Chapter 3-Him

29 1 0
                                    

Aries POV

Pambihira naman! Kahit kelan talaga si Darwyn hindi na nagtanda! Tumakas na naman siya at isinama pa ang kapatid ko na si Ergie!ang guard na Si Mang agape tuloy ang napagbalingan ko ng galit.

"Bakit nyo naman ho hinayaan makaalis ang dalawang yon?" naiinis na tanong ko kay mang agape.

"Eh, Sir kasi sabi mo ni Ergie Pupunta lang sila, Dyan sa mini stop " Kumakamot pa ng ulo niyang sabi sakin.

" Sa susunod ho mang agape, Kahit anong sabihin nila sa inyo ipaalam nyo na muna po saakin. " Sabi ko bago ako pumasok ng bahay.

Si Darwyn ay anak ng kapatid ni Mama. Simula ng namatay ang mga magulang nito Kami na ang naging pamilya nya. Sila mama at papa ang nagpalaki sa kanya. Dahil parang isang tunay na anak na  ang turing nito sa kanya. Kaya ganito ang ugalinito dahil na ispoiled ito sa magulang nito. Nasa probinsya sya dati kaya lang nabarkada sa maling barkada kaya ipinadala sya ni mama dito sa poder ko.

Akala ko magtitino ang moko pero nagkamali kami. Nagbakasakali kami na maiimpluwensyahan namin sya ng katinuan.  pero nagkamali ata kami.

Nagdecide kami na pabalikin na sya sa probinsya dahil Nalaman namin na naka disgrasya ito ng isang babae! Anak pa ng Senador! Anak ng tokwa! Lalo pa akong nagalit dahil pinagbantaan kami na magsasampa ng demanda.

18 years old na si Darwyn peronasa 4th year pa lang siya dahil sa pagbubulakbol. minsan sinabi ko sa kanya na kailangan nyang panagutan yung babae. Sobrang galit yung nakita ko sa kanya. Itinatanggi nya na siya ang ama nito.. Pinagbantaan pa nga kami na maglalayas raw sya kapag ipinagpilitan. Aba kami pa ang tinakot. Kaya naman pinabantayan nya ito kay Ergie. hindi ko naman akalain na pati si Ergie ee Madadamay sa mga kalokohan ng pinsan ko. To the point na naniniwala daw sya na di raw si darwyn ang ama ng bata.

Lumayas nag dalawa at dinala pa ang mercedes benz ni papa. At nag iwan lang ng isang sulat kung bakit sila naglayas. Pambihira, Di ko alam kung san nagmana ng kalokohan tong mga ito. 

Napasuntok ako sa pader. Naiinis ako sa mga nang yayari!

"Ay sir, Ilabas ko po ang punching bag nyo?" Sabi ni aling Jhovel. Nakita nya siguro na sinuntok ko ang pader. 

Di ko na talaga alam gagawin sa dalawang yun. Siguro dapat ipaalam ko na lang kay mama yung ng yayari dito. 

As i expect Nabigla si mama, Kala kasi ni mama kaya kong ayusin ang lahat.

"My, Sumosobra na talaga yang batang yan. Pati si Ergie! Nakisali pa Talaga nga naman! ANo na bang nangyayari sa mga kabataan ngayon? i'll talk to your fathher about this thing. He'll know what to do. "  sabay binaba ni mama ang telepono.

"Aling Jhovel Pkikuha nyo naman po ako ng Scotch on the rocks" Nagulat naman ako ng dumating si aling Jhovel na may dalang alak na nakapatong sa bato.

"Ano toh? " tanong ko sa kanya

"ay. Ee nagtataka nga din po ako sa inyo sir ee. Nanghihingi po kayo ng iskats on the raks" Nagulat ako ng bigla syang pumalatak. "Ay oo nga pala" napatingin ako sa kanya, " Dapat pala dalawa yung bato, Kasi iskats on the rak lang ito."  Si Aling Jhovel talaga kahit kelan.

Kinuha ko na lang ang alak sa kanya saka ko ininum. pinaliwanag ko sa kanya kung ano ang hinihingi ko sa kanya kanina.

"Ay iyon naman pala ee. Dapat ice in da skats hindi iskats on the rak " Natatawang proud na proud pa dahil akala nya ay tama sya.

Love of pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon