Chapter 6

728 19 3
                                    

Enjoy Reading~~~~ 💖
*send love

Ilang araw na nagdaan puro "paramdam" kuno si alex saakin ganun pala yung sinasabi nila kisha at kc pero walang epekto i-lang nararamdaman ko i-lang dahil di ako sanay na may lalaki na concern saakin. Sa tuwing may gagawin si alex na "sweet" daw na sabi ni kc. laging sinabi saakin ni kc na " sabi ko sayo may gusto yan sayo."  iniisip ko din na baka nga may gusto si alex saakin pero laging kung sinasabi na mabait lang si alex saakin. Ayaw ko na pinipilit yung ibang tao saakin kasi iba yung gusto baka masaktan sya kung sakaling gusto nya nga ako. Kaya kahit gusto ko na laging pumunta kila kc para makita si levi minsan nalang ako pumunta.

"EMERALD!!! Bumaba ka nga jan!" sigaw ni mama  ano nanaman kaya yun? Nakakatamad pero no choice baka maging machine gun nanaman bunganga ni mama.
___

"MAMA baket?" Tanong ko nang makababa ako

"Bigay mo to kay bell sabihin mo din na salamat dun sa binigay nyang adobo kahapon." Sabi ni mama at binigay saakin ang tupperware 

Ayoko pumunta dun!

"Ma.. I-kaw na lang magbigay nito" nahihiya kung sabi kay mama kunot noo naman nya akong tiningnan

"At baket naman aber? Inuutusan mo naba ako?! Abay anak kita at mama ako maka utos ka sakin inutusan nga kita dahil may ginagawa ako ano pat naging anak kita! Dapat sundin mo ako! Simpleng bagay di mo magawa jaan lang yung bahay ng komare ko't tatamad tamad ka! Jusko mga bata nga naman ngayon oo! Kami nga tinatawid pa namen ang tulay at bundok para lang nakapasok sa eskwelahan tapos ikaw jaan lang! Ano ba't tatamad tamad ka huh! Dati naman halos magmadali ka para lang makapunta sa bahay nila kc ngayon ay pag utos ko na pumunta ka don ay uutusan mo pa ako! Alam mo dati-

"Oo ma ako na!" Sabi ko sabay alis

jusko sampo lang sinabi ko 100 na sakanya kung diko pinigilan yun pati history ng lolo at lola nya ki kwento na nya.

*ding dong

Pindot ko ng doorbell nila

di na ako magsasalita. nung huling nag doorbell ako si levi nagbukas eh jusko sana di naman...

*pikit *cross finger

Sana di levi o alex ,sana di levi o si alex...

Sana di levi o alex ,sana di levi o si alex...

Sana di levi o alex ,sana di levi o si alex...

"What are you doing?"

Wahhh? Sino nagsalita? Unti unti ko minulat ang isa kung mata teka nakasirado yung gate!  YES! Pero sino yung nagsalita?

Napatingin ako saaking gilid at inangat ko ang aking ulo upang makita kung sino ang nasa tabi ko masyadong maliwanag dahil tirik ang araw kaya kailangan ko pang ilagay ang isa kung kamay sa taas ng aking mata upang makita ang aking katabi.
Ng tuluyan ko na naaninag ay agad akong diretsong tumayo at diretsong tumingin sa gate na nakasarado.

Nakakahiya talaga naman oh! Di nga sya yung nagbukas pero kasama ko naman sya sa labas!

"Tss. What are you doing here?" Sabi pa neto

Bat parang ayaw nya ako dito?!

"Ahhh. Ibibigay ko lang to" angat ko ng tupperware kahit ang aking paningin ay nasa gate parin.

"Ahhh i thought..." sabi nya hinihintay ko na dugtungan nya pero wala ng kasunod ang kanyang sinabi.

Pinindot ako ang doorbell
Bat ba ang tagal buksan ng gate!

I love you, since I saw you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon