Prologue

2 1 0
                                    

I have this bestfriend of mine for a long time now. We have our first at everything that friends do. I don't know what to do anymore, hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko. Habang tumatagal mas lalong lumalalim itong nararamdaman ko para sa kanya at hindi na ito maganda.

We've been friends simula nung may activity na ginanap para sa mga freshmen sa aming department at don ko siya unang nakilala. Ang hindi ko inaasahan na don ko matagpuan ang tinitibok nang puso ko. Siguro ito yung plano nang tadhana para sakin.

"Hello freshmen students of Education!" maligayang bati nang emcee sa amin na isa rin sa mga seniors.

"I know you are all excited for your college journey in this university. Let me introduce my self, I am your ate Gwynn Sarmiento, a 4th year student major in English. You can approach me and the other seniors which is your ate and kuya if you need help, okay?"

"Okay!" sabi nang ilan pero may ilan tango lang ang sinagot at isa na ako ron.

Wala akong kilala dito sa department na ito dahil halos lahat nang kaibigan ko nong Senior High ay pinili nila ang Engineering habang ako dito sa Education.

"Today we'll have a game for you guys to found new friends, are you excited?" sabi ni ate Gwynn na nakapa pukaw nang atensyon ko.

"Yes!" maligayang sigaw namin.

"Okay, so let's start! Our game for today is you'll have a pictures given a picture and you need to find the other half and get to know the one holding the half of the picture."

Binigyan kami isa isa nang pictures at tinignan ko ang nakuha kong picture. Pamilyar ito sa akin, hindi ko lang maalala kung ano.

"Have fun finding your other half, good luck!"

Nagkagulo ang lahat para mahanap ang kalahati nang picture na hawak namin. Karamihan nahanap na nila ang kalahati nang kanilang hawak na picture nag libot-libot ako para mahanap ko ang kalahati nang picture hanggang sa...

"Times up! Nahanap niyo na ba ang inyong other half? Oh kayong dalawa nalang ang natira umupo na kayo kung tugma ang inyong hawak na picture." dinig kong sabi nang isa sa mga seniors.

Kaming dalawa nalang ang natirang nakatayo dahil halos lahat ay na upo na kasama ang kanilang other half. Agad umupo kaming dalawa at pinagdikit namin ang picture at nagkatitigan. May weirdo akong naramdaman sa mga tingin niya sa akin parang ang lakas nang tibok nang puso ko.

"Pasensiya ka na natagalan ako sa paghahanap sa'yo, my other half"

Oh shit this is not good hays.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fake ProtagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon