"Under The Moonlight"
Saturday at 8:27 PM
I chatted her.
"Panget ang ganda ng moon. Yellowish yung kulay niya ngayon."
She replied at 11:38 PM
"Pauwi palang ako. Di na ako nag online kaninang break time, inorasan ako eh bwiset haha kaya binilisan ko lang pagkain bawal daw over break."
"Tignan mo yung mooooooooon HAHAHAHAHA." Sabi ko.
"Di pa ako nakakalabas."
"Aantayin kita sa babaan ng jeep balaka. Ang ganda talaga ng moon sayang di mo nakita kanina yellowish siya, ngayon white na ulit HAHA." Sabi ko. "Naka-sakay ka na?" Tanong ko.
"Kakalabas ko lang haha. Nakita ko na yung moon kulay puti. Ang ganda niyang pagmasdan."
"Saan ka lumabas? Sa mental? HAHAHAHAHA!" Pabiro kong sabi. "So sasakay ka na?" Tanong ko.
"Oo naglalakad na ako papunta sa sakayan ng jeep."
"Kaninang bandang 7 yellowish yung moon ang ganda. Chat mo ko pag malapit ka na bumaba ah. Kanina pa ako dito naghihintay eh HAHAHAHA."
"Halaaa bat ka nanjan? Pasakay palang ako. Vakla ka haha umuwi ka na don gabi na hahahaha. Bumili ako ng hikaw HAHAHAHA."
"Galing kasi akong seven eleven kasi may binili ako HAHAHA."
Ang totoo kaya lang naman ako bumili sa seven eleven para may reason ako para masabayan siya sa pag-uwi. Pero di niya alam 'yon.
Habang naghihintay ako sa pagdating niya ay pinagmamasdan ko ang buwan habang umiinom ng kape na binili ko sa seven eleven.
Hindi ko talaga alam kung anong naisip ko para sunduin siya. Siguro kasi babae siya at hindi na safe ang panahon ngayon lalo na't gabi siya umuuwi. Pero ang isang dahilan na naisip ko kaya ko siya sinundo, ay para makita siya.
Bukod sa kapatid kong babae, siya palang ang unang babae na sinundo ko sa tinagal tagal kong nabubuhay sa mundong 'to.
Siguro I feel comfortable with her and I don't want to lose her kasi siya lang yung hindi nagsasawang kumausap sa'kin ngayon at siya lang din yung nagpapagaan ng loob ko kahit na sobrang dami kong problema.
Honestly di niya alam 'yon pero sa t'wing nagchachat lang siya sa'kin sumasaya na ako, di ko alam kung bakit pero thankful ako dahil nakilala ko siya.
She's my classmate back in grade six at hindi naman talaga kami closed inaamin ko 'yon. Kahit sa school no'n madalang lang kaming mag-usap at kahit naman sa social media di kami naguusap o nagchachat.
Actually kaya lang naman kami nakapag-chat dahil sa virus sa facebook na di sadyang na send sa kanya, at dapat pa nga ata akong magpasalamat sa pangyayaring 'yon, dahil kung hindi 'yon nangyari, hindi rin kami nagkaka-usap ngayon.
Ilang weeks pa lang naman ng nagsimula ang pagchachat namin pero feel ko parang years na. Di ko alam kung bakit pero siguro kasi, I get easily attached to the people when I feel comfortable with them.
At bihira lang 'yong mangyari.
I trusted only few people in my life at di kasama ang pamilya ko sa pinagkakatiwalaan ko. Bilang lang sa daliri ko ang pinagkakatiwalaan ko siguro mga seven lang lahat, at yung dalawa do'n ay sobrang special sa'kin.
Actually yung dalawa sa pito na 'yon ay di ko na tinuturing na kaibigan. Turing ko na kasi sa kanila ay pangalawang pamilya ko, at silang dalawa lang din ang nakaka-alam ng halos buong kwento ng buhay ko. Talo pa nila yung totoong pamilya ko at di ko kinakahiya 'yon.
Minsan nahihiya na akong magsabi sa kanila ng problema ko kasi lagi nalang sila ang umiintindi sa'kin at nahihiya na rin ako baka masyado ko ng kinukuha ang oras nila. Kaya nagpapa-salamat ako dahil may bago akong nasasabihan ng problema ko bukod sa kanilang dalawa.
And then, she came up to my life. And I don't want to lose her. Kaya sa ngayon di ko pa pwedeng sabihin yung nararamdaman ko para sa kanya. Di pa ako ready. Kung kelan nararanasan ko ng sumaya ulit baka mabawi pa pag sinabi ko yung totoo.
Maya-maya pa ay dumating na ang sinasakyan niyang jeep.
"Whoooo! Kapagod haha." Sabi niya sa'kin sabay tawa.
Di ako umimik. Tinignan ko lang siya at ngumiti lang din ako.
Ang ganda niya kahit walang make up. Simple lang ang dating niya pero ang ganda niya pa rin pagmasdan.
Habang tumatawid kami pinakita niya sa'kin yung hikaw na binili niya.
"Tignan mo oh HAHA. Ito yung hikaw na binilin ko kanina."
Tumingin ako sa kanya, pero hindi sa hikaw.
Ngumiti ako. Kasi nakita kong masaya din siya. Parang di niya iniinda yung pagod niya kaya lalo akong humanga sa kanya.
Nang makatawid na kami ay bigla ulit siyang nagsalita.
"Dapat bibili pa ako ng ipit sa buhok eh kaso di naman ako marunong gumamit no'n HAHAHA." Sabi niya.
"Babae ka ba talaga? HAHA."
"May ipit pa nga ako sa bahay di ko ginagamit eh HAHAHA. Di ko naman kasi kailangan."
"Tignan mo yung moon. Na sa ibabaw natin. Kanina yellowish kulay niyan eh sayang lang di mo nakita ang sipag mo kasi eh HAHA." Sabi ko.
"Tangeks! Bawal kasi lumabas HAHAHA tsaka malamig sa loob kaya mas okay na do'n."
Iniiwasan kong tumingin sa kanya pero napapa-ngiti pa rin ako kasi may photographic memory naman ako kaya naaalala ko pa rin yung mukha niya kahit pa saglit ko lang ito nakita.
"Ang ganda ng buwan ngayon. Perfect circle na siya. Kahapon kasi hindi pa eh." Sabi ko habang naka-tingin sa kanya.
Nauuna siya ng lakad sa'kin kaya di niya siguro namamalayan na sa kanya ako naka-tingin.
Pero malapit na kami maghiwalay. Ilang hakbang nalang at mag-iiba na kami ng dadaanan. Pero imbes na malungkot ako ay naging masaya pa din ako, kasi para sa'kin perfect yung gabi na 'to dahil nakasabay ko siyang maglakad at walang gaanong tao kasi nga gabi na. at saka lalo pang naging perfect 'yon dahil sa moon.
At dumating na nga kami sa point na kailangan na namin maghiwalay. Tumingin ako sa kanya gano'n din siya.
"Sige na tawid kana HAHAHA uwi ka na do'n gabi na. Bye." Sabi niya.
Di ako sumagot pero ngumiti ako sa kanya.
Habang tumatawid ako ng kalsada ay naka-tingin ako sa kanya. Wala naman kasing dumadaan na sasakyan kaya okay lang.
Alam kong antok at pagod na siya habang tinititigan ko siya mula sa kabilang kalsada kaya malamang di niya alam 'yon.
Di pa ako agad umuwi nang makatawid ako kasi sinundan ko pa siya ng tingin hanggang lumiko na siya sa kanto, sa hindi na abot ng tanaw ko.
Tinititigan ko siya habang naglalakad hindi dahil sa may iba akong iniisip kun'di dahil pakiramdam ko sinasabayan ko pa rin siya sa paglalakad at kung sakaling may mangyari sa kanya pwede ko agad siyang mapuntahan dahil na sa kabilang kalsada lang naman ako.
Habang naglalakad siya, naiinis lang ako sa lalaking nanakit sa kanya na kinuwento niya sa'kin. Kasi di niya naman deserved na masaktan. At hindi niya rin deserved na paglaruan. Kung ako ang tatanungin, hindi dahil sa may nararamdaman ako para sa kanya, pero ang totoo worth it siya. Deserved niyang mahalin, ingatan, at pahalagahan.
Di ko alam kung bakit nagkaka-ganito nanaman ako. Pero ang alam ko natatakot na akong mawala siya sa'kin kahit na walang kami kasi hindi niya naman alam na may gusto ako sa kanya. At saka may mahal pa siyang iba pero handa akong sumugal para sa kanya kahit na alam kong masasaktan lang ulit ako.
~END~
YOU ARE READING
Under The Moonlight
Short StoryThis story is the most unforgettable moment i ever had, walking with someone under the moonlight. It's a one shot story but i hope you like it guys.