012 | narration

418 23 3
                                    

emily.

"oyt, kafatid. bilisan mo na dyan, aalis na tayo."

sabi ni kuya sa labas ng kwarto ko. 6:23am ngayon at papasok na kami sa school. si kuya naka-upo sa sofa, nagamit ng cellphone. habang ako ay patapos nang ayusin ang gamit ko.

lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si kuya na hanggang ngayon ay nagcecellphone parin. nagsalita ako, "tara na, kuya." dumiretso na agad ako sa labas para antayin sya.

lumabas na rin sya galing sa loob at nilock ang pinto. naglakad na kami papunta sa pupuntahan namin since malapit lang naman.

"so, kamusta kayo ni mingyu?" tanong ni kuya na ikinagulat ko, parang nagaalala sya. tumingin ako sa kanya at ngumiti. "ayos lang naman bakit?"

ibinaling nya ang mata nya sa baba, "uh, kasi, nasabi--"

"oy minhee!" napatingin kami ni kuya kila jungmo na palapit samin. "oy tara sabay na kayo samin!" ngumiti ako sa kanila. pero pagkatapos nun ay lumingon ako kay kuya, "anong nasabi kuya?"

"ah wala wala." tumango na lang ako. at sumama na kami kila jungmo.

-

at last, nasa harap na kami ng school. "kapatid, maiwan ka muna namin ah? bye!" aba, tangina nyo! nagpasama lang kami kila wonjin tapos iiwan na ko? jusme.

wala naman akong magagawa kaya pumunta na lang ako sa klase. hahawakan ko palang sana ang pinto para pumasok nang biglang binuksan ito ni dongpyo. "oh? bes? nandito ka na pala, pasok kana." saka binigyan ako ng way papunta sa upuan ko.

umupo na ko sa upuan ko at nakita ko si eunsang, nakangiti sa harap ko. "oh bat ka nakangiti?" tanong ko sa kanya. "masama bang ngumiti? ganto kasi si ming--hmmpph!" tinakpan ni mingyu ang bibig ni eunsang para di matapos ang sinasabi nya. wait, bat nandito si mingyu?

"oh? mingyu? bat ka nandito, diba sa kabilang room ka?" tanong ko, ngumiti lang sya. my gosh ampogi nya pero parang mala-creepy eh. "nangangapit-room lang hehe." my gosh! ang cute nya.

"dongpyo! ikaw siguro kumuha ng heelys ko kahapon noh?" sigaw ni yohan sa likod ng room. putek puro heelys ang life niya eh.

"ano? oy hindi ah. bat ko pakikialaman yon? ang panget kaya?"

akmang susugurin sana ni yohan si dongpyo nang nagbell. magsisimula na klase namin.

"pano ba yan, mamaya na lang break tayo magkikita. bye tol," sabi ni mingyu sabay tayo at nakipag-bro fist kay eunsang. tumingin sya sakin, "bye emily." bati nya sakin at nagulat ako nang kumindat sya sa harap ko at umalis sa klase nya.

biglang uminit ang mukha ko, tinakpan ko yon pero huli na dahil nakita na ni eunsang na ngiting-ngiti sakin habang inaasar ako.

"aysus! kilig na kilig tong si emily! sumbong kita kay minhee!"

sinakal ko sya, "tangina mo tumahimik ka nga!"

-

lashes.┆KIM MINGYUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon