Her Silent World
Ako nga pala si Darwin Guevarra. Isa akong engineer. Twenty years old at isa ako sa mga dakilang torpe ng bansa. May babae akong madalas kong makita sa park tuwing lunch break. Lagi ko syang nakikitang nakaupo sa bench malapit sa dagat. Lagi syang mag-isa don. Ano ang ginagawa nya? Hindi ko din alam. Madalas ko lang syang tingnan sa malayo.
Ang totoo nan, tinitingnan ko sya ngayon. Simpleng babae lang sya. Nasa 5'2 ang height, mahaba at maitim ang buhok at morena.
Gustung-gusto ko na syang lapitan pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka hindi nya ako pansinin. Wala akong alam tungkol sa kanya kahit pangalan man lang nya, hindi ko alam.
"Ang ganda nya talaga." - sabi ko sa sarili ko.
"Wow. Oo nga."
"Ah!"
Napatingin ako sa tabi ko.
"OA mo, pre. Kanina pa kaya ako nandito."
Grabe talaga tong si Aljay, bigla bigla na lang sumusulpot. Katrabaho ko sya. Kung ako ay engineer, sya naman ay isang accountant.
Nakatayo lang ako ngayon sa isang poste malapit sa bench na inuupuan ng babae. Ang creepy ko ba? Wala akong magagawa. Hanggang dito lang ang kaya ko. LIGAW TINGIN.
"Sabi na't nandito ka eh. Sya ba yung babaeng madalas mong ikwento sakin?"
"Oo, pre."
"Bakit hindi mo lapitan?"
Di bale sana kung madali lang eh. Ngayon lang kasi ako nagkagusto sa babae. Puro aral lang kasi ako noon kaya hindi talaga sumagi sa isip ko ang mga ganitong bagay.
"Kung ayaw mo syang lapitan, ako lalapit dyan." - sabi ni Aljay at tangkang maglalakad na papunta dun sa babae. Hinila ko naman ang kwelyo nya sa likod kaya parang nasakal sya.
"Putcha, pre. Ang sakit! Balak mo ba kong patayin?! Magpopropose pa ko kay Psyche!"
OA talaga kahit kailan eh.
"Sige. Lalapitan ko na sya." - pagkasabing pagkasabi ko non, bumilis agad tibok ng puso ko. Grabe, hindi pa ko nakakalapit nan ha.
Hinawakan ni Aljay ang mga balikat ko at minasahe. "Yan. Geh, pre. Kaya mo yan. Laban lang!"
Ano ako? Lalaban ng boxing? OA talaga nito.
Naglakad na ako palapit dun sa babae. Bawat hakbang ko palapit sa kanya, lalong bumibilis tibok ng puso ko. Wala naman kasi akong alam sa ganito. Bakit ba kasi hindi to tinuro sa school eh. Paano naman matututo ang mga torpeng katulad ko na manligaw kung walang magtuturo samin?
Tumigil na ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, baka sumabog na to. Mas madali pa math kaysa sa pag-ibig eh. Atleast ang math may formula.
Mas maganda sya ng malapitan. Bilugin ang mata nya at may pinkish na labi. Ang ganda nya talaga.
"Hinga Darwin. Okay lang yan. Subukan mo muna mag 'hello'." - bulong ko sa isip ko.
*dugdugdugdugdug*
Lumapit pa ako sa kanya lalo pero tumayo sya.
*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*
Napahawak na ako sa dibdib ko. Hindi ako mapakali. Sobrang kinakabahan ako.
"H-hel---"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil umalis na sya.
Pinanood ko lang maglakad yung babae palayo sakin. Kahit nakatalikod lang sya, ang ganda pa din nya.
Tiningnan ko ang wristwatch ko. Sakto nanaman sa oras ang pag-alis nya. Ala-una. Mula alas dose hanggang ala una, yan ang oras na nandito sya sa park.
BINABASA MO ANG
Her Silent World [One Shot]
Short StoryTotoo bang kayang mahalin ng isang lalaki ang isang babae ng kahit ano pa ito? Yan ang papatunayan ni Darwin Guevarra sa babaeng mahal nya na si Sherylene Tingle. Ang isang torpe.. mamahalin ang tahimik na babae..