Entry #3

80 2 0
                                    

Hiling

Sa masalimoot kong mundo

Kaylan darating ang katahimikan

Hangad kong magandang kinabukasan

Kailan ko makakamtan.

Pagmamahal na hangad

Kailan ko matitikman

Sadyang maraming pangarap

Na gusto kong maisakatuparan

Kailan magkakaroon ng kaibigang

Hindi ka iiwan sa araw ng kagipitan

Kailan papahalagahan

Ang ginawang kagandahan

Hanggang kailan ako magtitiis

Sa buhay na puro pighati ang nakakamit

Wala nabang pag-asa sa isang tulad ko

Na lumigaya kahit isang saglit

Tunay na ba akong makasalan

Sa kunting magkakamaling nagawa

Ito ba ang parusa ng diyos

Na may likha

Ako’y isang hamak lamang na dukha

Na nangangarap lumigaya

Yan lamang ang aking hiling

Sana naman ay maipagkakaloob sa akin.

Collection of PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon