Chapter 3: Ana's Birthday (Part 2)

2 0 0
                                    

Kylie's P.O.V.

Tomorrow is another day.

Pagkagasing na pagkagising ko tiningnan ko kaagad ang cp ko pero wala pa ding text si Edison siguro nga ganun na lang ako kadaling kalimutan.

Naghanda na lang ako para sa birthday ni Ana. Pagkababa ko nagpaalam kaagad ako kay mama para umalis saktong paglabas ko sa bahay na salubong ko kaagad si May.

"Tara na Kylie excited na ako paniguradong madami na naman ang handa ni Ana."sabi ni May habang lumiliwanag ang kanyang mga  mata.

"Tsss...kaya ka lang naman pumupunta sa mga okasyon dahil may pagkain hindi para makipagcelebrate."sabi ko na may pailing-iling pa.

Napairap lang siya sakin. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay ni Ana. Hindi na kami nagtaka kong kukunti lang ang bisita niya ayaw kasi ni Ana na sobrang rami ng bisita. Lalo na kong ang ibang bisita ay pumunta lang para makipagplastikan sa kanya.

Lumingon-lingon ako para sana makita si Edison pero tanging yung dalawa lang na kabarkada niya ang nakita ko,napansin yata nila Ana ang paglingon-lingon ko.

"Sinundo ni kuya si Samanthanga."natawa na lang ako sa tinawag ni Ana kay Samantha pero bigla akong nahiya ng napagtanto ko na masyado akong pahalata.

Habang kumakain kami hindi ko mapigilan na mapatingin sa bagong dating na si Edison na nakikilag fist bump sa kabarkada niya.

"Edison, im so hungry na can we eat na"sabi ni Samantha na hinihimas-himas ang braso niya.

"Tara kain na tayo."iginiya ni Edison si Samantha at sa kasamaang palad dito sila na kishare ng table pati na yung dalawang kabarkada niya.

"Oi, Ana hindi mo ba kami ipakikilala diyan sa dalawa mong kasama?"sabi nong isang kabarkada ni Edison yung maputi at may dalawang dimple sa pisnge.

Napairap si Ana pero pinkilala niya pa din kami.

"May at Kylie, si Matthew at si errr... Dylan"sabi ni Ana.

"Hi"bati namin sa dalawa.

Actually kilala ko na sila dati palang syimpre lagi ba namang kasama ni Edison edi napapansin ko na din sila. Si Matthew Corpuz maputi,may dalawang dimple sa pisnge. Kasing tangkad lang din ni Edison.

Si Dylan Vazquez, maputi, singkit,kasing tangkad din ni Edison.

Syimpre si Edison Rodriguez ang crush na crush sa buong mundo. Maputi, singkit din, matangkad, matangos ang ilong, may dalwang dimple sa mag kabilang pisnge, maputi ang ngipin, may magandang ngiti. Lahat na siguro ng katangian ng pagiging magandang ugali at itsura ng isang lalaki para sakin na sa kanya na.

Wala eh tinamaan ako. Napatigil kami sa pagkwe-kwentohan ng magsalita si Samantha.

"Babe,hindi mo ba ako i-introduce sa kanila?"sabi nong maarteng linta na kung makakapit kay Edison parang gusto niyang angkinin ng buo.

"Ahmm...May at Kylie si Samantha Smith girlfriend ko." Ouch lang, ang sakit pa lang marinig mula sa kanya ang katagang "GIRLFRIEND KO" pero sa kabilang banda natutuwa ako dahil kahit isang beses binanggit niya ang pangalan ko.

Pinilit ko ng ngumiti at nag hi sa kanya. Nahimigan na yata nila May na parang ang awkward na para sakin kaya iniba ni Ana ang topic.

"Ahm...guys may paswimming ako bukas. Sabado naman bukas kaya ayos lang uwi na lang tayo ng linggo ng hapon. Game ba kayo?"sabi ni Ana.

"Game ako jan. Basta nandiyan si babe 'KO'"sabi ni Samantha parang diniinan niya talaga yung pagkakasabi niya ng KO.

Lahat sila nagsabing game maliban sakin kasi feeling ko masasaktan lang ako.

"Ikaw ba Kylie pupunta ka?"tanong sakin ni Matthew. Mukang nagpapacute pa saakin.

"Ahmm...hindi siguro may project pa akong gagawin."palusot ko.

"Aw...sayang naman."pang hihinayang ni Matthew.

"Teka,ang pagkakaalam ko wala namang ibinigay na project sa atin si Madam ah."sabi ni May. Shit I forgot classmate ko pala sila.

"Ah oo nga pala...hahaha...ah baka hindi ako payagan ni mama."palusot ko ulit.

"Tsss... I already called Tita Agnes to asked her permission then she said yes kaya wala ka ng ibang palusot so whether you like it or not pupunta ka."sabat ni Ana. Ano pa nga bang magagawa ko.

Pagkatapos ng party ni Ana ay agad akong umuwi ng bahay. Nag pakapuyat ako para hindi ka agad ako magising sa pinag-usapang oras kanina. Mga bandang ala-una na ako natulog.

May naramdaman ako na parang nayuyog sakin pero dahil antok na antok pa ako hindi ko na lang pinansin yung  nagyuyog sakin.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...............
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...............
Zzzzzzzzzzz--------------------------

"GISING NA!!!!!!"dali-dali akong na pabangon sa gulat.

Pagtingin si May at Ana lang pala.

"Ano bang problema niyo? natutulog yung tao"inis akong nakatingin sa kanila.

"Duh,its 8:00am ang usapan natin 7:00 pero halos isang oras na kaming naghihintay pero wala ka pa din."sermon ni Ana sakin. Ayuko nga kasing sumama dahil masasaktan ako. Gustong-gusto kong sabihin sa kanila ang mga salita na ito pero wag na lang ako lang ang magiging kawawa.

"Taralets na mga bro late na tayo."yaya ni May. Pipikit na sana ako kaso bigla nila akong hinila pa bangon.

"Hoy!Ano ba?!"dala-dala ni Ana yung isang bag hindi ako nagkakamali na sa akin toh.

"What the fuck! Hindi niyo man lang ako paliliguin?"umiling sila pareho."kahit man lang magmumog?"imbes na sagutin hindi nila ako pinansin. Nagbabye sila kala mama at papa. Tinulak nila ako papasok sa van. Seriously magulo buhok ko,walang ligo, walang toothbrush,nakashort lang ng maikli at naka spaghetti strap lang ako.

Napatingin silang lahat sakin. Hinanap lang ng mga mata ko si Edison na katabi si Samantha.

"Hi dear, Kylie why so tagal naman?"tanong ni Samantha sakin. Bahagya lang akong ngumiti dahil napansin kong nakatingin din sakin si Edison. Nahihiya ako sa itsura ko ngayon. Lahat sila mukang fresh tingnan, ako mukang dugyot.

Mabilis ang naging biyahe pero sa tuwing nakikita ko na nagtatawanan si Samantha at si Edison parang gusto ko ng bumaba na lang.

Pagbaba namin ng van diretso agad kami sa resort nila Ana. Ang daming torista ang nakikita ko.

"Miss, sexy mo ah"sabi nong lalaki na nakasalubong namin. Nakikita ko yung iba na pasimple na tumitingin sa legs ko na naka-expose.

"Dapat nag-bihis ka muna bago ka sumama sa amin." Napalingon ako sa nagsalita. Totoo ba to?si Edison concern sakin?wahh..kill me now.

"Hayaan mo na si Kylie she's so sexy kaya. Look oh,ang daming guy na nakatingin sa kanya."sabi ni Samantha. Napa-tsss lang si Edison.

Nagseselos ba siya? Pero sobrang imposible yata.

Pero sana.
Kahit isang beses.
Maramdaman kong nagseselos siya.

I Love You CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon