siguro okay narin to, di ko rin kasi alam gagawin ko kung kami lang ni Jake sa kotse tapos 8-hr drive. Sobrang awkward nun.

Nakatingin ako kay Jake nang banggain ni Karyl yung balikat ko. Kumakain kasi kami sa nearby restaurant, at nag tataka parin ako kung bakit di niya ako pinapansin.

PAG-AMINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon