Friends Forever

184 6 1
                                    

Authors Note: Salamat po kung may nagbabasa man nito.BTW. pa-play po nung video pagsinabi ko na,araso?=)

____________________________________________________________________________

Maureen's POV:

September 20, 20**

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng nag-away kami ni Jana.Naiinis pa rin talaga ako sa ginawa niya.Pero ang totoo miss ko na ang isang yun...(TToTT) Pero siya naman ang may kasalanan diba?Haay...bahala na nga....=.=

Nandito kami ni Cheska sa cafeteria.At opo kasama ko pa rin siya hanggang ngayon,kinakausap naman niya si Jana at Nyka.Eh kasi neutral daw po siya,wala daw siyang pinapanigan.

Tiningnan ko naman itong si Cheska dada ng dada at syempre tango lang ako ng tango hindi ko na nga maintindihan eh.pero napansin ko lang ha...grabe ang takaw talaga ng isang toh.Kumain ba naman ng cheeseburger with matching large fries,spaghetti at large cup ng ice tea.Saan kaya napupunta ang kinakain ng isang to?

 "Aray!Ano ba?!"Psh. pisilin ba naman daw ang pisngi ko...

Hinimas-himas ko naman yung pisngi ko...

"Eh kasi naman Maureen nakikinig ka ba?Kanina pa kaya ako kwento ng kwento sayo?"

"Ha?Oo naman nakikinig kaya ako."

"Oh sige nga ano yung huli kong sinabi?"

"Sinabi."

"Psh.Ano ba?yung huli kong sinabi na TOPIC!Pwede ba wag kang pilosopo.So ano yung huli kong sinabi?"

"Ha?Ah ano eh nalimutan ko na..."

"See!Edi hindi ka nga nakikinig." Then she rolled her eyes.Haay...may pagkamadilta din talaga ang isang to.

"Ulitin mo nalang kaya makikinig nako promise."

"Huwag na ikaw na lang ang magkwento masasayang lang ang laway ko sayo."

"Eto naman nagtampo na agad...Atsaka kung ako,ano namang ikekwento ko sayo?"

"Edi yang buhay mo!Kamusta na kayo niyang Terrence mo, napapansin ko kasi na hindi na kayo gaanong nagkikita.Nga pala 7th monthsary niyo ngayon today diba?So how is it?May suprise ba,tingin mo?"

Napakibit balikat na lang ako sa sinabi niya.

"Ewan ko actually nangako nga siya sakin na tatapusin niya yung report niya.Saturday pa nga lang natapos na niya eh...ang kaso may thesis naman daw siya ngayon.Haay...ang hirap talaga kapag graduating na."

"Eh kayo ni Jana?Pano na yung friendship niyo?Pano na yung circle of friends natin?"

"Haay...Bahala na, siya kasi eh...Gumawa gawa pa ng kwento,alam ko naman na una palang eh hindi siya boto samin ni Terrence.Edi sana sinabi nalang niya ng daretsuhan hindi yung gumawa pa siya ng kwento na nagchecheat sakin si Terrence.Haler!Busy kaya yung tao!"

"Hoy Maureen!Huwag ka ngang BV jan?!Halika tayo na lang ang magdadate okay?"

"Okay!"=)

"Pero girl it's only friendly date baka isipin mo na may gusto ako sayo.I'm not a lesbian it's so eew!"

Hinatak na lang niya ko.

"So Maureen where do you want to go?"

"Wait lang wala akong maisip eh."

"Ahmm ganito na lang, mall tayo...shopping tayo tama!!!What do you think?"

"Cheska look,eh ikaw lang naman ang shopaholic eh!Isang araw nga napagsho-shopping bitin pa sayo tsaka may boutique kayo noh!"

Friends Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon