sarreh kung ngayon lang to, kasabay dapat to ng ud sa The Devil's Gaze kaso nag loloko net namin :/
tsaka sarreh din kung boring na to :/ </3
--------x
“ anong oras tapos ng klase mo? “ tanong ni chanyeol kaya binaba ko ang librong binabasa ko
“ 3pm matatapos yung huli kong klase “
sagot ko naman at bumalik na siya sa pagkaka higa niya. itinaas ko na ulit yung libro ko pero nagsalita ulit siya
“ eh yung lunch mo? Anong oras? “
“ 11:30 “
Napa buntong hininga naman siya at humiga na ulit sa kama niya. kanina pa hindi mapa kali si chanyeol, parang kinakabahan siya na natatae at hindi niya mailabas na ewan -_- kanina pa rin siya pa ulit ulit na may itatanong daw siya, pero ilang beses na niya kong tinanong ng kung anu ano pero mukhang hindi niya masabi yung gusto niyang itanong.
Kinuha ko na ulit yung libro ko at—“ kung may Japanese cake, may Chinese cake ba? “ tanong niya ulit kaya lumapit ako sa kaniya at pinalo yung noo niya
“ alam mo nakaka inis ka na! Ang dami mong tanong! Mukha ba kong google sa paningin mo?! Kung may itatanong kang importante itanong mo na! “ umupo ako sa tabi niya at pinagpapalo siya sa sobrang inis ko. Sinasalo naman niya ito ng kamay niya kaya pilit niyang hinahawakan yung kamay ko
“ may gusto ka ba sakin? “
Napa tigil ako sa tanong niya. sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ako maka sagot agad sakaniya. Pakiramdam ko rin ay sobrang pula na ng mukha ko dahil wala pa sa isip ko ang mga ganitong bagay. Naka tingin lang sakin si chanyeol at hinihintay ang sagot ko habang hawak pa rin ang dalawa kong kamay na tumigil sa pag hampas sa kaniya.
Huming ako ng malalim bago sumagot ng—
“ UTOT MO! WALA PA SA ISIP KO YUNG MGA GANYANG BAGAY NO! ‘BAT NAMAN AKO MAGKAKA G-G-G-GUS-GUSTO S-S-SAYO! NI HINDI PA NGA TAYO GANOON KA TAGAL NA MAGKA KILALA TAPOS LAGI MO PA KONG INAASAR! PORKET SIKAT KA DITO FEELING MO NAMAN MAGKA--- hmmmpp!!! “
Tinakpan niya yung bibig ko gamit ang kamay niya habang tumatawa at hinila ako sa tabi niya
“ ingay mo. Oo at hindi lang naman ang sagot “
Humiga na rin siya at pinatong ang braso sa leeg ko para hindi ako maka tayo. Hindi ako maka hinga T^T
Pilit kong inaalis yung braso niya pero lalo niya lang hinigpitan yung hawak sakin. Humarap ako sa kaniya pero naka pikit na siya
“ chanyeol~ bitawan mo na ko! Babalik na ko sa kama ko!! “
Pinagsisipa ko siya pero kinuha niya ang dalawa kong paa gamit ang binti niya para ilagay sa pagitan ng dalawa niyang hita kaya hindi ko na rin maigalaw ang mga paa ko T^T
“ pag pinilit mo pang umalis dito sa kama ko ibig sabihin may gusto ka nga sakin “
Sabi niya nang naka pikit kaya bumuntong hininga na lang ako bago pilitin ang sarili na maka tulog. Aish, ano ba kasi yung inaarte ko? Normal lang naman ang dalawang lalaki na magkatabing matulog diba? ^u^
(A/N: naka yakap siya sayo tapos naka tanday pa yung paa niya sayo! Anong normal dun lalo na kung bakla at inosente yung isa?!! Tss -_-++ )
----------------------x
Chanyeol’s POV
Dahil nakuha ko na yung sagot ni baekhyun na hindi siya magkaka gusto sakin ay napag desisyunan kong pumayag sa pinapagawa ni kyungsoo. hindi namang mahirap ang pinapagawa niya kasi marami na rin akong karanasan.
Yung video namin ni dara na hawak ni kyungsoo, pwedeng iyon yung magka usap kami tungkol sa sikreto ko. walang nangyari samin sa lugar na iyon, pwede lang talagang masira ang reputasyon ko pag kumalat yung video na iyon aish.
Naghihintay ako malapit sa classroom ni baekhyun, yayayain ko sana siyang kumain kasama ko kasi mukhang wala pa siyang kakilala dito bukod samin ni kyungsoo.
Pero iyon ang akala ko.
Lumabas na si baekhyun sa classroom niya nang may kasamang lalaki. Naka akbay pa ito sa kaniya at tawa naman ng tawa yung isa. Bigla akong nakaramdam ng inis kaya sinundan ko sila pero laking gulat ko nang bumaba yung kamay nung lalaki sa puwitan ni baekhyun
“ chanyeol!! “
Hinila ko yung kamay ni lalaki at pinilipit ko bago ko siya sapakin sa mukha. Napa sandal naman siya sa pader kaya hinila ko na si baekhyun pa alis sa lugar na iyon.
“ hoy! Ba’t mo naman ginawa iyon???!! “ tanong niya kaya huminto kami sa kaka unti lang ang mga estudyante
“ manhid ka lang ba talaga o gawa iyan ng pagiging inosente mo?? “
Puno ng pagtataka yung mukha niya kaya napa sabunot na lang ako sa buhok ko. sigurado akong naramdaman niya yung paghawak sakaniya nung kasama niya pero sa sobrang inosente niya hindi niya alam kung paano mag react o kung anong ibig sabihin noon.
Malamang ay iniisip niya na normal lang ang manghawak sa ganoong parte =_____=
“ binabastos ka na nung kasama mo hindi mo pa rin ba iyon alam??! “
Sigaw ko sakaniya bago ko siya yakapin at magsalita ulit..
“ wag mo kong tingnan ng mga inosente mong mata, lalo kitang gustong protektahan eh “
--------------x
malanding baekyeol sa kama (MM) xDD
ngayon ko lang napansin na chapter 6 na pero hindi pa natututo si bacon xD sa next chapter na lang huhuhu nagawa kasi ako ng angst kaya palpak humor ko ngayon :(
please vote and comment :3
-saranghaedyo <3
BINABASA MO ANG
Innocent Bacon. [ B A E K Y E O L ]
FanfictionPaano kung ang isang BYUN baekhyun ay maging inosente ? © saranghaedyo 2014