Dear Jack,
Ikaw ang unang lalaking hindi ko kamag-anak na kinausap ko. You're so hyper that time na dumadating sa point na gusto na kitang isumbong kay mama dahil sobrang kulit mo. Imagine?! Grade 3 pa lang ako no'n 8 or 9 years old?! You kept on pestering me kapag nakikita mo ako sa may stadium dahil may one week na inaasikaso si mama doon. Lagi mo akong hinihiram kay mama. Dadalhin mo 'ko do'n sa tindahan n'yo at maglalaro tayo ng bahay-bahayan o kaya 'pag ayaw ko sumama ando'n lang tayo sa loob ng stadium kinukulit mo 'ko o kaya babatuhin mo 'ko ng tissue.
Minsan nga ang sarap mong isumbong do'n sa security guard at sabihing ninakaw mo 'yong gamit ko kahit hindi naman, mapalabas ka lang ng stadium.
Until one day, may dumating na isang batang babae, kaedadan ko lang. Nakikipaglaro s'ya sa'kin that time, at dumating ka bigla nagpakilala s'ya sa'yo. Naglaro kayo ng mga nilalaro na'tin dahil nga ayaw ko makilaro. That time ko naranasan 'yong sinasabi nilang 'crush'. Hindi ko alam pero badtrip ako sa'yo no'n kaya naghanap ako ng bagong kalaro na batang lalaki. Nakita mo kami at lumapit ka sa'min. Sabi mo "Ba't ka nakikipaglaro sa kan'ya? Sa'kin lang dapat! " sigaw mo sa'kin.
'Di ko alam kung anong mararamdaman ko no'n tuwa ba o galit. Tuwa dahil napansin mo ulit ako o galit dahil ikaw nga nakikipaglaro sa iba! Hmp!
Tapos na 'yong one week na inaasikaso ni mama sa Stadium. And hindi na ulit ako makakapunta sa tindahan n'yo. Kumain pa kami no'n sa karinderya sa may tabi n'yo tapos lumapit ka sa'kin. Binigyan mo 'ko ng bracelet. Bracelet na gawa sa gumamela HAHAHA! Tapos niyakap mo 'ko. Wala mang confirmation na crush mo din ako, kinilig na ako do'n sa bracelet na bigay mo.
'Yon na yung huli nating pagkikita,hindi na ulit kita nakita simula no'n. Akala mo nalimutan na kita? Alam ko kung saan bahay n'yo! Kaso di ko tanda muka mo! HAHAHA! Gusto kita ulit makita. Ni pangalan mo nga 'di ko alam. Jack ang pinangalan ko sa'yo, kasi ikaw yung lalaking nagawa kong makasama ng panandalian hindi pangmatagalan. Parang 'yong sa titanic.
Love,
Aixa
BINABASA MO ANG
Dear Past
RandomHere you will read--perks of having a crush at a young age and realizing it as years passed by.