Prologue

4.5K 97 4
                                    

Red

"Sino ang tinitignan mo?" tanong sa akin ni Renz habang nakaupo kami sa hagdanan at nakatanaw sa covered court. Sinundan niya ng tingin ang tinatanaw ko.

"Freshmen?" tanong niya sabay tawa. "Nene pa yan."

Nene ba talaga?

"Baka nakabraces pa yan."
Natawa ako nang bahagya. Naka-braces nga siya at naka-braid na akala mo ay nasa high school pa.

"Sino ba d'yan, Red?" Pilit tinatanaw ni Renz kung sino ang tinititigan ko.
"Wag ka nga. Doon ka." pagtataboy ko sa kanya.
"Isa kang babaero, Sebastian." biro ni Renz na akala mo hindi babaero kung makapagsalita.
"Lagot yan kay Olivia kapag nabuko ka."

Mga ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo sa hagdanan para panoorin ang P.E. ng mga freshmen student ng Engineering. I don't have any idea why I am wasting my time sitting here, when I have too much things to do— like packing my stuffs.

"Aalis ka din naman, bakit ka pa magpapakilala?" I murmured to myself.
Dahan-dahan akong tumayo. At sa huling pagkakataon, tinanaw ko si Marie.

Fight for Me (Publish Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon