KABANATA 2

170 15 4
                                    

Papunta na kaming gym nang maalala ko na makikita ko na naman pala si Gabriel. I'm happy that he likes someone else now. Naging mainit lang talaga ang dugo ko kahapon, mabuti rin at naka pag-swimming kami.

I almost laughed nang bigla kong maisip kung paano ko nalaman na nahuhumaling pala sa akin ang best friend ni Kuya. Hindi naman kami nag-uusap at palagi ko pa siyang tinatarayan pero nagkagusto siya sa akin.

Napapansin ko lagi ang pagsulyap at mga kilos niya tuwing malapit siya sa akin. Kung pa'no niya ako protektahan at ang pagiging mabait niya sa akin. Hanggang sa isang araw na gulat na lang ako nang lumapit siya sa akin at sinabing gusto niya akong ligawan. And that's the day when I rejected him and he started hating me.

Only my cousins and I ang nakakaalam ng pagkagusto niya sa akin noon. Hindi naman ako makuwento at wala naman akong pake alam. Besides it's all from the past now. Sinabi niya nga kahapon na may iba na siyang na gugustuhan.

Mabuti na rin 'yon.

Umayos ako nang upo pagkatapos at bumaling bintana ng sasakyan. Hindi sumama si Kuya Ares dahil may pupunta raw siya.

Ang sabi ni Kuya Dane ay baka raw bibisitahin 'yung pusa na nasa vet. Ngayon ko na lang din na alala, mabuti naman at na isipan ni Kuya Ares na bumisita kahit alam kong iba naman talaga ang sadya niya.

Nakisabay lang ako sa sasakyan ni Kuya Dane. Siya rin madalas ang maging driver kaya lang minsan ay wala siya dahil sa trabaho.

"Kuya Dane aalis ka ulit?" tanong ko nang maalala na nandito nga lang pala siya dahil bakasyon.

"Yes, Sari. I'm leaving for work. Kailangan na ako sa company, and I have projects."

He was among the top performers in the Civil Engineering Licensure Exam, which he passed just last year. Kaya naman naging mas matunog lalo ang construction company nila sa Maynila.

"Leaving for work ba talaga? O baka may gusto kang makita sa Maynila?" si Eira.

Kuya Dane chuckled.

"I don't know what you're talking about. I'm leaving for work."

Na tawa ako dahilan nang pagsulyap sa akin ni Kuya Dane sa rearview mirror.

"I heard about your plan. A shelter for strays," he said. "I will build it. Kailan ba, Sari?"

"I'm still planning Kuya. And are you sure? Hindi ka ba busy? Sabi mo nga may projects ka. Nandito naman si Eira to help."

"I'm not that busy. I can make time for your shelter."

Aww, I almost want to hug Kuya Dane kaya lang na sa backseat pala ako at baka masakal ko siya.

"Thank you, Kuya!"

He just smiled.

Nang dumating kami sa gym ay agad kaming pumasok dala ang duffel bag na laman ang pamalit. I'm wearing a black leggings and black sports bra. Pinusod ko rin ang buhok ko at naghanda na para sa stretching.

I did my stretching first at ganoon din ang ginawa nila. Pagkatapos, I did some sit-ups and walking planks. I only stopped when I saw a familiar man walking inside the gym.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When I Fall (Villadeo Series #1)Where stories live. Discover now