"Patrick, I love You". Do you love me too?!"
Patrick: YES! YES!!! Kristine I do love you! I love you so much".
*And start kissing....
(pause)
AhhhhhhhhhhHHHHHHHH!!!!! Grabe!!! Nakakakilig!!! (hysterical)
Akala niyo si patrick at kristine ang bida ng istoryang ito noh?!.
Isang napakagwapong lalake at napakagandang babae na sobrang perfect for each other. Well! nagkakamali kayo..."
Ako nga pala si Tummy. Nickname ko lang yan ha.
Real name ko talaga ay "Kenna A. Matsumoto". Ang layo noh?!
sabi kasi nila mas bagay sakin ang "tummy" kesa sa kenna na ang ibig
sabihin ay maganda kaya tummy daw mas bagay sa proportion ng katawan ko.
may lahi pala ako. hindi lahing baboy ha!. half japanese ako, ang mama ko ay Filipino at ang
papa ko naman ay isang hapon pero wala na ang papa ko sabi kasi sakin ng mama ko baby palang ako nung nawala siya..." Mag isang anak lang ako kaya ayan masyadong na spoiled, hindi lang sa mga bagay bagay pati na rin sa pagkain.
Nga pala kung itatanong niyo sakin kung anong weight ko, wag niyo ng alamin, ako nga hindi ko inaalam eh! basta malaki ako with curves! :D Masarap kaya kumain!
Isama niyo na din pala ako sa listahan ng mga NBSB. "No Boyfriend Since Birth"
bukod sa pagkain. mahilig akong manuod ng mga pelikula at mga korean dramas! yung feeling kasi na akala mo ikaw yung bida sa palabas tapos kapag tatanga-tanga yung bida bigla mo naman mumurahin! hahaha... paano baliw din ang direktor!
Ordinaryo lang ang buhay ko, wala naman masyadong drama. "Happy lang always". yan din ang motto ko sa buhay.... kaso parang may kulang... dumarating sa buhay ng isang tao habang tumatanda na naghahanap ka ng karanasan umibig at ibigin. Masyado din siguro akong na impluwensiyahan ng mga pelikula at korean dramas na napapanuod ko. Paalala lang ha. Hindi ako maka Kpop.
Dati naman hanggang crush crush lang ako, pero ngayon yung tipong sabik na sabik ako makaranas ng love. "Lord, bigyan mo nanaman ako ng lovelife" gusto ko naman maranasan kiligin hindi yung lagi na lang ako naki-kilig sa iba. peace po :)
*Heto nanaman papasok na ko, yung feeling na tinatamad ka pumasok kasi wala ka naman inspirasyon para pumasok, aysus! hashtag HUGOT! haha...
Nag-aabang na ko ng bus pa-Buendia* Makakaupo siguro ako nito ako lang tao dito"...Parating na ang bus at lumabas na ang konduktor.." Oh! Isa na lang, isa na lang... nang biglang... may humabol na lalaki... inunahan pa ako sa pag-akyat. at yun nga siya yung nakaupo at ako nakatayo..."
Aiist!! sayang kala ko makakaupo na ko eh. tayo nanaman! kaasar wala na ba talagang gentleman sa mundo! (Ito sinasabi ko sa isipan ko)
Minsan swerte kung makaupo pa ko. nakakangalay din noh 2 hours ang byahe araw-araw.
pero yun nga lang laging tayuan na pag-dating sa amin. kaya nag-try ako na mag-jeep papunta ng terminal ng bus para makaupo naman ako. May vacant pa sa tabi ko. ayos lang para maluwag! at buti na lang hindi makakasabay yung lalaki nung isang araw na inunahan ako makaupo.
nag-umpisa na kong magbasa at makinig ng music* ... (paparating na sa may amin kung san ako nag-aabang palagi) nang may mga umakyat na mga pasahero."
hindi ko namalayan na may tumabi sa akin.....
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story: chubby girl meets handsome boy
Teen FictionHindi pangkaraniwang Love Story na napapanuod mo sa mga pelikula.