Chapter 1: Trespasser

0 0 0
                                    


No matter what I tell myself

She's not as good

She's not as good

as you, no.

Baka ganoon nga talaga. Baka kaya nangyari ang mga dapat mangyari kasi iyon talaga ang nakatadhana. Napapaisip tuloy ako, ano na kaya kami ngayon kung hindi kami naghiwalay?

Ano na kaya ang mga naabot at narating namin sa buhay?
Ganito pa rin kaya o baka mas napariwara lang.

Sa ngayon, baka I should be thankful instead of thinking the 'what ifs' and 'could have been'

Isinuot ko na ang makapal kong jacket at saka isinukbit sa kaliwang balikat ang backpack ko. Malakas ang ulan kaya dinampot ko na ang payong ko at tuluyang nilock ang pintuan ng bahay.

Bubuksan ko na sana ang di-pindot na payong nang may mapansin ako sa gilid ng pintuan namin kung saan may isang pares ng rubber shoes.

Teka... ako lang naman ang tao sa bahay. Wala akong ganitong klase ng sapatos. At isa pa, sigurado akong pambabae ito. Floral eh, mga size 7 siguro.

May nakapasok ba?!

Dali dali kong kinuha ang susi para buksan ulit ang pintuan. Muntik ko na maputol yung susi sa pagkataranta.

Hinigpitan ko ang hawak sa handle ng payong ko. Baka sakaling may sumunggab sa akin at least ready ako.

Binuksan ko ang ilaw para madali kong makita kung sino man 'tong trespasser na 'to.

"Lumabas ka. Alam kong nandito ka sa loob ng bahay."

Tahimik. Ni kaluskos wala akong narinig. Aba, magaling ang isang 'to ah.

"Kapag hindi ka lumabas at nagpakita sa'kin ngayon tatawag na talaga ako ng pulis. Alam mo bang trespassing ang ginagawa mo?"

Wala pa rin lumalabas o nagsasalita. Hindi naman kasi ganon kalaki ang bahay namin. Bungalow type lang kaya hindi rin malawak ang space. Kung saan man siya nagtatago sa masikip na space, ibig sabihin baka pro na 'to mag trespass.

Napamura ako ng biglang may tumunog na parang nabasag na ewan sa labas.

"HOY!"

Binilisan ko ang lakad ko papuntang likod bahay. Dito ka lang pala nagtatago.

Pagkapunta ko sa likod, nagkalat ang mga bubog ng bote ng red horse. Di ako nag iinom ha, sa tito ko yon. Hanggang sa may nakita akong mga paa sa ilalim ng jeep. Haha

"Miss? Anong ginagawa mo dito?"

Sinilip ko siya sa ilalim ng jeep ng tito ko. Sa kabilang bahay lang nakatira ang tito ko pero dito ang garahe niya dahil walang space ang sa kanila.

Pagkakita ko sa babae, napatigil ako.

Bigla akong napatayo sa pagkakayuko ko. Pumikit pikit ako, baka nagkakamali lang ako.

"Diyan ka lang!"

Sigaw ng babae sa ilalim ng jeep.

"Les, ikaw ba yan???"

Yumuko ulit ako para tignan siya, hindi ako namamalikmata si Selestine talaga 'to. Anong ginagawa niya dito? At bakit ganito ang itsura niya? Bakit siya nagbasag ng bote? at bakit siya nagtatago... sa'kin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon