Stacey POV
Anong gusto mo?"Tanong ni Vince sa akin.Nandito kami ngayon sa isang carinderia dito kami dumiretso galing airport.Treat niya raw akong lunch ayaw ko pa sanang pumayag baka kasi may kapalit.Pero sabi niya wag daw akong mag-alala wala naman daw tong kapalit.
"Bahala kana."Sabi ko na lang.Masyado akong malungkot ngayon kaya wala ako sa mood ba makipag-usap o kahit ano.Maya maya lang din dumating na yung inorder namin.
"Oh kain kana,masarap yan."Sabi niya pagkalagay niya sa mesa ng mga inorder nya.Kaldereta,pinakbet at 1cup of rice ang inorder niya sa akin.Mukha namang masarap kaya di na ako nagreklamo.
"Salamat."Matipid kong sabi tsaka kumain na lang.Infairness ang sarap ng pinakbet at kaldereta.Pagkatapos kong kumain nagpaalam muna ako sa kanya na pupunta lang ako ng ladies room.Do what I need to do then nagrefresh na rin ako ng sarili.Nafifeel na parang haggard ako.Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili bumalik na ako sa table kung saan naghihintay si Vince sa akin.
"Tara na."Aya ni Vince sa akin.Nagpatianod na lang ako.Papalabas na kami ng carinderia ng bigla na lang.......
"O-okay ka lang Stacey?"Napatingin ako sa kanya eye contact at....
Dugdug.....Dugdug.......Dugdug......Dugdug
"Stacey!?"Bat bigla na lang kumabog ang dibdib ko?Weird?At bigla na lang akong nakaramdaman ng kakaiba sa sikmura ko.Parang may kung ano sa loob ng tiyan ko.
"Excuse me po,makikiraan lang kami."Napukaw ang atensiyon naming dalawa sa babaeng nagsalita sa likod namin.Nakaharang pala kami sa daan."Pwede po bang makiraan?"At napansin ko na lang ang awkward pala ng posisyon namin.Tumayo na ako kaagad at pumunta sa gilid para makaraan yung babae at mga kasama niya.
"Tara na."Si Vince na ang unang nagsalita.Bat naman kasi nadulas pa ako.Opo sa malas ko lang nadulas pa ako.
"A-a...o-oo.."Shet di ako makapagsalita ng maayos.Maalala ko lang yung posisyon namin parang nag-iinit na yung mukha ko.Eh kasi naman yung posisyon namin is parang yung nagsasayaw na yung babae is nakaliyad habang nakasuporta naman yung lalaki sa likod nung babae at magkalapit yung mukha naming dalawa.Siguro sobra lang akong natakot na baka mabagok ang ulo kung saka-sakaling natuluyan akong madulas kaya bigla na lang kumabog ang puso ko.Kinabahan lang siguro ako.Yun lang yun.Binalewala ko na lang yung kakaibang nararamdaman ko kanina.Kinabahan lang talaga ako.
Hindi pa rin mawala-wala ang kaba habang pabalik na kami ng school.Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse.Siguro dahil sa nangyari kanina?Ewan ko,at isa pa hindi naman kami close sa isa't-isa para magkwentuhan.Nagkaroon lang kami ng koneksiyon dahil sa sinuntok ko siya.Kilala ko siya noon sa pangalan at pagiging bully sa mga estudyante at ang pagiging anak ng may-ari ng school.Yun lang at wala ng iba.Hindi naman ako ang tipo netong kaibigan at kakausapin niya diba.Mga katulad lang nito ang kinakaibigan niya.Pagdating ng school medyo nakarelax ako kasi nawala na yung kakaibang pakiramdam ko kanina.
"Hey bro san ka nanggaling."Salubong sa amin ni Fred,one of his friends.
BINABASA MO ANG
I Was Caught Off Guard.
Teen FictionSa isang suntok na nagawa niya ay di niya inaakala na magkakaroon sila ng ugnayan ng kilalang bully sa school nila.Makakaya kaya niyang makisama sa walang modong lalaking 'to?O posible kayang mahulog ang loob niya rito??