Papasok na sana ako ng silid nang may biglang humarang sakin sa pintuan.
"Hi miss. You need help?" Sino ba tong mokong to at pakalat kalat sa isang private school? Psh. Hindi ko siya pinansin...
Papasok na sana ulit ako ngunit humarang siya. ULIT. Kaya napilitan na akong magsalita. "Ano ba?! Hindi ko kailangan ng tulong mo at higit sa lahat hindi ko kailangan ang PAGMUMUKHA MO dyan! Huwag ka ngang humarang!" Pasensya nalang, pero napilitan akong itapon sa pagmumukha niya ang mga librong hinahawakan ko. Yan kasi! Ang tigas ng ulo -___-
"Aray naman!" Bwahahaha. napaaray din siya. At sa wakas! After world war 6 with magnitude 10.10 earthquake ay nakapasok na ako! Yehey! Dahil sa sobrang sakit ng paghampas ko napaatras siya, kaya nakapasok ako. :P
Ngunit pagpasok ko, nagbubulong-bulongan na ang lahat. Tss. As if I care? Bahala sila. Namatay na si Rizal sa pagbubulong nuh.
Ay oo nga pala! first day of of grade 8 ko. University kasi itong school namin kaya merong highschool at college. Easton University po! :D
Whatevs. Whatevs. Anyways, tamang tama nga naman ang pagdating ko oh, dahil nakita ko si bruha. Pero kinabahan ako dahil sinalubong niya talaga ako?! "Chaaaaaaa!!!" Badtrip talaga oh! -___-" Sa sobrang lakas ng pagsigaw niya napahiya tuloy ako! Niyakap ako ni Coleen na parang walang bukas... Samantalang kahihiyan ang nadatnan ko. Paano ba kasi? Palagi nalang akong iniinis ng bruhang to!
"Hoy! Ba't ngayon ka lang?!" irita niyang sabi. Seriously?! Ang lapit-lapit ng bunganga niya sa tenga ko sinigawan niya pa talaga ha? Ouch... Sobrang ingay sa tenga. Huhuhu. Pag ako nabingi? Papatayin ko na to!
Patience. Patience. Patience.
"Eh 7:29am pa lang naman ah?" Padabog ko naman.
"Hay naku! Time is gold nuh? Ummmm. Sino nga pala yung nakasalubong mo sa pintuan? Inferness ah... Pogi? -^___^-" Kinikilig si palaka oh.
"Iyon? pogi? bulag ka na ata. Eh manyakis yun eh" Binelatan ko nalang siya.
"Hay, haller? Huwag ka ngang mataray, eh ang pogi kaya." - Coleen
"Edi sayo na" sambit ko ng walang pangangaliwa!
"Ito naman oh. Alam mo, hindi talaga kita maiintindihan forever! Since pre-school pa yan ah" Hay! Oo nga pala, bestfriend ko si bruha noon pa man. Magkabusiness partners kasi yung parents namin sa trabaho. Kaya kami naging close. Halos lahat nga ng lalake sa buong campus eh lumipat na ng paaralan dahil hindi niya titigilan ang pagmamanhaunting. Kakaladkarin pa talaga buong campus?! Flirt na nga, madaldal pa. Totoo yun ah. Bestfriend ko siya, kaya kilalang kilala ko siya.
(Kilala ko nga ba talaga? :/)
Sinalubong kami ng katahimikan sa room. Madalas kasi new students ang laman ng room namin. At dahil puro bago yung mga classmates namin, hindi pa nila pinapalabas yung mga true form nila.
You know naman kapag transferee, kunwari mabait sa una. Pero mayamaya lalabas din yang mga ugali nila.
"Hoy alam mo ba, kanina nagbubulong-bulongan yung mga classmates natin nung itinulak mo si Mr. pogi? Hala ka" pagtatakot sakin ni bruha.
Parang bata talaga pag nagkwento...
"Ows? Talaga? Alam ko." sabi ko ng may mataray look.
"Ha? Panu mo nalaman?" Edi syempre nakita ko! Hello?!
"SECRET" >___< pa smile ko pa.
"Ehhh, sabihin mo na!" Hala? Anyare? Parang bata kung maka asta!
"SABIHIN MO NA KASI!!!" Hindi pa nga ako nakasagot sumigaw na naman siya! Ayan tuloy, napahiya part 2. Hay!
"Ano ba? Ang ingay-ingay mo" sigaw ko ng pabulong sa kanyang tenga.
"Ikaw kasi eh, ayaw mong sabihin" *insert pouty lips*
"tss" yun lang nasabi ko.
"Eh panu mo kasi nalaman na nagbubulong-bulongan sila?" Unli ng isang to oh.
"Oh sige na nga, kasi..." pinahaba ko talaga yung pagsambit ng 'kasi' para ma-suspense siya. *wink*
"kasi?" sabi ni Coleen na gustong-gusto malaman.
"HMMMMM. Kasi... May mga mata ako" Oh diba? Simple?
*NGANGA*
"Oh bakit? hahaha" Tanong ko sa kanya. HAHAHA. Namumutla na siya ata ah?
"Seriously? Wtf? Awwwts. Ganun lang naman pala eh" - Coleen
"Ano ba kasing problema mo? tss" Baliw na siya ata... Walang kwenta kausapin!
"H-huh? Ugh! Ba't kasi tinignan mo pa sila? Kung hindi mo sila tinignan, eh di sana hindi mo pa sila nakita na nagbubulongan!" *wink*
"ha? baliw ka na ata" sabi ko ng naguguluhan. ano ba dapat gawin ko? pumikit?
Besides? WHAT'S THE BIG DEAL???
"baliw nga!" *smile to the max* 3:)
ako : -___-
siya : HAHAHAHAHAHA!!!
Ano bang nakain niya? Ba't siya nagkakaganyan? Hala. Psychiatrist kelangan nito. Di ko magets pinagsasabi niya!
YOU ARE READING
Ang nakakainis kong bestfriend
Teen FictionBestfriends sila. Palaging nag-aaway. Pero paano pag isang araw maiinlove sila sa iisang guy? Pati pa naman ba sa pag-ibig, pag-aawayan nila? Kailan ba sila magkakasundo? Ano ba yung pipiliin ni Cha? Friendship o relationship?