Ingat ka kasi... [Oneshot]

2.7K 145 41
                                    

Dedicated to IraaJoyAtienza

__________________________________________________________

Ingat ka kasi... 

written by Ajanee

_____________________________________________________________

"Ingat ka..." 

Dalawang salita. Pitong letra. Simpleng salita pero... halos lumundag ang puso ko nang marinig ko iyon... mula sa iyo.

Isang matamis na ngiti ang tugon ko sa iyo at tumalikod na ako para maglakad pauwi. Napahawak naman ako sa puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi ko maintindihan. Sa dalawang salita mo na iyon, halos lumundag na naman ang puso ko. Nakakainis na ha!

Medyo nakalayo na ako mula sa iyo. Lumingon naman ako... at paglingon ko... sinabi mo na naman ang salitang "Ingat ka" at pagkatapos ay kinindatan mo na naman ako at ngumiti nang pagkatamis-tamis. 

Ewan ko ba pero naramdaman ko na naman iyon. Yung pakiramdam na tanging sa'yo ko lang nararamdaman. Yung salitang... kilig. 

Simula bata tayo... Walang araw na hindi mo iyan sinasabi sa akin ang Dalawang Salita na iyon. 

Kapag aalis na ako, nadadapa ako, may gagawin ako at tuwing mawawala na ako sa paningin mo... Nakakakilig hindi ba? Sino ba namang babae ang hindi kikiligin kapag may lalaking walang sawang sasabihin sa iyo na mag-iingat ka palagi? Ang ibig sabihin lang naman kasi nun ay importante ka sa kanya, mahalaga ka sa kanya o kaya... mahal ka niya.

Oo, importante ako sayo. Oo, mahalaga ako sayo. Pero hindi mo ako mahal tulad ng nararamdaman ko para sa iyo. Oo mahal mo ako pero bilang pinsan o kapatid pa nga dahil mag-asawa ang Ate ko at Kuya mo. Nakakainis. Hindi naman tayo magkadugo eh.

Pwede naman maging tayo hindi ba? Wala namang batas na nagsasabing bawal mahalin ang kapatid ng asawa ng kapatid mo? Pwede maging tayo. Mahal naman kita eh. Ang kaso lang... Hindi tayo pareho nang nararamdaman. 

Sa kung anu-anong iniisip ko, hindi ko napansin yung nakaharang na malaking bato sa dadaanan ko at napatid ako...

"Aray..." halos maiyak na ako, ang sakit kaya. 

Naiiyak na ako. Na-sprain yata ako eh. Pinipilit kong makatayo pero ang sakit. 

Tuluyan na akong naiyak. Pagabi na. Walang dumadaan. 

Henry, asan ka? 

Nasanay na akong ikaw ang nagtatayo sa akin sa tuwing nadadapa ako. Nakakainis ka! Sinanay mo ako! Yan tuloy... Hindi ako makatayo.

"Kim!" narinig kitang sinigaw ang pangalan ko. Kahit hindi kita nakita. Alam kong ikaw yun. Bakit? Yung puso ko kasi lumundag...

"Bakit ka nakaupo jan? Tumayo ka nga. Tsk tsk." hindi mo pa pala napansin na may sugat ako. Pinilit kong tumayo pero bumagsak ako. Lumapit ka naman sa akin.




"N-na-sprain y-yata ako..." 

Narinig kong nagmura ka ng nakita mo yung tuhod ko. 

"Bakit ba hindi ka nag-iingat? Mag-ingat ka nga! Tanga ka talaga eh!" ayan ka na naman sa Famoust Line mo at sinigawan mo pa ako. Ingat. Ingat. Ingat. Pwede bang... Wala! Wala! 

Naiiyak na ako lalo.

"Sorry. Tsk! Kim, sorry nasigawan kita. Ano. Wag ka na umiyak. Mag-iingat ka kasi." 

Naiiyak ako kasi masakit. Sa puso. Ni hindi ko manlang masabi sa iyo ang nararamdaman ko. Oo na, ang babaw pero iyakin kasi ako.

"Uhm. K-kim. Wag kana umiyak. Bibili tayo Mogu-mogu. Hindi ka kasi nag-iingat eh. Tsk." ayan ka na naman. Hindi na ako bata Henry.

"Kuya, ang sakit." sabi ko. Oo, Kuya ang tawag ko sa kanya kasi 2 taon ang tanda niya sa akin. 

Ngumiti ka sabay tumalikod at inalalayan mo ako, "Piggy back ride!!! 'Wag ka na umiyak. Diba gusto mo ng ganito? Sakay na!" 

 

Napangiti ako. Sabi mo ayaw mo akong sinasapan kasi mabigat ako pero ngayon gagawin mo 'to dahil ayaw mo akong umiyak.

At katulad ng ibang storya, katulad din ako ng mga bidang babae na may gusto sa bestfriend nila. 

Ang ewan ko kasi eh. Masyado kong binibigyang kahulugan ang mga kilos mo. 

Pero sino nga bang babae ang hindi mapapansin iyon? 

Yung pagprotekta mo sa akin, pagtanggol mo sa akin, pag-alala mo sa akin, pangtataboy mo sa mga manliligaw ko, ang pag-akbay mo sa akin, ang paghalik mo sa pisngi at noo ko, ang pagsabi ng "I love you" kahit alam kong ang ibig sabihin nun ay dahil kapatid na ang turing mo sa akin at ang pagsabi mo sa akin ng simpleng... 

Ingat ka.

Katulad nga ng ibang storya, ako yung babaeng may gusto sa lalaking bestfriend nila. Pero sana katulad din ng ibang storya... Sana pareho din tayo ng nararamdaman. 

Hinatid mo na ako sa bahay. Kakaiba nga eh. Kasi ang tahimik natin buong byahe samantalang hindi tayo tahimik pagdating sa isa't isa. 

Pagdating natin sa bahay. Tumigil ka sa gate at hinalikan ako sa noo at sinabi ang...

"Ingat ka."

At ngumiti ka ng sobrang pagkatamis-tamis. Kinilig na naman ako sa "Ingat mo". Peste.

Tumalikod ka na at nagsimulang maglakad palayo. Hindi ko alam pero ayoko nang palagpasin ito. Bahala na kung mag-iba man ang turing mo sa akin basta ang mahalaga masabi ko sayo ito...

"KUYA HENRY!" lumingon ka sakin at ngumiti. Lumakad ako sayo palapit kahit masakit yung tuhod ko.

"Ano ba iyon? Pumasok ka na sa bahay at gamutin mo na sugat mo. Baka maimpeksyon yan! Gusto mo ba ako mag-" 

 



"Mahal kita." biglang nanlaki ang mata mo at parang nagulat. Biglang nalungkot yung mukha mo. Ang tahimik natin... at ganun parin ang itsura mo. 

Kinakabahan ako... 

Sa tingin ko, hindi ko na kailangan marinig ang sagot mo... 

Tumalikod na ako at binuksan ang gate...



"Ingat ka..." napatigil ako. Ayan ka na naman eh. 

Ingat ka. Ingat  ka. Ingat ka. Nakakasawa na! Hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa'yo! Ingat. Ingat. Ingat! Nakakasawa  na! Pwede bang ang sabihin mo naman ay "Mahal kita"?

Yan ang gusto kong sabihin pero 'wag na...

Nagsalita ka ulit. 





At sa tingin ko katulad nga tayo ng ibang storya... 










"Ingat ka... Kasi papakasalan pa kita." 


WAKAS. 

Ingat ka kasi... [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon