Chapter 1: Isang Salita

39 0 0
                                    


Sa Tent sa Baranggay


"Oh kumpleto na ba tayo? in 30 mins mag on air na ang Hit BulaGangstudio tapos nang intro script nila i cue agad tayo so pupunta na tayo sa tent" 


Sabi nang Baranggay Director sa kanila Joe, Paul at Walter. Ang tatlo ay host sa segment nang Hit Bula Gang na pinamagatang Sugod Buhay kung saan bumubunot sila nang winner at ang susugurin nila ay bibigyan nila nang pangkabuhayan para magkaron nang bagong buhay at makapag simula.

"Si Mae wala pa" sagot ni Paul


"Hindi ata papasok yun Paul grabe yung kagabi" sabi ni Joe kay Paul


"Oo nga eh di ko din inasahan yun. Nabigla ako grabe naman yang si Arjay" Mejo galit na sabi ni Walter habang nag hahanda na para pumunta sa tent kung saan sila eere.


"Bakit ano bang nang yare?" tanong ni Paul


"Ay hindi ka updated? Nakita si Arjay na nakikipag halikan kagabi sa bar" sagot ni Walter


"Talaga ba?! Grabe naman pala!" si Paul


"Di mo pa pala napapanood eto oh" sabi ni Joe habang inaabot ang kanyang cellphone kay Paul upang ipakita ang video kung saan kitang kita ang pakikipag halikan ni Arjay sa isang non showbiz girl.


"Ay totoo nga pala talaga" sabi ni Paul habang pinapanood nilang tatlo ang video.


"Nakaka bwisit eh noh?" si Joe


Biglang bumukas ang pinto nang Closed Tent habang nag uusap sila. Pag lingon nila ay bumungad ang isang babaeng naka shades nang itim at naka simpleng Dilaw na bistida na tinernohan nang blue maong tokong shorts at flat white sandals. Ang kanyang buhok ay naka tali sa likod gaya nang kadalasang ayos nya pag nasa segment nang Sugod Buhay.


"Si Mae!" nabiglang sabi ni Paul


Natahimik silang tatlo sa pag uusap at natulala sa pagkabigla dahil hindi nila inaasahan ang pag dating nang dalaga. Napatigil sa pag lalakad si Mae nang makita nyang nakatingin sa kanya ang tatlo.


Katahimikan.


Ilang saglit na namayani ang katahimikan sa loob nang tent. Hindi mabasag nang ingay at kaguluhan sa labas ang katahimikan na namayani sa paligid nilang apat.


"Oh bakit parang nakakita kayo nang multo?" sabi ni Mae nang may ngiti sa kanyang mapupulang labi. Lumapit sya sa tatlo at yumakap at bumeso gaya nang kanyang ginagawa araw araw. Normal lang. Parang walang nangyare.


"Buti umabot ka?" Si paul ang sumagot.


Napag pasyahan nang tatlong lalake na wag pag usapan ang mga kaganapan na maaring magpalungkot kay Mae. Alam na nila na hindi naman talaga masaya si Mae pero pinipilit lang nitong umasta na parang normal at walang nangyare kaya sinakyan nalamang nila ito upang wag na maging awkward pa ang sitwasyon para sa dalaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aldub: Minsan PaWhere stories live. Discover now