Pang Pitong Yugto

92 6 0
                                    

Ang Pagmamahalan

Naging maganda at masaya ang relasyon nina John at Mitch. Halos di na sila humiwalay sa isat isat. Hatid lagi ng binata si Mitch sa pag uwi sa bahay galing sa klase. Kayat halos magkasama sila araw araw. Magkasama din sila sa boardinghouse ng dalaga tuwing Sabado. 

Sobrang ligaya ang nadama ni Mitch sa piling ng binata. Para bang wala ng katapusang saya. Ganun din ang kaligayahang nadama ng binata sa pagmamahalan nilang dalawa.

Nung minsan dumalaw ang Nanay ni Mitch sa kanyang boardinghouse naabutan nito duon si John. Nakita ng Nanay ng dalaga kung paano alagaan ng binata ang kanyang anak. Bagamat ayaw nya pa sanang mag boyfriend ang kanyang anak ay wala syang magawa, nasa edad na kasi ito. Kayat, maluwag nyang tinanggap si John. Alam nya kasi na sa piling ng binata nasa mabuting kamay ang anak nya. ibinilin nya lang kay Mitch na itago ito sa kanyang Ama dahil siguradong magagalit ito pag nalaman na ang kanyang unica iha ay may nobyo na pala.

Open si John sa pamilya nya. Lahat ng naging girlfriend nya naikwento na sa kanyang Mommy at sa kapatid nyang panganay. Subalit sa dinami dami ng mga naging girlfriend nya, si Mitch lang ang dinala nya sa bahay nila at ipinakilala sa kanyang pamilya. 

"Seryoso ka na ba kay Mitch anak?, tanong ng Nanay nya.

"Opo Mommy, sya lang yung babae na pinag hirapan ko ng husto. Napakabait nya. Sya ang gusto ko makatuluyan pag dating ng panahon".

"Ok lang anak, mukhang mabait naman ang nobya mo. Basta wag ka lang muna mag madali ha, 18 ka pa lang, napakabata mo pa. Tapusin nyo muna pag aaral nyo ha".

"Dont worry Mommy, ako bahala. Tatapusin muna namin ang pag aaral taz pag may trabaho na kami, saka kami pakakasal. Bibigyan kita ng magagandang mga apo. Hay sarap isipin!"

"Hay nangarap ang binata ko", sagot ng Nanay.

"Hoy baka itulad mo na naman yan sa ibang mga naging girlfriend mo", wika ng kapatid nyang panganay na si Kris. "Maya nyan iba na naman kasama mo", dagdag pa nito.

"Ate peks man. Mahal na mahal ko si Mitch. Sya na yata ang huling babaeng mamahalin ko", sagot ng binata.

"Ganyan din sabi mo last time tungkol dun sa blondie, sino nga ba yun si Dixie", tugon ni Kris.

"Wala yun Te. Fling ko lang yun. This time iba na talaga ito"

"Anak wala akong kontra sa relasyon nyo, basta mag ingat ka lagi. Madalas ka na lang ginagabi sa pag uwi. Pag alanganin na, baka pwedeng duon ka na lang maki tulog kay Mitch kung papayag sya. Di naman sa kinukunsinti ko kayo pero nag aalala lang ako sa pag uwi mo ng gabi masyado", pahayag ng Nanay nya.

"Ok po Mommy. Dont worry big boy na ang anak nyo. Am sure papayag yun si Mitch hehehe", pilyong ngiti ng binata.

"Heh! Mommy oh, baka maya nyan bigla lumaki tiyan ng nobya nya at di na yan maka pag aral pa", reklamo ni Kris.

"Hay naku Ate wala ka talagang bilib sa akin. Madami pa kaming pangarap ni Mitch. Wala sa isip namin yang ganyan. Wait mo na lang pag kinasal kami, ikaw ang kukunin ko na Ninang namin sa kasal bwahahaha!".

"Che, ke bata ko pa, halika nga dito at kurot ang aabutin mo hehehe", sabay habol sa kapatid nyang lalaki.

"Kung abutan mo ako hahaha", tawa ng binata habang patakbong lumabas ng bahay nila.

Ganito kasaya sa bahay nina John. Kaya naman masaya si Mitch pag andun sya. Dama nya na tanggap din sya ng pamilya ng binata. Sa isip nya di sya nagkamali sa pag tanggap sa binata. Maswerte sya sa pag kakaruon ng nobyo na katulad ni John. 

Ngayon, Bukas at MagpakailanmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon