Chapter 1 🔹Venedituz 🔹

5 0 0
                                    

New School.

New Environment.

New Friends.

New Experiences.

"Yan yung nerd na galing ng province. Disgusting!"

"What the hell? Bat ganyan ang itsura niya?"

"Manang na manang amp."

"The new version of Betty Lafea Haha."

"Eskwater."

"Poor Nerd."

Blah blah blah. Sa sobrang immune ko na sa mga panglalait, wala ng talab saken ang mga pinagsasabi nila.

Deridiretso nalang akong naglakad sa hallway papunta sa klase ko.

Alam ko namang di ako maganda, hindi rin sexy, manang, at higit sa lahat mahirap lang kami. Kaya nga siguro inayawan ako ng ina ko kasi ang panget ko. Hindi ako nababagay sa paaralang ito. Kung hindi nga lang dahil sa scholarship hindi ako makakapasok sa akademiyang ito.

"Hey nerd tumabi ka nga sa dinadaanan ko." Sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko napansin itong lalaking nasa harap ko. Ang gwapo niya. Itim na itim na mga mata. Makapal ang mga kilay. Matangos na ilong. Mapupulang mga labi. Nakadepinang mga panga. Tipikal na ideal guy ng mga babae. Yung may pagkabadboy ang datingan.

“Are you done checking on me?” ani niya na nakataas ang isang kilay.

"A-ahmmm. So-sorry" kinakabahan kong tugon. Nakakatakot kasi yung tingin niya. Parang anytime kakainin ka ng buhay.

"Oh? Bat parang kinakabahan ka? Crush mo ko no? Hindi kita type! Asa ka! " nakangising saad niya.

Agad akong umiling. "Oy! Hindi ah! Ang kapal ng mukha mo!" kinakabahang sigaw ko. Eh hindi naman talaga eh. Nagwapuhan lang ako. Di ko siya crush!

"Wow! Ako pa talaga ang makapal ang mukha? Hey nerd. Tignan mo nga ang sarili mo. Sino ka ba sa tingin mo? Mukha kang unggoy na nakasalamin Hahahaha" tumatawang turan niya. Biglang nag init ang pisngi ko sa pagpahiya. Napatingin ako sa palagi ko. Nagbubulungan ang mga estudyante. Nagtatawanan, malamang pinagtatawanan ako.

Sasagot na sana ako nang may biglang sumigaw na babae. Napatingin ako sa kanya. Ang ganda niya. Mukhang sophisticated.

"You jerk! Ano nanaman bang kagaguhan ang ginagawa mo? Bat mo binubully itong babae ha?!" galit na galit na sigaw niya dun sa lalake.

"Siya ang nauna! Haharang harang siya sa dinaraanan ko! At sinabihan pa ako ng makapal ang mukha?!" napatingin sa akin ang babae na para bang tinatanong ako kung totoo yun agad akong tumango. Hindi naman ako magsisinungaling. Totoo namang sinabi ko yun. Pero nadala lang ako ng mga panlalait niya!

"Oh? Kita mo na? Kasalanan niya yun!"

"Totoo ba yun?" tanong muli ng babe sakin. Na para bang hindi naniniwala na ako ang nauna. Pero totoo naman hindi ako ang nauna!

Agad akong umiling. "Oo. Sinabihan ko siya na makapal ang mukha pero siya ang nauna. Nilait niya ako." kalmadong sabi ko. Wala naman akong magagawa kung magagalit ako. Tama naman siya. Sino ba naman ako? Panget na mahirap pa.

"Ang kapal naman talaga ng mukha"

"Pag-aawayin pa ang magkapatid"

"Pres wag mong kampihan yang panget na yan.

" Ivan gwapo ka pa rin kahit na galit."

Magkapatid sila? Napatingin ako sa dalawa. Oo nga magkamukha sila.

"You two! Go to the Guidance Office! I don't tolerate your stubbornness Ivan! Grow up! Para ka nanamang bata!"

"Hey Ian. Shut up. As if naman susundin kita? You're just minute older than me." Pagkasabi niya nun tumalikod na siya at naglakad palayo. Sinundan ko lang siya ng tingin.

"Ivan!" tawag ni Ian sa kanya pero parang wala siyang narinig. Dirediretso lang siyang naglakad.

Humarap sa akin si Ian. "I'm sorry, miss. My brother is really a pain in the ass." nakangiting saad niya.

Natawa naman ako sa kanya. "Hindi. Okay lang po."

"I'm Ian Venedicta. Student Council President." inilahad niya ang kanyang mga kamay. "Sarah Uyami." nakangiti kong tinanggap ang kamay niya.

"So? Saang room ka?" tanong niya

"Room 102."

"What a coincidence. We have the same room." nakangiti niyang saad.

"Ahmmm. Grade 11 Rizal?"

"Yes! Sabay na tayo." tumango nalang ako.

Habang naglalakad kami papunta sa room namin. Sinusundan pa rin kami ng mga tingin ng mga estudyante. Napailing na lang ako. Too much hurtful words and stares for today. I shouldn't be here. Si tatay kasi okay lang naman sa akin na sa public school lang eh. Pero ipinilit niya pa rin na dito ako pumasok. Mas okay na sa public kahit na i-bully nila ako atleast alam kong magkakalevel lang din kami. Hindi katulad dito na puro mayayaman..

Nang makarating kami sa classroom namin. Namangha ako. Sobrang laki. Kumpleto sa mga facilities. Malinis.

"Welcome to Venedituz Academy." nakangiting turan ni Ian.

Venedituz.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad boy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon