Chapter 34 ~ Ano ba talaga ang desisyon mo?

19 0 0
                                    

Nikka's POV

Today is my day. 19 years of existence. Thank God sa blessing. Sana naman ay mas maraming blessings ang dumating pa sa buhay ko. Sana mas maraming birthdays pa ang dumating sa akin.

Well, my parents gave me a gift. Which is 3 days outing with my friends. Two times na to. Pero sana wala ng mangyare sa barkada. Sana maging masaya na ito. Alam na naman nila kung saan ang tagpuan. Mga 10am siguro kami aalis dito tapos off to palawan na kami. So excited na.

Me and my things are ready na.

On the way na ako sa starbucks sa isang mall kung saan doon kami magtatagpo-tagpo. 15-20 mins lang ang byahe. Kaya naman ang bilis kong nakarating doon. Nang nakarating ako doon ay nandoon na din ang ilan sa mga kaibigan ko.

"Happy Birthday Nikka!" Salubong ng mga kaibigan ko sa akin at saka niyakap ako.

"Thank you guys. Ready na ba kayo? Or should I say excited na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Both." Sabay-sabay nilang sagot sa akin.

"Sino pa ba ang kulang?" Tanong ko habang tumitingin ako sa kanila.

"Si Arvin." Sabi ni Claudy

"Okay. Itext niyo na nga. Kahit kelan ang bagal talaga kumilos noon." Apila ni Renz

May 15mins pa kaming nag-intay and here he is.

"Sorry guys. Late ako. Tagal kumilos ni Juztine eh." Paliwanag ni Arvin sa amin.

"Teka. Llysa? Akala ko ba sasama si Adrian sa atin?"

"Ahh eehh --" Naputol ang pagsasalita ni Llysa ng biglang dumating si Adrian. Ohmyy! Ang swerte naman ni Llysa. Naka-shorts at naka-sandong black lang siya. Gwapo siya ha. Infairness.

"Llysa! Happy birthday Nikka!" Tawag niya kay Llysa at saka binati ako.

"Thanks." Tipid kong sagot sa kanya.

"Akala ko ba di ka makakasama?" ~ Llysa

"Mami-miss kita e." Adrian

●●●●

Llysa's POV

Now, we are on our way to Palawan para sa 3 day birthday bash ni Nikka. Sakay kami sa eroplano. As usual, katabi ko si Adrian. 8 hours halos ang byahe kaya naman pagod na pagod kami. Nang nakarating kami ng airport, may sumalubong agad na van sa amin kung saan ihahatid kami sa resort na pupuntahan namin. Habang nasa bayahe nakatulog na silang lahat except me. Si Adrian, nahiga sa balikat ko. Ako, nakatulog na naman ako sa eroplano. Nakatanaw lang ako sa labas, iniisip kung sino ba dapat ang piliin ko, si Arvin ba o si Adrian. Gulong-gulo na ang isip ko.

Nakarating kami sa resort for almost hour na byahe. May nag-accomodate samen papunta sa kwarto namin. Syempre, hiwalay ang boys sa girls. Nagpahinga muna kami dahil pagod sa byahe. Nag-ayos na rin kami ng gamit. Sa kwartong tutulugan namin ay may apat na double deck, may mini kitchen, may dalawang banyo at may terrace. Ganoon din ang kwarto ng mga boys.

Nang nakapahinga kami, nag-ready na kami mag-swimming. Hapon na pero okay lang sa amin. Naka-two piece swimsuit at citru na damit lang ako. Yung ibang girls, ay naka-two piece din, may iba naman na naka-one piece lang. Ang mga boys, naka-swimming trunks lang. OMG! They are so HOT! Grabe. Yung abs ni Adrian, nakakapansala. We enjoyed the rest of our time together ng araw na yun. Kasama ko lage si Adrian at ramdam ko naman na pinagseselos din ako ni Arvin by means of sweet gestures na ginagawa niya kay Juztine.

Parang ang sakit pa ding tingnan na ganoon ka-sweet si Arvin at si Juztine. Haaaay! Pero kung di naman talaga kami meant to be, edi hindi.

We had so much fun. Naglalaro sa dagat, nag-aasaran. Basta sobrang SAYA!

Bumalik kami sa kwarto namin almost 11pm na. AnSAYA!  Kase nga, birthday ni Nikka! :)

●●●

Kia's POV

Kami pa lang nina Llysa, Claudy, Nikka at ako ang nasa room namin. Mamaya na lang daw muna yung ibang girls. At ngayon, pipilitin namin na paaminin kay Llysa kung sino ba talaga ang nilalaman ng puso niya. Si Arvin ba o so Adrian. Pero bago ang lahat, nag-ayos na muna kami ng aming mga sarili. Para tutulog na lang after ng pagpupulong.

Nang okay na ang lahat...

"Llysa. Halika ka nga muna rito." Tawag ni Nikka.

"Bakit?" Tipid na sagot ni Llysa

"Sino ba talaga? Si Arvin o si Adrian?" Deretsahang tanong ko kay Llysa.

"Teka, bakit niyo naman ako tinatanong yan saken?" Gulat na tanong ni Llysa sa amin

"Eh pano kase, pati kami naguguluhan na sayo. Kung sasabihin mo sa amin ngayon, ipapangako namin na hindi namin sasabihin sa barkada hanggat di ka pa handa. Tapatin mo na kami." Paliwanag ko kay Llysa

"Eh kasee. Gusto ko na yata si Adrian e. May nabubuo na akong feelings para sa kanya." Kabadong sagot ni Llysa

"So, kapag ba nanligaw sayo si Adrian, sasagutin mo na?" Tanong ni Claudy

"Actually, nanliligaw na siya. Pero di ko muna sasagutin sa ngayon." Sabi ni Llysa sa amin.

"Mabuti ng alam namin. Pero kung magiging kayo man ni Adrian, sana maging smooth ang relationship niyo. At goodluck na lang." Sabi ni Claudy kay Llysa.

"Eh paano si Arvin?" Usisa ko.

"Sasabihin ko naman sa kanya kapag okay na kami. Yung di na AWKWARD." Sabi ni Llysa

"Osige."

----

Naiba na ang aming mga napag-usapan hanggang sa nagkayayaan ng matulog. DAY WELL SPENT! TOMORROW ULIT! :)

●●●

Llysa's POV

Natutulog na silang lahat, ako, nag-iisip pa din ng tungkol sa napag-usapan kanina. Siguro, panahon na para mag-move on. Ganyan talaga ang buhay. DAY WELL SPENT! GOODNIGHT! :)

●●●

AN: Thank you! Thank you! Sa mga sumusubaybay ng story ko. Sana po ay basahin niyo hanggang katapusan. Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. WAG NIYO KALILIMUTAN BUMOTO! :) Salamat! :)

@DianneLabsU

He's My Everything! ♥ ♥ ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon